Chapter 9: Invisible String

113 5 0
                                    


Chapter 9: Invisible String

9:00 am to 12:00 pm subj namin ngayon kay Miss Yui to be followed by pe class.

Balak ko sana magsakit sakitan sa pe class. Feel ko kasi ang bigat ng katawan ko ngayon at di ko kaya tumakbo sa track and field.

11:43 na at ilang minuto nalang ay matatapos na 'to. Sa harap ako ngayon nakaupo, bandang gitna dahil kampante naman akong hindi ako pag iinitan ni Miss Yui dahil mas mabait naman siya kaysa kay Miss Sei.


Nakaprojector siya ngayon habang nagdidiscuss at simula kaninang pagpasok palang niya ay panay na ang tingin niya sa gawi ko.

May dumi ba ako sa mukha?

"That will be all for today. I hope you learned something from me before you go out from this class because we will have a quiz next meeting."

Pagkatapos non ay nagsitayuan na rin ang karamihan sa kanila at nagpahuli ako dahil may balak sana akong ibigay kay Ma'am.

"Miss Yui"

"Miss Morti"

sabay naming banggit nang makapunta na ako sa harapan ng table niya.

Hiniram ko saglit yung kamay nito at inilagay yung dala kong paper bag na may lamang lunch na niluto ko.

"This is my way of thanking you Ma'am for letting me borrow your clothes nung nabasa ako." Wala siyang kibo at nakapako lang ang mga mata niya doon sa iniabot ko.

"You don't need to." Akma pa sana niyang ibabalik sa 'kin yung paper bag pero ibinalik ko lang ulit ito sa kaniya at isinara ang palad niya. Pagkatapos at nagsimula na rin akong maglakad papalabas.

"Thank you." Rinig ko pang banggit niya bago ako tuluyang nakalabas ng pintuan.

"Awiiiii!" Kalalabas ko palang bungad na agad ang maingay na bibig ni Silver.

"Hoy! Ang ingay niyo nasa loob pa si Miss Yui mahiya naman kayo." Si Luxury na act like a mother na naman sa mga anak niyang akala mo ngayon lang nakalabas ng bahay.

"Tara na. May iniabot lang ako." Pag-aaya ko sa kanila papuntang canteen para manahimik na sila. Nakakahiya rin kasi Kay Miss Yui.

"Ano yun shabu? May transaction kayo?" Nasisiraan na namang banggit ni Silver.

"Tumigil ka na nga Silver, ikaw pa yung mukhang nakasinghot eh." Saway ni Luxury sa kaniya at nagsimula silang magtawanan sa mukha ni Silver na naka duck face na naman. Kasama namin sina Bronze at Copper, they're one of our classmates nagvolunteer na kasi sila kaninang sumabay sa 'min at maghintay.









"Excuse me, is it okay if dito nalang kami makiupo? Wala na kasing ibang available na seats eh." Said by an unfamiliar professor, marami sila and they're with Miss Seinity and Miss Yui.

"Go lang po, Ma'am Adeline. Lima lang naman po kami." Sagot agad ni Silver at ipinaghila pa sila ng upuan. Ganoon din sana ang gagawin ko kaso yung dalawang propesora akala mo nakikipaglaro sa labas. Kung may agawan base, eto agawan upuan. Inilayo ba naman agad nila sa 'kin yung upuan.

"So how's your experience around the school? I heard you're the new." Putol nung isang propesora sa tahimik na humabalot sa 'min.

"Okay lang po, masaya..."

"Maganda..."

"Ang alin?" Naputol ang pagtusok tusok ko sa cake na nasa plate ko ng matauhan ako sa sinasabi ko.

"A-ah yung atmosphere po...Yung mga tao ganun yung paligid...napakaganda."

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong sinilip sa ilalim.

Her Unrevealed Dominion Where stories live. Discover now