Chapter 16: Play Her Game

209 9 2
                                    


Chapter 16: Play Her Game

"I'll join the game." Saad nito atsaka nagsimulang lumapit at umupo sa tabi ko.

Hindi ko alam sinong hahalikan ko wala namang lalaki ditong type ko eh.

Bumulong naman sa gilid ko si Bronze. "Babae meron." Anong sinasabi nito?

"I'll take the drink. Okay lang ba 'yon? Or against the rules?" Pagtatanong ko dito habang kumukuha na ng isang shot glass.

"Oo kapag sa 'yo bawal." Striktong asik pa nito habang nag nonono finger.

I froze in my spot when I suddenly hear her whisper. "You can use me." Ako lang ata ang nakarinig sa kaniya dahil wala naman akong reaction na nakita mula sa iba naming kasama.

Lahat ng mata nila ay sa 'kin nakapako, hindi ko alam kung itutuloy ko ba. Okay lang ba 'to na babae ang hahalikan ko at teacher ko pa?

Naglakad na ako para umikot doon sa kabila and malapitan si Rhiley...

I kissed her on cheeks. Siya nalang ang pinili ko dahil baka magkaroon pa ng issue.

Pagkatapos ay lumayo rin agad ako at bumalik sa puwesto ko.

"BAKIT CHEEKS LANG?"

"Wala ka naman sinabing required sa lips." Balik na sagot ko kay Silver.

Tinignan ko ulit si Rhiley at namumula ata itong parang kamatis samantalang hindi pa man nagsisimula ang next na round para sa spin the bottle tumayo si Miss Sei and grab a shot of glass at ininom niya agad ito.

"Next." Malamig na pagkakasabi nito at lumipat na ng pwesto sa tabi nila Ma'am Adeline.

"Luxury!"

"AHA!"

"FINALLY!"

Lahat sila ay excited nang kay Luxury tumapat ang nguso ng bote. "So... Truth or dare?"

"Dare." Si Copper ang nagtanong pero ang tingin ni Luxury ay na kay Silver na nakangiti sa sulok. Excited ata ang babaeng 'to.

"Sumayaw ng shot clock."

"Ayon lang? Basic." Nagsimula na siya maglakad papunta sa harap ni Silver at pinastart yung kanta kay Bronze.

"Aba, ang AG mo tuwang tuwa!"

"AG? Anong ag?" Naguguluhang tanong ni Bronze sa sarili niya. Natawa naman ako dito ng mahina mukhang 'di niya kasi nagets yung joke

"Hoy Luxury tama na! Wala naman sinabi na sa harap ng crush mo sayawin eh. Eto talaga napaghahalataan!"

"Next next!" Paghyhype pa nila at pinagpatuloy ang laro.

Lahat sila ay nanahimik sa susunod na tinapatan ng bote.

Miss Sei.

"Dare." Wala pang nagtatanong sumagot na ito. Mukhang lasing na nga siya, sinunod sunod ata nito yung shot glass kanina doon sa table.

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now