Chapter 3: Mistaken

226 10 0
                                    

Chapter 3: Mistaken

Mayroon ng announcement na ngayon daw yung pasahan ng mga requirements namin na required for enrollment since magsstart na rin agad yung pasukan by monday. Kaya maaga rin ako bumangon ngayon pero honestly hindi ko alam kung anong gagawin ko roon.


It's my first time na makikita yung school and wala ako masyadong kilala dito. Ang hirap maging introvert at indecesive parang akong hindi tao dahil hindi pa rin ako sanay makipag socialize at magdecision sa buhay. Bahala na si batman at wonderwoman.


Gc ng mga tirador ng prof


Shu: Aoi!!!!

walang yelo


Hori: dumating ka lang dyan ganiyan ka na sa 'min ah


Shu: nagbago ka na, hindi ka na kagaya ng dati


puti


Shu: ha?

Hori: HAHAHAHAHAHAHA

Shu: ano raw? puti? yung alin?

Akuma: 'wag mo na isipin yang dalawa na yan. kamusta buhay Pilipinas?

ayos pa naman kami ng mga anak ko dito. nakakakain 3 times a day


Akuma: sinasabi neto?

charot lang, akala niyo kasi hindi tayo nagkita ng matagal sa tanong niyo


Hori: nexttime di ka na namin kakamustahin


Shu: koreque ಠ⁠ಗ⁠ಠ


ngayon daw yung pasahan ng mga requirements for enrollment pero hindi ko alam paano gagawin ko dahil hindi naman ako marunong makipagsocialize


Akuma: meron akong kakilala na taga diyan sa university na papasukan mo gusto mo ipaassist na kita?

ayoko


Akuma: edi wag, ako na nga nagmamagandang loob eh


ayoko ng tumanggi
go go go
eto naman hindi mabiro


Akuma: oo na, sige na. chat nalang kita kapag nagreply na


Hindi na ako nagreply sa chat niya, ayoko malast chat eh kaya hineart ko nalang.


*Doorbell ringing*


"Teka lang papunta na!" Sino naman kayang possible na dadalaw sa 'kin ngayon? Wala naman akong maalalang pinagbigyan ko ng address ko at busy din naman sila mommy kaya imposibleng puntahan nila ako dito.

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now