Kabanata 13

283 15 0
                                    

Kabanata 13

>>Clarity POV<<

MARAHAN ang bawat hakbang ko na parang naglalakad sa invisible red carpet na animo'y isang sikat na artista. Nasa akin ang lahat ng mata ng mga fans. Natutuwang masilayan ang ngiti at taglay kong kagandahan.

Mabigat man ang filipiniana na suot ko keri naman. Naglakad papalapit si Don Mario upang salubungin ako at ipakilala sa lahat ng mga tao at sa kaniyang mga amigo.

Nakakangalay ang ginagawa kong pagngiti sa lahat, at pagtango para i-entertain sila. Nakakaindak rin ang musika na naririnig sa paligid. Ginanap ang selebrasyon sa labas ng tahanan.

Bumulong ako kay Don Mario na lalapitan ko ang mga kapatid ko dahil medyo na out of place na ako sa usapan nila. Puro pang old topic ang usapan nila.

Umupo ako sa bakanteng silya katabi ang mga kapatid ko. Sa harap namin ay isang pabilog na lamesa. Napatingin ako sa paligid, maayos at maganda ang motif ng debut ko sa panahong 'to. Simple pero masaya rin naman.

Sa real world namin hindi ako nagcelebrate ng debut. Bukod sa may pasok kinaumagahan ay wala rin sila mommy at daddy. Simpleng handaan lang na pinangunahan ni Nanay Hilda kasama ang mga katulong sa Hacienda. Noong kinagabihan nagyaya lang si ate Flory gumala. Nanood ng sine sa pangunguna ni ate Belle, historical movie pa pinanood namin na hindi ko masyadong na-enjoy. Tapos pumasyal kami sa Enchanted kingdom na suhestiyon ni Cara.

May pumilantik na daliri sa tapat ng mukha ko. Napatingin ako kay ate Belle na siyang may gawa. "Ayos ba ang venue?" Natawa ako sa tanong niya. Napangiti at nag thumbs up.

"Hbd kapatid, kahit 'di totoo," tinaasan ako ng kilay ni ate Flory bago ako inakbayan.

"Ate! Ang heavy ng arm mo," reklamo ko rito at inalis ang braso niya mula sa pagkakaakbay sa 'kin.

Tinaasan lang ako ng kilay bago umalis. Pumunta ito sa kabilang table para lapitan ang 'asawa niya kuno' sa panahong 'to.

Gosh, ang bata pa ni ate para magkaasawa. Pero kung ito lang ang paraan para maging straight siyang babae, why not?

"Ayaw mong kumain?" Umiling ako sa pag-aya ni ate Belle, ganado siya sa paglamon ng mga pagkain sa plato niya. Napangiwi ako dahil masyado revealing ang pagiging masiba niya. Nakakahiya.

Karamihan sa mga bisita mga unfamiliar naman sa 'kin. Nagkakainan at nagkwekwentuhan sila. Dito ko lang narealize na kapag may handaan or anything na celebration automatic talaga na puounta ang lahat, kahit kapitbahay mo pa, kahit 'di mo in-invite.

Tradition na iyon ng mga Pilipino na dumalo sa mga especial na celebration. Hindi 'yon sa pagiging masiba sa handaan, kundi kinagawian nang kultura na ng bawat pilipino.

Napatingin ako kay Cara. Nakasuot rin siya ng filipiniana tulad namin. Nakapusod ang buhok niya na may payneta na nakasuksok sa buhok niya.

Sanay na kami na madalas siyang kill joy, quiet, at hindi sociable na tao. Pero sa pagkakataong 'to may kakaiba ngayon sa kaniya.

Sinundan ko ang tinitingnan niya sa langit. Napakunot ang noo ko nang mapagmasdan ang perpektong buwan na pinapalibutan ng ulap. Kulang na lang may lumipad na mga paniki sa palibot ng buwan at magmukha nang Halloween.

Tumingin ako kay Cara at para tawagin ang atensyon niya. "Cara——"

"Señorita, maaari ko bang mahingi ang iyong palad upang maisayaw ka?"

