Chapter 12: Return the Favor

84 6 0
                                    


Chapter 12: Return the Favor

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto kaya napabangon ako agad. Pero hindi rin ako nakagalaw ng mapansin kong may tao sa kwarto.


"You are awake, Aoi."


"Miss Yui?" Pagkatapos ay napatingin ako sa katawan ko para maproseso ang mga pangyayari at nakita naman ata niya ang pagtataka sa 'kin kaya nagpaliwanag agad ito.


"I'm in the same place where you were last night. Namukhaan kita kaya lumapit ako pero bigla ka nalang nawalan ng malay. Did something bad happened?"


"W-wala naman po ba akong masamang ginawa?"


"Wala, but there is something that's bothering me." Kinabahan naman ako bigla sa tugon nito.


"You are full of scratches last night. Where did you get those? Are you involved in any gangs?"


"Miss hindi po ako kasali sa gang, nadapa lang po ako."


"Halos buong katawan mo puro pasa pati mukha mo nagdudugo, ano 'yan ilang beses mo hinalikan yung semento?"


"Miss naman."


"Don't lie to me, Aoi."


"Napaaway lang po kami ng mga kaibigan ko Ma'am pero I swear I'm not involved in any gangs." Hindi naman na ako nito ulit qinuestion.


"Bumaba ka na, food is ready."


"U-uh nakakahiya po."


"Meron ka pala non?"


"Miss!"


"Biro lang, kumain ka na 'wag ka na mahiya hindi naman kita sisingilin." Dahil nakakahiya rin namang umuwi na hindi ko man lang kakainin yung pinageffortan iluto ni Ma'am, sumunod nalang ako dito sa baba para sabayan siya kumain.


Ako na ang nagprepare nung mga plates at utensils para naman may maiambag ako.


"Grabe miss, nakasteak tayo? Pang daily special occasion niyo po ata 'yan dito eh."


"Nakakahiya naman kasi sa student ko kung itlog lang ipapakain ko sa kaniya."


Nabulunan naman ako sa sinabi nito.


Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now