Chapter 14: Expect the Unexpected

196 8 0
                                    


Chapter 14: Expect the Unexpected

Start na dapat ng class ngayon pero nakakapagtaka dahil walang masyadong tao sa hallway at kahit sa room mga nasa lima pa lang kami.

"Luxury may ganap ba ngayon bakit kaunti lang tayo?"

"Baka naman walang pasok?" Sabat ni Silver.

"Anong walang pasok? Exam day ngayon, Silver." Natatawang sagot sa kaniya ni Bronze.

Nagulat naman ito at parang nagtatakang nag-iisip. May inaalala siguro 'to. "Weh? Ba't hindi ako nainform?"

Bigla namang sumigaw si Luxury at tumayo ito sa kinauupuan niya habang hawak pa rin ang phone. "Tara labas tayo!"

"Saan punta?" Si bronze na ang nagtanong dahil maging siya ay curious.

"Sandok." Pilosopong sagot ni Silver kahit hindi naman siya ang tinatanong.

"Ha?" Nakaearphones pero tanong pa rin ni Fox.

"Hamburger."

"Ano raw? Burger? Ang aga aga pagkain agad nasa isip mo, Silver."

"Slow talaga ni Fox mhen. Kung anong ikinabilis ng pangalan niya ayun namang ikinaslow ni Fox eh."

"Sml."

"Oo na Fox alam kong maganda ako."

"Anong connect?"

"Wala, wala naman akong load eh."

"Pang wifi 'yon hindi load."

"Ano bang sinasabi mo kapag may load ako?"

Nag-isip naman saglit si Fox bago sumagot at nakatingin pa sa taas. "Paconnect?"
















Nandito kami ngayon sa baba at inaabangan din kung anong inaabangan ng mga tao dito sa entrance.

Artista ba 'tong mga darating? Daming fans ah.

Nang may dumating na white limousine mas lalong nagdikit dikit ang mga tao dito at nakaready na ang camera.

Huh? Akuma? Hori? Shu? Kailangan pa naging famous ang mga 'to?

Nagpose pose pa yung tatlo sa harap ng mga camera na nagcliclick.

Napaface palm nalang ako sa sarili at nagstart na umalis pero nagulat ako nang may humablot sa 'kin.

"What are you doing Ma'am?"

"Follow me."

"Saan naman tayo pupunta? 'di ba po may test tayo ng mga oras na 'to."

"The principal rescheduled the examination today."

"Huh? Ganoon na ba kalakas impact ng mga kaibigan ko?"

Hindi na ako nito pinansin at patuloy lang ang paglalakad namin, sa tingin ko ay sa office niya kami papunta. Bakit naman kaya?

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now