Prologue

1.1K 33 6
                                    

Prologue


Madilim at tanging paghagulgol lang ng hangin ang naririnig ko ngayon kasabay ng pagpatak ng mga luha mula sa kalangitan na tila ba ay nasasaktan din ito kagaya ng isang tao.


Hindi ko na rin alam kung ilang hakbang na ba ang nagawa ko makalayo lang sa lugar na iyon. Kung alam ko lang na nandito rin pala siya ay hindi na sana ako nag abala pang pumunta.


Nakaramdam ako ng presensiya mula sa likuran ko pero hindi na ako nag abalang lingunin pa ito dahil kahit sa malayo palang ay kilalang kilala ko na kung sino ito at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. I guess I need this para kahit papaano ay kumalma ang isip at nararamdaman ko.


Ang kalmadong pagmasdan ng mga alon sa dagat ngayon kahit pa napakalakas ng hangin at ulan. Nababawasan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko.


"We should go back." Alam kong sa kaniya galing ang boses na iyon pero nanatili lang akong tahimik at hindi na ito pinansin.


"Fine! If you want to stay here I won't stop you." May bahid na inis sa tonong pagkakasabi niya at nagsimula na siyang maglakad papalayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.


Pagkatapos non ay umupo nalang ako sa malalambot na buhangin malapit sa dagat at nanatiling nakapikit habang nakaharap sa kawalan na tila dinadama ang bawat pagpatak ng ulan at simoy ng malalamig na hanging nagmumula sa dagat.


Napatigil ako ng biglang hindi na ako nakakaramdam ng pagpatak ng ulan pero nakakarinig pa rin naman ako ng malalakas na kulog kaya nagtaka ako.


Ganito na ba ako kamanhid at pati pagpatak ng ulan ay hindi ko na maramdaman?


Napamulat ako at sumalubong sa akin ang mala kulay luntian at ginto niyang mata na tila nangungusap. Ako naman ang naunang lumayo at ibinalik ang tingin ko sa dagat.


"Ba't ka pa bumalik?"


Bigla naman siyang tumawa nang mapait sa naging tanong ko. "I'm the one who should be asking you that."


Hindi ko naintindihan ang naging tugon niya kaya nanatili nalang akong tahimik at pumikit ulit.


Hindi ko alam pero gustong gusto kong nararamdaman ngayon yung lamig ng hangin at butil na patak ng mga tubig parang nakakalimutan ko kahit saglit yung mga problema ko.


"You're the one who vanished in the first place, then n-now you're back again like nothing happened."


Nanatili lang akong nakapikit habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "I'm talking about the umbrella."

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now