Kabanata 22
>>Clarity POV<<
TUMIGIL ang kalesang sinasakyan namin sa tapat ng mansion ng pamilya San Juan. Ako ang unang lumundag sa kalesa at ang bukod tanging hindi nagpaalalay sa pagbaba. Nasaksihan pa ng mga mata ko ang pag-alalay ni Solomon kay Cara maging kay ate Belle. Okay, sumasang ayon talaga ako na si Solomon San Juan talaga ang best boy sa kwento.
Panay lang ang sunod namin kay Solomon hanggang sa pagpasok sa mansion. Ito ang unng beses na nakapasok ako sa loob ng pamamahay nila. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga antique na nakadisplay. Feeling ko nasa bahay lang ako ni lola Grasya. Isang malaking larawan ang nakapukaw sa atensiyon ko, nakasabit ito sa pinakagitna, sa sala. Family picture ng San juan.
Habang tinitingnan ang mga nakadisplay sa sala ay panay ang pagpaypay ko sa sarili.
"Gosh, sobrang init naman here? Wala ba kayong electricfan diyan?" Nang lumingon ako sa kanila nakita kong kinakausap ni ate Belle si Solomon sa may veranda. Gosh inuna talaga ang chika!
Si Cara naman nakaupo na. Nakahawak sa sariling ulo na parang pinapakiramdaman niya ito, habang inaasikaso ng isang kasambahay, may dala itong inumin at meryenda.
"Ate girl wala pa bang ice sa panahong ito? Gusto ko po ng malamig na tubig," muli kong inilapag sa center table ang baso nang matikman na hindi ito malamig bago ako naupo sa coach at muling nagpaypay gamit ang kamay.
"You're so unbelievable, how could you ask for ice that you already knew in this era have no electricity."
"Oh, relaxe Cars. Haba ng sinabi mo, bad mood ka niyan?" Tulad ng dati iniirapan niya lang talaga ako kapag nababara ko siya. Lumipas na ang minuto pero hindi na bumalik ang kasambahay para dalhan ako ng tubig, mukhang hindi pa na-gets ang sinabi ko.
May balak na sana akong itaas ng kaunti ang suot na dress dahil sa init, hindi na natuloy nang may pumasok sa sala. Napalingon rin ang dalawang nag-uusap sa veranda sa bagong dating.
"Totoo nga ang natanggap kong balita, narito na nga muli kayo!" Napatingin ako sa ginang na sinusuri kami nang maigi. Napaisip ako sandali kung sino sila not until tinawag sila ni Solomon.
"Mano po ina, mano po ama."
"Kaawaan ka ng Diyos, anak."
"Hi po, mano po...mother in law, char!" May mapanghusgang tiningnan ko si ate Belle na nagmano, nang mapansin niya ang tingin ko natawa siya sa sariling kalandian niya. Lumapit siya sa akin at hinampas ako sa pwet para magmano daw ako. Kahit hindi naman niya sabihin gagawin ko pa rin naman, may manners pa rin naman ako.
"HINDI KAMI makapaniwala nang gabing iyon. Kayo'y bigla na lamang nawala. Hinanap namin kayo ngunit hindi kayo nasumpungan. Hanggang sa lumipas ang taon na paghihintay ni Mario ay unti-unti ring nanghina ang kaniyang puso, hanggang sa...." Hindi na natapos ni Doña Esther ang kaniyang kinikwento. Bigla na lang itong naluha na agad namang dinaluhan ng asawa.
Kahit papaano ay nalulungkot rin ako sa naging kapalaran ni Don Mario. Mahabang pagbuntong hininga ang pinakawalan ko, bumibigat kasi ang pakiramdam ko.
"Gusto man namin kayong sisihin sa pagkamatay niya, ngunit hindi na rin naman maibabalik ang buhay ni Mario. Gusto ko lang itanong mga bata, paano niyo nagawang iwan ang inyong ama?"
Pare-pareho kaming hindi nakapagsalita dahil sa tinuran ni Don Yno. Nakaramdam ako ng guilt kahit sa totoo lang wala naman kaming kasalanan sa nangyari. Sa mga oras na ito ay parang nawalan kami ng boses para magsalita at mangatwiran dahil sa totoo lang kahit saang parte tingnan, mapapaisip ka talaga, bakit namin nagawang iwan ang sarili naming ama at halos limang taon hindi nagpakita.
Nagkatinginan na lang kaming tatlo, mula sa mga mata namin na hindi maitatanggi ang lungkot at konsensiya lalo na sa mata ni Cara.