Hindi ko na nagawang kunin ang atensyon ng kapatid ko nang may asungot na umeksena. Naubo ng sunod-sunod si ate Belle para asarin ako.

Naningkit ang mata kong tumingin sa palad niya bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakangisi ang kumag na madalas gawin ng labi niya. Mukhang mannerisms na niyang asarin ako at ngisihan sa tuwing nakikita ako.

"Maligayang kaarawan sa 'yo. Huwag mo naman sana akong tanggihan," napatingin pa ito sa paligid. Ngayon ko lang napansin na halos ng mga kababaihan sa amin nakatingin. "Baka magalit ang libo-libong mga binibining tagahanga ko sa iyo kapag binuhatan mo ako ng kamay." Ngisi pa nito nang akma kong tinapat sa mukha niya ang palad ko.

"Sige ka, baka kinabukasan pagkaisahan ka nila," dagdag pa nito. Dahil sa kayabangan niya inis kong hinila ang kwelyo niya para magsilbing suporta upang makatayo ako sa kinauupuan. Gusto daw kasi sumayaw. Pagbigyan!

Nagusot ang mukha niya, ako naman ang ngumisi nang makita ko ang kwelyo ng amerikana niya na bahagyang napunit at nagusot.

"Sorry. Hindi naman halata. Tara sayaw na tayo," hinila ko siya sa gitna. Aware akong maraming nakatingin sa amin. Kami lang dalawa sa gitna. Nakakaindak naman ang music na likha ng piano kaya itinaas ko ang dalawang kamay at sexy na sumayaw.

Napanganga siya sa ginagawa ko. Ngumiti ako at kinindatan siya. Umikot, at ginaya ko ang dance step ng Lalisa ni Lisa Manoban. With dance step ni Jenny sa Solo habang sinasabayan ko ng pagkanta.

"Ano believe ka na naman sa kagandahan ko, no——?"

"Ano ang iyong ginagawa!"

"H-huh? Hey! Bakit mo ko niyayakap?!" Gulat at naguguluhan kong tanong. Pilit akong kumakawala pero 'di niya ko pinapakawalan.

Napatingin ako sa paligid sa takot na may ibang isipin sila sa amin. Nakagat ko na lang ang labi nang makita ang reaction ng mga tao.

Nakaiwas ang tingin ng mga binata sa amin, ang iba naman ay animo'y nagbubulongan. Feeling ko kami topic. Nang magawi ang tingin ko sa mga matatanda, napapailing ang mga ito habang nakahawak sa noo. Disapunto naman ang nakikita ko sa mata ni Don Mario na nakatingin sa akin. Animo'y nahihiya siya sa mga amigo niya.

Gosh! Bakit ba kasi ako niyayakap ng lalaking 'to! Nakakahiya! Baka anong isipin nila. Nang magawi ang tingin ko sa mga kapatid ko, nagtatakip ng mukha si ate Belle, masama ang tingin ni ate Flory, samantalang gulat ang reaksyon ni Cara.

"B-bakit ka sumasayaw nang gano'n? Mukha kang babaeng mang-aaliw," buong ni Genesis. Halata sa boses niya ang concern.

What?

"Babaeng mang-aaliw? Ano 'yon?"

Nagulat ako nang kumalas siya sa 'kin para harapin ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sa lapit niya. Gosh!

"Mukha kang babae sa bahay aliwan. Nakakahiya sa mga tao," nakakunot ang noong saad niya. Napanganga ako. Ohmyoppa!

Kaya ba——? Napatingin ako sa mga tao. OMP! I cannot! Gusto ko na lang ata magpalamon ngayon.

Nakalimutan kong nasa historical period pala kami. Madalas ikwento sa'min ni lola Grasya ang mga dapat na kilos ng mga binibini sa panahong 'to.

And I guess, OMP! Nalabag ko ang kilos ng isang binibini. Gosh! Mukha na bang malaswa ang tingin nila sa 'kin?! Ahh!

"Saan mo ba iyan natutuhan? I-ikaw ba ay nagpupunta sa bahay aliwan?"

This is embarrassing!

_________
#WPMP

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon