Kabanata 23

190 10 1
                                    

Kabanata 23

>>Isabelle POV<<

HINDI mapakali ang mga kamay ni Solomon na kung minsan ay nasa kaniyang likod, hindi niya rin maiwasang mapahawak sa sariling buhok sa tuwing nililingon ko siya. Minsan ay ipinapasok niya sa kaniyang bulsa ng pantalon ang kaniyang mga kamay sabay iiwas ng tingin. Hindi ko tuloy maitago ang ngiti at hindi ko mapigilan ang mapahimig ng awiting nakakaindak.

Sarap talaga sa feeling kapag ramdam mong gusto ka rin ng gusto mo. Iyong tipong kahit hindi kayo magkibuan natutuwa ka pa rin. Kahit walang lumalabas sa bibig basta tumitig ka lang sa mata niya mahuhuli mo na siya. May something talaga sa akin si Solomon.

"Ba't 'di ka umiimik diyan. Shy ka love?"

"Ah?" Napahimas ito sa noo. "Ako'y naninibago lamang sa iyo." Muli na naman itong umiwas ng tingin dahil nakatingin ako sa kaniya.

"Sus, baka you fall na kasi for me kaya ka naiilang. You know, kapag may feeling ka sa isang tao understood that you can't look direct in her eyes not because you are shy, the valid reason is you have a feelings for her." Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa kung paano hindi niya makuha ang sinabi ko.

"Hindi kita masundan. Gumagamit ka na ng wikang Ingles." Napahilamos ang kamay niya sa kaniyang mukha. "Ngunit, ano ang ibig mong sabihin sa huli mong binigkas kanina... shaykalab?"

Doon ko na hindi napigilan ang humalakhak na ikinapula ng kaniyang mukha. Bakit ang cute ng lalaking 'to? Napakainosente!

"Sa tingin ko ay pinaglalaruan mo ako sa mga oras na ito. Pasensya na kung hindi ko napag-aralan ang wikang Ingles para sana ikaw ay aking naiintindihan ngayon."

"Hala tampo na yarn? Lomon, you don't need to study foreign language only to understand me. Just look on me, baby, you definitely understand hahaha!"

"Sige, kausapin mo na lamang ako kapag ikaw ay magtatagalog na." Natigil lang ako sa pagtawa  nang makitang hindi na talaga siya interesado sa kalukuhan ko. Napakamot ako sa batok. Pinigilan ko siya sa braso nang akma na siyang aalis. Sa simpleng paghawak kong 'yon ang nagpatigil sa kaniya. Dahil hindi niya ako hinarap ako na mismo ang pumunta sa harapan niya ng nakangiti.

"Pag ako talaga nagtagalog at isinalin ko iyong sinabi ko kanina baka 'di mo na ko kausapin."

"Ano ba ang ibig mong sabihin sa akin, Isabella?"

"Kapag tumingin ka sa mga mata ko... malalaman mo." Nagtama ang paningin namin ngunit mabilis rin siyang napayuko para umiwas sa tingin ko. Napangiti muli ako dahil sa nakakaaliw niyang reaksyon. Dudogtungan ko pa sana ang sasabihin ko nang pareho kaming natigilan dahil sa naririnig na animo'y nagtatalo mula sa ibaba.

Natanaw namin sa ibaba mula rito sa balkonahe, sina Clarity at Genesis. Ilang segundo sila nagpatigasan ng titigan hanggang sa si Genesis na ang siyang sumuko at tumalikod sa kapatid ko.

"Mahal ng mga kapatid ko ang mga kapatid mo. Nakakatawa mang isipin ngunit aking inaamin," nagulat ako sa bigla niyang pagharap sa gawi ko pero nanatili pa rin siyang nakayuko. "Kaisa na rin ako nila. Mahal ko na rin ang isa sa magkakapatid na Galaciano."

Kung paano niya sinabi ito nang mabilis ganon rin ang pagkawala niya sa harapan ko. Ngayon hindi ko na maawat ang malakas na pagkabog ng dibdib. Napapikit ako at patuloy na pinakiramdaman and damdaming dati lang ay hindi totoo.