"NAPAPAISIP pa rin ako hanggang ngayon, saan ba kayo namalagi nang mahigit limang taon? Ano ang inyong dahilan para lumisan?" Iyon ang huli kong narinig na tanong ni Solomon para kay ate Belle. Hindi ko na hinintay ang sagot ng kapatid ko. Iniwan ko silang nakatanaw sa may balkonahe habang tinatanaw ang magandang palayan ng mga San Juan.
Bumaba ako ng hagdan, nadaanan ko sa sala si Cara na kinakausap ni Doña Esther, narinig kong kinikwento ng ginang ang anak na si Exodus sa kapatid ko.
Mula rin ngayon, dito na kami titira, isa daw iyon sa pakiusap ni Don Mario na oras na bumalik kami ay dito kami patuluyin. Naawa ako kay Don Mario, at nakakalungkot na hindi na namin siya naabutan. Kahit papaano ay naging mabuti ring ama siya sa amin.
Balak ko lang sanang tingnan ang mga bulaklak ni Doña Esther para libangin ang sarili, pero naagaw na ang pansin ko sa nagiisang paro-paro na nagliliwaliw sa hardin. Kulay asul ito na may highlight na kulay itim sa dulo ng pakpak. Gusto atang magpahabol dahil kapag nilalapitan ko para kilatisin ay lumilipat ito at dumadapo sa ibang bulaklak. Sa huli hindi ko na lang pinansin. Pumitas ako ng isang mirasol bago napagpasiyahan na umalis sa hardin.
Ngunit laking gulat ko nang may makasalubong akong batang babae. Tumigil ito sa harap ko at pinagmasdan ang hawak kong bulaklak. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Nagangat naman siya ng tingin para sa akin at ngumiti.
"Hello baby girl, gusto mo ba 'to?" Dalawang pagtango ang ginawa ng bata kaya naman ngumiti ako saka ibinigay ang bulaklak.
"S-salamat p-po."
Hahawakan ko sana ang ulo niya para haplosin ngunit hindi na iyon natuloy. Nabitin ang kamay ko sa ere. Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Genesis nakatayo, sa tabi niya ay ang kalesang sinakyan. Nangungusap ang kaniyang mga mata, naroon ang lungkot at nababasa ko ang pangungulila roon. Ngunit hindi iyon ang nagpabigat sa aking pakiramdam. Lumihis ang tingin ko kay Mona, nakayuko siya at mariing nakahawak sa kaniyang kasuotan na parang nagpipigil ng emosyon.
Hindi ako manhid at bulag para hindi makita ang totoo. Muli akong napabuga ng hangin nang magsimulang maglakad si Genesis papalapit sa akin, dala ang emosyon na gustong kumawala sa kaniyang mga mata. Bago pa man siya makalapit sa kinaroroonan ay tumalikod na ako.
"Clarita! Kausapin mo ako!"
Napapikit ako, mas lalo kong binilisan ang takbo. Dahil sa pagmamadali muntik tuloy akong sumobsb sa mga bulaklak kung hindi lang may humawak sa braso ko. Gulat kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.
"Gusto kong magpaliwanag sa iyo, pakiusap naman ay pakinggan mo ako. Ano man ang aking sasabihin sana nama'y paniwalaan mo,"
"Para saan pa? Kasal ka na, Genesis. May anak at asawa ka na. Huwag mo nang ipaliwanag dahil malinaw na sa akin ang lahat," hindi ko alam kung bakit naging sound bitter ang sinabi ko. Napairap tuloy ako saka siya tinalikuran. Pero matigas ang bungo muli akong hinila.
"Gosh! Ano ba!"
"Bakit kasi ang taggal mong nawala? Bakit mo kasi ako iniwan? Kasi hindi mo alam kung gaano sisingsisi ako sa nangyari ngayon, sa nangyari sa atin!"
Napatakip ako ng bibig dahil napasigaw na siya. Napayuko siya at nagsimulang humikbi. Gosh!
"Clarita..." Umatras ako nang subukan niyang hawakan ang kamay ko. Kung nandito lang si Jethro at nakita niya ang sitwasyon ngayon ay baka bumulagta na ngayon si Genesis.
Humugot ako ng lakas para magsalita. I'm sorry for him, kailangan ko siyang saktan para tuluyan na niya akong layuan. Iyon naman talaga nakatakda sa lwento. Ang saktan si Genesis para sa ikakaganda ng kwento. Ang gawing sawi ang kapalaran ng isng character para pumatok ang istorya.
"Sorry Genesis..."
"Patawad... kung iniwan kitang umasa. Sorry dahil wala akong katiting na pagtingin sa 'yo." Iyon naman talaga ang totoo, at ayaw ko na rin naman siyang paasahin pa.
____________________
#WPMP
![](https://img.wattpad.com/cover/316416470-288-k443042.jpg)
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past(COMPLETED)
Ficțiune istoricăENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...