Chapter 7: Pull the trigger

144 7 1
                                    


Chapter 7: Pull the trigger

Taimtim akong nakaupo ngayon dito malapit sa bintana sa likod. Dito ako pumwesto dahil ang awkward kung sa harap ako uupo lalo na't si Miss Seinity ang first subj namin.

"Ba't diyan ka naupo?" Kararating na tanong lang ni Copper.

"Ah— eh kasi kapag nasa harap ako lagi ako pinaglelead the prayer ni Ma'am eh, kaya dito muna ako sa likod." Hindi na rin naman siya nakapagbigay ng response sa sinabi ko dahil dumating na si Ma'am.

Kararating lang niya at may dala dala siyang mga padlock and key props.

She's wearing a hybrid and company mid length black skirt partner with one line neck off shoulder long sleeve white. It perfectly hugs her curves and her long wavy hair.

"One by one you will pick either a key or padlock. Key symbolize open communication that you're willing to share your true self to someone. The padlock means you are still on doubt if you will show them the whole you. Give it to someone that is suitable, not for jokes only. Are we clear on that?"

"Yes, Ma'am."

"This activity can help you in improving your self development that you can also apply outside of the school. So... Let's start? Shall we?"

"Ako na po ang mauuna." May lakas na loob na pagprepresinta ni Silver. May ngising sumilay sa labi ko ng makita ko kung saan siya nakatingin.

Kaya pala malakas ang loob netong magpasimula.

Tinanguhan lang siya ni Miss Seinity, senyas na pumapayag siya sa gusto nitong mangyari kung kaya't dumiretso na rin si Silver sa unahan at pumili ng isa sa table.

She picked the key.

"Pinipili ko po yung key kuya wil kasi baka eto na yung susi para maiahon ko yung pamilya ko sa kahirapan." May paiyak iyak pa siya habang nagpupunas na tila grateful talaga siya sa  natanggap niya.

Humagikgik ang iba sa klase at ang iba naman ay nanatiling nagpipigil ng tawa marahil natatakot silang madamay kung sakaling magalit etong propesora.

Nananatili lang tahimik si Miss Carter na tila naghihintay magseryoso etong kaibigan kong kinulang ata sa buwan at pati sa propesora namin ay nakuha pang magbiro.

Dahan dahan siyang naglakad papunta kay Luxury at inabot dito ang susi.

"Sa 'yo ko ibibigay 'tong susi dahil luxury+key=edi nakuha ko lahat ng kayamanan hehe." Nahihiya pa niyang pasabi at kumamot sa likod ng ulo.

"De eto na seryoso na... Luxury, u-uhh— teka natatae ako.." Saglit itong pumunta sa likod para lumapit kay Miss Sei. "Ma'am, may I go out po muna..."

"Finish it." Madiin nitong pagkakasabi na agad namang nagpaurong kay Silver pabalik sa harap. "Sabi ko nga po eto na po Ma'am hehe.."

"U-uh.. Luxury, alam mo naman sigurong sa lahat ng tao dito ikaw unang naging kaclose ko 'no? Noong first day kasi wala talaga akong makausap dahil nahihiya rin naman akong makipag interact sa iba dahil galing ako sa malayong probinsiya... Hindi sanay sa ganito... Hindi naman ako sanay sa humor na meron dito pati na rin yung mga nakasanayan ng tao dito. Kaya feel ko kakaiba ako, hindi kagaya ninyo. Pero ikaw, kayo nila Aoi. Never niyo 'ko tinignan the way na nakikita yung sarili ko.." Mangiyak ngiyak na rin yung iba naming kaklase sa biglaang open up ni Silver.

Ganito pala nagagawa ng subject na 'to 'no?

"Hindi niyo pinaramdam sa 'kin na iba ako.. na malayo ako sa inyo." Nagpunas pa ng luha si Silver bago ito lumingon sa 'min nila Bronze.

"Actually, para naman 'to sa inyong lahat.." turo niya sa gawi namin. "kaso isang susi lang kasi nandito eh pero alam niyo namang pinagkakatiwalaan ko kayong lahat na ipakita yung totoong ako.. na nanggaling sa malayo, kasi alam ko sa sarili ko na never niyo 'ko huhusgahan. Whoo— ba't ba ako nagpapaiyak? Sorry ha! Ma'am okay na po hehe.." Pagkatapos ay inabot na niya yung susi kay Luxury at bumalik sa upuan.

Kahit si Miss Sei ay nasilayan ko ring nagpupunas ng tissue. Aww my crying baby... Ay charot.

Nagpatuloy lang na lahat ay pumupunta isa isa sa harapan, magbigayan at magexplain ng rason kung bakit pinili ang padlock o key.

Ako na ang susunod, pati ata ako nahawa kay Silver. Natatae rin ako sa kaba... Gayunpaman, dumiretso na rin ako sa harap dahil alam kong kahit magpaalam ako sa kaniya ay hindi niya ako papayagan, baka ibagsak pa ako bigla. Hindi ko alam pero gumanda ang pakiramdam ko ng masilayan ang ngiting ibinubungad sa 'kin ng propesorang nakaupo sa likod. Hindi ko alam kung bakit pero marahil ay hindi ako sanay na nakangiti siya at minsan ko lang itong makita.

*Knock knock*

"Goodafternoon po, Is it okay to excuse Aoi for a bit?" Vice president ng school council ang nakatayo ngayon sa labas ng pinto.

"Harry." Banggit ko sa pangalan niya pero hindi ko pa man nadudugtungan ang sasabihin ko ay nagsalita na si Miss Seinity.

"Why? Is it too important that you would even disturb my class?" Ang bilis niya namang lumipat. Kanina lang ay nandoon siya nakapwesto sa pinakalikod, ngayon nandito na siya sa harap malapit sa 'kin. The flash.

"It will be quick, Miss Carter." Kalahating nakababa ang yuko ni harry ngayon na mukhang strategy pa niya para makumbinsi itong propesora. Nabuhay tuloy ang kuryisidad sa isipan ko kung ganoon ba kaimportante ang pakay ni Harry na kailangan pa niya akong iexcuse sa prof na kinatatakutan ng lahat. Alam kong kahit siya ay takot kay Miss Carter.

"No, Leave now Mr. Harry Clinton." Hindi na niya ito hinintay na magsalita pa at pinasara ang pinto sa isa sa mga kaklase ko.

Kung kanina ay magaan ang pakiramdam kong tumayo at magsalita dito sa harap. Ngayon ay napalitan na ito ng takot at kaba dahil mukhang nag iba na ang ihip ng hangin.

Kumuha na ako at naglakad papunta sa taong sa palagay ko ay nararapat kong pagbigyan nito.

Inilapag ko na lamang ito sa lamesa ng inuupuan niya dahil baka uncomfy siya na hawakan ko siya at baka maging tigre pa ito, kagatin ako.

"A lot of people may be wondering bakit padlock at susi ang kinuha ko. Kumuha ako ng padlock dahil for now I am still afraid to trust this person.." Tumigil ako saglit at binaling sa kaniya ang tingin ko, kanina kasi nahihiya akong tumingin. "but in the long run, maybe... out of all the people here, ikaw yung mapagkakatiwalaan ko to show who I am...to show the person behind this mask.." Nabalutan kami ng katahimikan, umalis na rin ako at nagsimula ng maglakad papunta sa harap upang yumuko at iend ang performance ko.

Kinain ata ako bigla ng hiya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa upuan ko ay nakita kong kinuha niya yung binigay ko at inilagay ito sa purse niya.





















Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now