Chapter 11: Toronto Cave

104 5 0
                                    

Chapter 11: Toronto Cave

"You are bleeding, Aoi!" Nag-aalalang sigaw ni Akuma ng dumugo na yung ulo ko at lower abdomen.


"Okay lang ako, minor injury pa yan compare sa mga pinagdaanan natin nung bata pa tayo. Kami na bahala ni Shu humarap sa kanila, kayo na ni Hori maghanap nung portal."


Sabi na eh, hindi ako pinuntahan nila Akuma dito sa Pinas dahil lang sa injury ko last time. Kung hindi dahil my grandparents sent them again para isama ako sa mission na 'to. A mission where we always have to risk our lives.


"Hindi na natin kaya! Kung matatagalan tayo dito baka mauna pa tayong mapagod at maubos." Masyadong marami yung insects and pest here at nagreregenerate pa. They're not in ordinary sizes na madalas natin nakikita, kasing laki sila ng isang tao. Oh 'di ba ang weird talaga minsan ng mga mission namin.


"Tabi." Walang pakundangan pagtabig ko ng kaunti kay Shu para magbigay ng damage na pang maramihan ang after effects. Pang buy time namin habang naghahanap yung dalawa.


"Nahanap ko na!" Hori shouted in a distance kaya tinapik ko na si Shu para sumunod doon at pinauna na sila.

"What are you doing Aoi?" Takang tanong ni Shu dahil ibinato ko na siya papunta kila Akuma. Ayaw kasi niyang pumayag na maiwan ako. Wag kayo mag alala hindi naman siya nasaktan, sanay na kami sa ganito. Lagi ko yan binabato nung bata pa kami.

"Didiretso ako, don't worry I got this." Pagkindat ko pa sa kanila bago umalis para hindi sila masyadong mag-alala.


Tumalon na ako sa hole at kinuha yung torch sa wall. This place look abandoned and mix of paleolithic era.


May narinig akong iyak ng babae kaya nagmadali akong kumaliwa ng daan without even checking my map kung tama ba dinaraanan ko or may threats na nadetect.


"Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang pagtatanong ko agad pagkarating na pagkarating ko.


Hindi siya sumasagot, She keeps on crying.


Tinry ko siyang offeran ng panyo pero tumakbo lang yung babae.


"Hey! I'm not a ghost!" At hinabol ko pa ito.


Nang maabutan ko na siya nagbago bigla ang ipinapakita nito. Walang emosyon at tila may hinahanap.. o tinitignan?


Bigla ako nitong tinira ng sticky slime na color green buti nalang ay nakalundag agad ako kaya hindi ako tinamaan.
Pero hindi pa man ako nakakatayo nakalapit na agad siya at nabigyan ako ng daplis ng kunai sa braso.


May ibinubulong siya na hindi ko maintindihan ng maayos dahil masyadong mahina at maingay ang paligid.

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now