Note: Bago mo basahin ang kabanatang ito tiyakin mong nagsimula ka sa umpisa ng kwento at wala kang na skip na kabanata upang hindi nakakalito at mas dama mo iyong sakit. Charizzz. Kung bagong reader ka, please wag sa Epilogo ka mag umpisa, huwag ako! Ginawa ko na rin niyan dati haha.
E P I L O G O
ISANG asul na paru-paro ang biglang lumitaw sa kung saan. Napatingin roon ang lalaking may bandana sa mukha. Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa lumipad ito papasok sa loob ng bahay.
Napatingin bigla siya sa kaniyang mga kamay nang mapansin ang pag-ilaw nito. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya, nababatid niyang sa mga oras na ito ay babalik na ulit siya sa dati. Makukulong na naman ang kaniyang kaluluwa sa bawat pahina ng libro. Marami pa siyang manunulat na dadalhin sa iba't ibang kwento bago niya mahanap ang babaeng nakatadhanang mapapalaya sa kaniya sa sumpa.
Ang wangis ng lalaki ay tuluyan nang naglaho hanggang sa bumagsak ito sa sahig ay isa nang ganap na mahiwagang aklat. Nanlalaki ang mga mata sa gulat ni Cara nang masaksihan ang nangyari sa lalaki. Sunod na ikinatigil niya ay ang tuluyang pagbalot ng dilim sa paligid. Tanging liwanag ng mahiwagang libro ang nagsilbing ilaw sa gitna ng dilim.
"Cara——Ohmygosh!" Napasigaw sa gulat ang kakalabas lang na si Clarity, nakasunod rito ang kaniyang ate Flor. "Finally! Makakauwi na tayo!"
Ang kwento ay tapos na.
"Hindi pa tayo maaaring umalis. Nasaan ngayon si Belle?"
Nagkatinginan silang tatlo na may bahid na pag-aalala.
"Baka maiwanan siya rito. Kailangan natin siyang hanapin!" Hahakbang palang si Clarity ay nawalan na ito nang malay, maging ang dalawa niyang mga kapatid. Bago pa man sila bumagsak sa sahig ay nilamon na sila ng liwanag papasok sa libro. Ito ay handa nang magsara upang ibalik sila sa totoo nilang mundo.
SA AIRPORT. Malungkot na nagyakapan ang apat na magkakapatid. Matapos ang isang buwang bakasyon sa Pilipinas ay kailangan na ulit bumyahe pa Italya sina Flory at asawa nitong si Enzo kasama ang tatlong anak. Noong nakaraang linggo ay bumyahe na rin ng America ang kanilang mga magulang dahil sa negosyo. Nagpaiwan pa si Cara sa Pilipinas sa kadahilanan na nais pa nitong ihatid ang kaniyang ate Flory sa airport.
"Hon, let's go, we need to go now." Ngumiti si Enzo sa tatlo habang karga nito ang isang taong gulang na anak na panay ang likot nito sa kaniyang mga bisig. "Take care, girls. I'm gonna miss you all."
"Ingat din kayo sa byahe, kuya Enzo. Ate Flor, sinasabi ko sa 'yo umuwi kayo next year." Yumakap sa huling pagkakataon si Belle sa ate niya.
"Oo na lang. Ingat din kayo dito. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, Belle." Nginuso nito si Clarity. Dahil may pagkakataon na nagiging matigas ang ulo nito minsan.
"What? Behave naman ako ate!"
Napatingin naman siya kay Cara na kasalukuyang hawak ang kambal na gustong tumakbo sa kung saan.
"Kids, say goodbye to your titas. Hug them before we gonna go." Tawag nito sa mga anak na agad namang sumunod sa sinabi nito bago tumakbo sa kaniya. May pagkapilyo minsan ang dalawang batang babae, magaslaw at hindi nauubusan ng katwiran.
"Mag-ingat ka rin sa pagbyahe mo bukas, Cars." Niyakap nito si Cara na gumanti naman ng yakap.
"Yeah, sure."
Sa huling sandali lumingon pa si Flory sa mga kapatid niya habang naglalakad papasok sa airport. Bumalik lang ang tingin niya sa unahan nang akbayan siya ng asawa, karga pa nito ang bata habang sa tagiliran nito ang kambal na nakakapit sa laylayan ng t-shirt ni Enzo. Napangiti si Flory na kinuha ang bata kay Enzo para mahawakan nito ang kambal.
Samantala, hinatid nila ng tingin ang ate flory nila hanggang sa maglaho ito sa dami ng tao papasok sa airport. Pare-pareho silang nagkatinginan, bakas sa kanila ang lungkot dahil watak-watak na naman silang magkakapatid. Bukas naman ang flight ni Cara papuntang America para ipagpatuloy ang pag-aaral, kasalukuyan na ring naroon na ang kanilang mga magulang. Tanging sa Pilipinas maiiwan sina Cara at Belle sa pangangalaga ni Nanay Hilda.
"Bago tayo umuwi, magbonding muna tayo. Ano G?"
"Sound nice, Tara G! Basta libre mo lahat ate Belle!"
"Pass, mag-iimpake ako."
"What a killjoy. Later na lang yan, tulongan na lang kita."
"Liar. I know you don't gonna help me."
"Ay, judger to! Ede wag!"
"Hep, hep, tumigil nga kayo. Tara kain muna tayo, gutom na ko. Sa bahay na lang kayo mag-away! Utak na labas!" Wala nang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa ate Belle nila. Sa kanilang apat si Belle talaga ang peacemaker, kaya kapag nagbonding silang magkakapatid hindi pwedeng mawala si Belle.
Katulad ng dati, nang makalabas sila sa kwento, nagising silang animo'y walang nangyari. Walang bakas na alaala ang naiwan sa kanilang isipan. Wala silang ideya na nakaposk sila sa loob ng kwento ng dalawang beses. Ang lahat ng nangyari ay isa na lang mahabang panaginip na kapag ikaw ay nagising ay hindi mo na ito magagawang maalala pa.
ANG WAKAS!
___________________________
#WPMPendgame

BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past(COMPLETED)
Historical FictionENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...