Chapter 8: Good ShotPagkatapos na pagkatapos ng klase ay mukha agad ni Harry ang bumungad sa 'kin paglabas ng pinto.
He really did wait for me. Ganoon ba yan kaimportante?
"Hey, Aoi. How's your class?"
"Okay lang, it was fun. We learned a lot from Miss Carter."
"Well, that's a relief. Here, I bought a coffee and cake for you." Iniabot niya sa 'kin yung gray toath bag na dala dala niya.
"Hindi mo naman na kailangan mag abala, kuya. Kaya ko naman bumili para sa sarili ko." Pag iinsist ko na ibalik pa sana sa kaniya yung lalagyan na may lamang coffee and cake pero hindi na niya ito tinatanggap.
"A-ah kuya? Harry nalang. Masyado ako nagmumukhang matanda niyan eh." Ginulo na naman niya yung buhok ko ng walang pasabi.
"Sayang?" I ask him confused, ayun kasi yung pangalan na nakalagay sa coffee.
"Yep, nung una kasing nalaman ko name mo. I thought it's pronounced like "ay" that's why ayan nilagay kong nickname sa coffee mo." Natawa naman ako bigla. Infairness, ang witty ha.
Naputol ang usapan namin ng biglang lumabas ang propesora at dumaan ito sa harap namin dahilan para mapalayo kami sa isa't isa.
Lalapit pa sana ulit si Harry para sana tulungan akong buhatin itong coffee and cake, nang biglaang magsalita si Miss Carter.
"Follow me, Miss Morti." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumunod agad ako sa kaniya. Nagpaalam na rin ako kay Harry and nagpasalamat, mahirap na biglang nagiging tigre 'tong kasama ko.
Sa pagkakaalam ko ay sa kabilang building pa ang office ni Miss Carter kaya malayo layo ang nilalakad namin ngayon mabuti nalang ay may elevator. Ngunit hindi pa ring maiwasang may mga lumilingon sa kaniya dahil sa bawat lakad niya, bukod sa dala dala niya ng maayos ang takong niya sumasabay din ang buhok niya sa bawat hakbang at ang likuran na maipagmamalaki rin.
"Stop staring at my butt." She stopped walking and immediately face me.
"H-ha? Staring? Hindi naman ah...sa suot mo ako Ma'am nakatingin ang ganda kasi fit na fit sa 'yo. Anong brand po?"
"Don't ask for it. Wala ka namang..." Tumigil siya saglit at tinitigan nang mabuti ang buong katawan ko. "Nevermind, you may go now."
Ano raw? Anong wala ako? Pwet o dibdib? Meron naman ah...
Mas malaki lang yung kaniya.
"Akala ko Ma'am may itatanong ka na importante kaya isinama mo ako dito."
"Oh, about that... The guy earlier named Harry. Stay away from him."
"Po? Bakit naman po?"
"I don't need to state my reason. Just stay away from him if you don't want troubles."
"I think he's a good guy naman Miss."
"Hmm..." Tumango tango lang siya at hindi ko napansin na kinuha na pala niya sa kamay ko yung kape at sinisimulan na itong inumin.
"Ma'am..."
"What?"
"C-coffee..."
"I'm your prof, you're not allowed to ask me on a coffee date, Kaiden." Nabigla ako sa itinawag niya sa 'kin dahil iisang tao lang ang taong tumatawag sa 'kin by my second name.
"Yung coffee ko, Ma'am, ininom niyo po." Nauubo ko pang saad sa kaniya dahil nahihiya rin akong banggitin pa baka magbago ang mood niya pero may luha na ata sa gilid ng mata ko dahil that's one of my favorite coffee and it's now gone...
"You can buy another one." Malamig niyang saad na akala mo walang inubos na kape ng ibang tao.
Dumiretso na siya sa table at nagsimula na magtype sa laptop niya.
Lumabas na ako ng office niyang naluluha.
Yung kape ko...
Wait...
Naiwan ko pala yung cake sa loob. Bumalik ako ulit sa para sana kuhanin yung cake pero bumungad sa 'kin yung propesora kong may fork na hawak at sinisimulan na ring kainin yung cake ko.
She innocently look at me "what?"
Okay...
Wala ng kape at wala na ring cake, great.
•••
Author's Note:Merry Christmas!!! Sorry for being inactive for a long long period of time. Nagkaroon lang ng probs and naging busy sa acads. Anw, I made it with high honors guys!
Happy holidays, everyone. I will try my best to update more frequently.
YOU ARE READING
Her Unrevealed Dominion
Romance"I thought I'm the strongest, but being betrayed by her almost took every power that I have." Aoi Kaiden Morti, a student who just want to live a normal life like other people, but can't escape from her responsibility, because she's the one who's bo...