Chapter 10: Wrong Move

114 5 0
                                    


Chapter 10: Wrong Move


"Kilitiin mo."

"Ba't ako?"

"Ikaw na!"

"Ayoko. Mamaya magalit pa sa 'kin yan."

Maliwanag na ilaw ang bumungad sa 'kin at dalawang nagtatalo sa gilid.

Imbis na yakapin ako nung dalawa tumakbo agad palabas pagkakitang bumangon na ako.

"Docc gising na siyaa!" Rinig na rinig kong sigaw nung dalawa sa hallway paglabas ng pinto palang.

Ilang minuto lang ay may pumasok na agad na doctor at sinimulan akong icheck, yung dalawa sa gilid mangiyak ngiyak pa.

"Mag heheal pa naman yung mga paa mo, but it could possibly take a few months. You can still play soccer or other sports as long as you will not force yourself to move around for a while until you're fully healed."

Hindi naman ako masyadong nabahala o kinabahan since I know my situation. Even na mapilayan or masugatan ako I can easily healed my body.

The doctor left us already at yung dalawa naman agad agad lumapit.

"Okay lang ba yung paa mo?"

"Sorry ha, kung alam lang namin hindi
na sana namin sinipa sa 'yo yung bola." Hatak pa ni Silver sa damit ko at nagpupunas ng luha.

"Backhanded ba 'yan o concern ka talaga?"

"Pinapatawa ka lang namin, nag alala kasi kami eh."

"Oo nga kapag hindi ka na nakalakad never na rin kami maglalaro ulit."

Iiyak na sana ako pero parang may pintong naiipit akong narinig.

"Hehe sorry, alis na muna ako tinatawag ako ng banyo." Paalam ni Silver at naiwan sa tabi ko si Luxury.

"Sorry about her."

"Okay lang, wala kayong dapat ipag-alala sa mga biruan natin." Pag papakalma ko sa kaniya dahil wala naman problema sa 'kin si Silver. She's actually funny and she always keep us entertained.

"Anyways, here."

May iniabot siya sa 'kin na isang balot ng elastic bandage and a brown coat. "Ano 'to? I mean bakit mo 'ko binibigayan nito? Baka magselos niyan si Silver."

"Sira, hindi galing sa 'kin yan. Pinabibigay lang sa 'yo."

"Nino naman?" Impossible na galing 'to sa parents ko dahil alam naman nilang kahit mainjured ako magheheal din o kaya naman ay magchachat sila mommy kung magpapadala man sila.

"Hindi ko rin kilala eh, pinaabot lang kanina."

Hinayaan ko nalang dahil ayoko na ring pagurin sarili ko.

"Tara EK tayo?" Hindi ko kaya na magstay lang dito sa kama magdamag. I want to do something fun and syempre may thrill.

"Hindi ka na nga makalakad at makatayo diyan eh gusto mo pa mag gala." Mahigpit na saway ni Luxury.

"Sige na, Lux. Saglit lang naman tayo isama natin si silver."

"Hindi pwede, Aoi. Baka mapagalitan tayo ng doctor mo."

"I'm back." Nilingon ko agad si Silver at sinenyasan itong lumapit para maghanap ng kasabwat sa plano ko.

"Hoy silver dahan dahan lang naman!" Masyado namang mabilis magtulak ng wheelchair 'tong nasa likod ko.

Sabi ko mabilis ilalabas pero hindi kasama sa plano na baka sa langit na diretso ko nito.

Napakiusapan ko sila na lumabas kami saglit pero binigyan nila akong curfew na hanggang 6 lang daw kami dahil baka hanapin ako agad.

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now