>> Flory POV<<

"HINDI mo isasakay ang asong iyan sa kalesang ito!" Mautoridad na saad ko. Nasasagad na talaga ang kunsumisyon ko sa lalaking ito. Nasa tapat kami ng kalesa, sa kalagitnaan ng sikat ng araw habang nagtatalo sa punyetang aso niya.

"Siya ay maiiwang mag-isa rito sa bahay, at ayukong mangyari iyon." Natawa ako ng sarkastikong sa lalaking kaharap.

"Anak mo ba yan? Kung makapag-alala ka parang tao ang hayop na alaga mo."

"Huwag ka nang magalit, huwag mo naman pagselosan ang anak ko." Tumingala pa ang aso niya para lang tahulan ako. Kinalma ko pa rin ang sarili taliwas sa loob ko bago ako tumalikod at nagmadaling sumakay sa karwahe.

"Punyeta kayong mag-ama!"

Hindi ko siya inalalayan na sumakay kahit nahihirapan siya. Ang kutsero na mismo ang bumaba para sa kaniya.

NANG makarating sa mansion ng mga San Juan ay agad akong lumundag sa kalesa. Hindi ko pinakinggan ang nagpapabebe'ng si Santiago na hindi makababa kung hindi ko raw aalalayan. Pumasok ako sa pammahay nila na kahit hindi ko kabisado.

"Isabellemae! Claritymae! Caramae!"

Ilang ulit kong tinawag ang mga pangalan nila kaso mga kasambahay ang nagpakita sa akin.

"Nasaan ang mga kapatid ko? Nandito ba sila?!"

Napaatras ang isa sa akin dahil sa pagsigaw ko kahit tinatanong ko lang naman. Ituturo palang nila nakita ko na si Clarity na nagmamadaling bumaba sa hagdan. Kasunod nito si Cara na inaalalayan ni Belle. Napatakbo ako sa direksiyon nila. Nilagpasan ko si Clar na yayakapin sana ako.

"Cara, anong nangyari? Bakit may benda ka sa ulo!"

"Let me go ate Belle, hindi ako baldado. And you ate Flor can you ask me in a lower tone? You're too scandalous."

"Wow naman! Ako lang tong concern sa 'yo! Bakit ka may ganiyan kasi anong nangyari sa 'yo punyeta ka!"

Imbes na sagutin inirapan lang ako, sinundan ko ito nang tingin hanggang sa makababa ito ng hagdan.

"Don't bother na kasi ate Flor, you know Cars, inborn maldita ang ferson."

"I can still hear you from here, Clarita!"

"So what? Worth it kang i-backstab! And FYI it's Clarity kasi!"

"Kayong tatlo huwag nga kayong magsigawan. Wala tayo sa bahay, gusto ko lang ipaalala sa inyo na nasa ibang pamamahay tayo." Inakbayan ko si Belle habang nangangatwiran ito.

"Nasa punyetang libro tayo, Belle—"

"Flory Mae naman! Iyang bibig mo, porque wala dito ang kambal sagad na sagad ka na magmura."

"Nakakapunyeta naman kasi eh! Bakit ba tayo muling nakabalik?" Napakamot ako sa batok dahil naninirmon na naman si Belle at hahantong sa parang siya ang nagiging panganay sa amin.

"Isa lang naman ang huli kong naalalang sinabi ni kuya Patchot bago kami tuluyang nilamon ng liwanag papasok sa libro. Ang bumalik para tapusin ang kwento." Nagusot ang mukha ko. Isa sa pinakaayaw kong hobby ang magbasa kaya naman wala ako masyadong alam patungkol sa kwentong isinulat ni Cara. Ngunit ang sunod na ipinagtaka ko dahil sa huling sinabi ni Clarity.

"The question is, handa na ba kayong harapin ang ending ng kwentong ito? Kasi ako, natatakot na ako ngayon palang."

Nagsalita si Belle. " Me too, Clar. Hindi pa ako ready para sa mga susunod na madugomg eksena."

________________________

#WPMP

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon