Chapter 5: Meeting Her Again
Nandito ako ngayon sa cafeteria, since maaga pa naman at mamayang 7:00 pa first subject ko. Classic Chocolate Cake at Caramel Macchiato lang ang inorder ko para hindi masyadong mabigat sa tiyan.
Pangalawang araw na ngayon pero wala pa rin akong nagiging kaibigan man lang o nakakausap. Mukha ba akong hindi tao kaya ayaw nila ako lapitan?"Aoi" May lumapit sa 'kin, he looks familiar. He's a 6 footer, mistiso siya at nakasalamin, he's also wearing a formal attire at may ngiting nakapintura ngayon sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Do I know you Mr?"
"Harry." banggit niya at naglahad ng kamay pero tinignan ko lamang yon at hindi tinanggap. "Hindi mo ba ako natatandaan? I'm the guy who help you last time." I see, that's why he looks familiar.
"Alam mo bang matagal mo na rin akong fan, since unang sali mo palang sa archery 10 years ago nanonood na ako sa mga laban mo. I really admire your aiming skills, ang galing mong pumana!"
"Pati ata ako tinamaan." May pahabol siyang binulong pero hindi ko masyadong narinig.
"H-ha?"
"Wala, nagbibiro lang.." Mahina siyang tumawa kaya lumabas yung isang dimple niya sa kaliwang pisngi. Honestly, ang manly niya tignan at maitsura rin.
"Bago ka lang ba dito?" Tanong ko kahit medyo ang awkward pero panigurado namang he's a nice guy so okay na rin na may makausap ako dito ngayon.
"Ah hindi, 3rd year na ako kaya matagal tagal na rin simula nung nandito ako sa university."
"Vice Presss!!" May babaeng sumisigaw sa hindi kalayuang table at sa tingin ko ang hinahanap niya ay itong katabi ko dahil dito siya nakatingin at kumakaway sa 'min.
Nang malapit na siya ay agad niyang nilingkis ang kamay niya dito sa lalaking nasa harap ko at nahihiya siyang ngumiti sa 'kin. "Hihiramin ko lang saglit 'tong si Vice Press may probs kasi sa office need lang namin siya saglit." Tumango nalang ako at hinayaan silang umalis.
"Thank you ulit, Aoi. Pasensya na at kailangan ko na ring umalis agad bawi nalang ako nexttime." Pahabol na banggit nung guy habang hinihila siya ng kasama niya at nahihiyang kumamot sa batok niya.
"Oh shoot!" Pagkatingin ko sa relo ko ay wala pang isang segundong napatayo na agad ako dahil hindi ko namalayan ang oras at maglilimang minuto na pala akong late sa unang klase ko.
"U-uhm miss... I can explain." Bukas pa yung pinto pero saktong pagdating ko bigla ring sumara nang malakas sa harap ko.
*Knock knock*
Bahala na pero kukulitin ko nalang siya hanggang papasukin niya ako ulit.
The door opened and nakita ko siyang kalmado lang na nakaupo at nakatingin sa 'kin ngayon pero yung mga titig na ipinupukol niya ay malamig. Halatang takot din silang lahat sa kaniya dahil sobrang tahimik ng buong klase.
Pero agaw pansin yung suot niya ngayon na halos yakapin yung mga kurba niya at tama nga ako! Siya yung babae kahapon na nakasalubong ko yung may light honey tea brown hair!
Ay wait teka. Nakasalubong sa hallway?
Naalala ko bigla na nagkabungguan kami kahapon at bigla akong nakaramdam ng hiya dahil baka naalala pa niya yung mukha ko. Dumiretso na ako agad sa upuan ko dahil mahirap na baka paginitan niya ako at palabasin ulit.
YOU ARE READING
Her Unrevealed Dominion
Romance"I thought I'm the strongest, but being betrayed by her almost took every power that I have." Aoi Kaiden Morti, a student who just want to live a normal life like other people, but can't escape from her responsibility, because she's the one who's bo...