Chapter 6: Blood-Related?

180 8 0
                                    

Chapter 6: Blood Related?

Maaga akong dumating ngayon dito sa university pero dito na ako sa room dumiretso dahil kinakabahan ako baka malate na naman ako ayoko pa naman magka bad records.

"Uy Aoi! Ang aga mo ngayon ah." Bigla bigla nalang sumusulpot si Harry kung saan saan.

"Ilang beses na kasi ako nalalate nakakahiya naman sa mga prof. Ikaw? Ba't ka nandito 3rd year ka 'di ba? so that means sa kabila yung building niyo."

"May dinaanan kasi akong office na located din dito sa building niyo kaya dumiretso na ako dito." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang niya ginulo yung buhok ko. "Nga pala bago ka lang dito 'di ba? gusto mo itour kita mamaya?"

Biglang nahagip ng mga mata ko si Miss Seinity na nasa labas na mukhang may hinahanap.

"Ah hindi na kaya ko nam—"

"Mauna na pala ako kailangan daw ako don eh. I'll tour you around ha? See you later." Ngumiti lang siya at pagkatapos ay tumakbo na agad palabas na hindi man lang ako hinahayang magsalita.

Paglingon ko naman ulit sa labas ay wala na si Miss Seinity. Sino naman kaya hinahanap non kanina?

Nakaramdam naman ako ng antok kaya tumungo muna ako saglit at pumikit dahil mamaya pa naman yung first subject namin. Iidlip lang ako saglit.

"Aoi."

"Aoi!!"

"Aoi!" Samutsaring pag uuga sa upuan at pagtawag sa pangalan ko ang naririnig ko ngayon kaya napamulat ako at napatingin sa kanila. Sakto namang pag angat ko ng ulo ay may nasilayan akong takong sa harap kaya napatayo agad ako at humingi ng tawad.

Habang nakayuko ako ay mahinang pagtawa lang niya ang narinig ko kaya napatingin ako. "Miss ba't po kayo tumatawa? Pasensya na po hindi ko namalayan lumalim yung tulog ko."

"Cute." Nakangiti siya ngayon sa 'kin na tila ba wala man lang inis o galit siyang naramdaman sa pagtulog ko kanina. "It's fine, Miss Morti."

Nagthank you lang ako sa kaniya at humingi ulit ng tawad pero pinaupo na rin niya agad ako.

"Don't be too nervous students. I'll not be too hard, since you just returned from a vacation, so probably nasa bakasyon pa yung isip niyo. You'll just tell me what's your expectation about my subject, but in a creative way. You can draw, write a poem or essay. It's up to you. That will be your first activity."

Nagliwanag naman ang mga mukha nila dahil marahil akala nila ay magsisimula na agad ng lessons at reporting.

Madali lang akong natapos sa ginagawa ko kaya tumungo nalang ulit ako at pumikit dahil maaga pa naman at ayoko silang maabala dahil marami pang hindi tapos.

Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko at bumungad sa 'kin si Miss Carter. "Please help me with those papers." Sabay turo niya sa table niyang puno na ngayon ng mga papel.

Tumayo lang ako at sinunod ang sinabi niya. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasa ng gawa ko pero nahihiya akong sabihin sa kaniya dahil nakalayo na kami sa room.

"Thank you." Ngumiti lang siya ulit ng matamis at aalis na sana ako kaso naalala ko yung papel ko baka kailangan ko muna ipaalam sa kaniya ngayon para malaman ko kung tatanggapin niya pa ba.

"U-uhm miss?" Kinakabahan man pero pinipigilan ko pa ring maglaro ang mga daliri ko.

"Yes?" Kahit may ginagawa siya ngayon sa laptop niya ay nagawa pa rin niya akong lingunin.

"May I ask lang po kung pwede pa po ba magpasa?"

"No, that's bad you know."

Ha? Bad?

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now