Chapter 4: Confused

175 7 0
                                    


Chapter 4: Confused

*Phone ringing*

Ilang beses ko nang pinatay yung phone dahil kanina pa ring nang ring pero hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon. Kulang na nga ako sa tulog kagabi dahil kakaisip sa gagawin ko ngayong first day dahil makikita ko na naman siya tapos may tumatawag pa ng ganitong oras ng umaga. Sasagutin ko na sana ito pero natigilan ako ng makita kong from unknown number yung tumatawag pero sinagot ko pa rin dahil baka importante.

"Hello? who's this? kung nang paprank call ka lang pwede bang 'wag sa umaga kasi natutulog pa yung ta—"

"First day of school ngayon, Aoi. I'm here outside of your condo. Pinababantayan ka sa 'kin ni Akuma kaya even though I don't like it, wala akong choice sabay tayong papasok."

Napatayo naman agad ako at nagulat din ako dahil hindi ko inaasahan tatawag siya ng ganitong oras para samahan ako. Pero bakit naman? Hindi ko naman na kailangan ng 24/7 magbabantay sa 'kin at aalalay, masyado namang nag-aalala sa 'kin si Akuma.

To Akuma:

Hindi ko alam kung bakit pero sige thanks. Magoverthink ka nalang kung bakit.

Tumayo na rin ako agad at bumaba dahil naalala kong nasa pinto nga pala si Brielle mahirap na baka nakataas na naman yung mga kilay non. At hindi nga ako nagkakamali dahil pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto tinaasan na agad ako ng kilay.

Bakit ba lahat nalang ng babaeng naeencounter ko laging masusungit? Akala mo menopause na eh. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae.

"I will drive."

"Ako na." pag iinsist ko dahil siya naman na yung nageffort para puntahan ako dito sa condo. Hindi na rin naman siya pumalag at hinayaan nalang ako.

"6:55 na" tila papalit palit kong tingin sa relo ko at sa harap dahil maghahalos isang oras na kaming nandito. Hindi naman namin alam na traffic pala masyado ngayon. Tinignan ko rin siya para icheck at magsorry sana pero parang hindi naman siya nakakaramdam ng anumang kaba o takot samantalang ako nag-ooverthink na dahil another bad impression na naman maibibigay ko dun sa registrar este prof pala.

*Knock knock*

"Come in." Pagkabukas ko palang ng pinto ay bumungad sa 'kin ang isang babaeng nakapencil skirt at blazer, kulay ash gray ang buhok nito at may katawan ding maipagmamalaki dahil sa kurba.

"Are you done staring at me?" May ngiting kumurba sa gilid ng labi niya.

"A-ah no, i mean hindi po ako nakatingin." pumasok na ako agad at lumapit sa kaniya dahil pakiramdam ko kailangan kong iintroduce ang sarili ko.

"Go, darling. Introduce yourself." Bulong niya sa 'kin malapit sa tainga at kitang kita yung mga ngiti niya kaya naninibago ako dahil sa pagkakaalam ko mas malamig pa siya sa yelo nung nakatagpo ko siya kahapon.

"Aoi Kaiden Morti, 19 years old. Half Fil, half Japanese." Nag iisip pa ako ng pwedeng sabihin tungkol sa 'kin. May kailangan pa ba ako idagdag?

"Hobby? Something you're good at?" dagdag niya at kagaya nila nakatingin lang din siya sa 'kin at hinihintay ang sunod kong gagawin.

"Hobby? Hmm.. I love to paint and sumayaw siguro? Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon mag theater act, I will go for it. Something I'm good at? Archery, since bata palang ako tinuturuan na ako ni daddy." Pagtapos ko magsalita ay pinaupo na rin ako at nagsimula na siyang magpakilala sa sarili niya. Nakapagpakilala na siguro siya kanina pero dahil late ako inulit niya lang. Hehe pasensiya na po...

"I'm Charlotte Yui Carter, but you can call me Miss Yui nalang para less hassle. I will be your professor in DRAW 1-Mechanical Drawing and Blueprint Reading. Yun lang muna para sa araw na 'to at ibibigay ko na sa inyo ang natitirang oras para maghanda sa mga gagawin bukas."

Bukas agad? Luh, excited si Ma'am. Nakakakaba naman 'tong subject na 'to, kagagaling ko lang ng bakasyon pero parang gusto ko nalang ulit bumalik.

Karamihan din ng mga naririnig ko ngayon ay pabagsak na hinga nila marahil pati sila ay tinatamad pa at kinakabahan din dahil bukas na agad magsisimula. Siguradong marami na ulit gagawin, gusto ko nalang maging hotdog.

"Miss Aoi? Please help me with my things." Nagulat man pero tumayo ako agad at lumapit sa kaniya para tulungan siyang buhatin yung nag-iisang papel lang naman na sobrang nipis at yung pouch niya. Seryoso ba siya? Ang gaan lang naman neto eh kailangan pa ng katulong?

Sumusunod lang ako sa kaniya ngayon at ramdam na ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol sa 'min sa hallway. Sino ba namang hindi mapapatingin eh etong kasama ko agaw pansin kahit naglalakad lang naman siya. Diretso tingin lang ako sa taas at hawak nang mabuti yung mga pinapadala niya sa 'kin.

"Just leave it here." Banggit niya ng makarating na kami sa table niya at aalis na rin sa sana ako pero may pahabol pa siya.

"Thank you, Aoi." Binigyan niya rin ako ng matamis na ngiti pagkatapos niya yun sabihin ay yumuko nalang din ako as sign of respect dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko. Pagtapos ay lumabas na rin ako at huminga agad nang malalim dahil naninibago talaga ako. Siya ba talaga yung nakita ko kahapon? Pero ibang iba yung aura niya ngayon.

Hayaan na nga ang mahalaga maganda ang treatment na ibinibigay niya sa 'kin at walang conflicts sa 'min ngayon.

Biglang tumunog yung phone ko kaya kukunin ko na sana 'to pero biglang may bumangga sa 'kin.

"Sorry, Miss. Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo eh." Banggit ko sa kaniya habang tinutulungan siyang pulutin yung mga papel na nahulog at umalis na rin ako agad pagkatapos na hindi siya  tinitignan pero may binulong siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Stupid." mahinang bulong niya pero narinig ko pa rin at umalis na siya na hindi man lang ako nililingon.

Pero hindi yun ang sumagi sa isip ko. Si Miss Yui yun 'di ba? Pero imposible kasi kahahatid ko lang kanina sa kaniya sa office niya kaya paanong makakasalubong ko siya ngayon sa hallway? Isa pa iba yung kulay ng buhok nung babaeng nakasalubong ko, light honey tea brown hair yung kaniya.

Weird.


Ganda niya...














Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now