Kabanata 7

308 22 0
                                    

Kabanata 7

>>Isabelle POV<<

HUMIHIKAB na bumangon sa pagkakahiga, nang masilayan ang magandang sikat ng araw mula sa uwang ng bintana ay napangiti akong tumayo. Kinusot ko pa ang mata para mawala ang pagkasilaw bago tuluyang binuksan ng maluwang ang bintana.

Dahil sa lakas ng impact nagsiliparan ang mga ibon na nakatambay sa mga sanga ng puno. Masaya akong tinanaw ang mga ito, ang sikat ng araw, ang mga bulaklak na natatanaw ko sa maliit na hardin, at ang kapaligiran na kay sarap pagmasdan.

"Haay, magandang umaga mga kababayan!" Nakangiti kong inunat ang mga kamay para damhin ang magandang simoy ng hangin. Umikot ng dalawang beses sa kinatatayuan. Nang magawi ang paningin sa salamin sa tabi ng aparador ay lumapit roon para pagmasdan ang sarili. Matapos iyon ay napagpasiyahan ko nang lumabas para sa kinaugalian kong gawin tuwing umaga.

Isang linggo na ang lumipas, ang mga bagay na nakikita sa paligid ay kinasanayan na. Mahirap paniwalaan sa una na naririto kami, pero possible pala, ang fantasya ko noon, ang dating iniisip ko na sana maranasan ko ring mabuhay sa panahon nila Lola Grasya sa tuwing siya'y nagkwekwento ay nagkatotoo na.

Nang makalas sa pinto ng kwarto ay tinahak ko ang kasunod na pinto.

"Gandang umaga mga binibini!" Parehong napalingon sa gawi ko sina Clar at Mona na may pinagkakaabalahan. Nakaupo sila sa tapat ng malaking bintana kung saan natatanaw ng maayos ang magandang hardin.

"Ano'ng pinagkakaabalahan niyo sa ganitong oras?" Usisa ko, naging o ang bibig ko nang ipakita sa 'kin ni Clar ang tinatahi nitong damit.

"Magandang umaga ho Señorita Isabela," nakangiting pagbati ni Mona. Sa mga nagdaang araw madalas magkasama itong dalawa, hindi na nga sila mapaghiwalay pa. Si Mona ang personal alalay——ah tagapagsilbi pala sa bahay na ito. Wala na siyang mga magulang, ulila ng lubos, nalaman namin na kinupkop pala siya ni Don Mario at dito na pinatira.

Para sa amin ay hindi lang siya katulong dahil parang kapatid na rin namin siya. Mahiyain, at mabait si Mona, palangiti at kung minsan ay sumasabay sa mga trip ni Clar.

"H'wag na señorita, Ate Belle na lang ang itawag mo sa 'kin," tulad ng dati ay ngingiti at tatango lang siya. Minsan tipid magsalita, pero habang tumatagal nagiging madaldal din.

"Himala kapatid, nagising ka ng maaga," isang bagay rin na napansin ko kay Clarity ay hindi na ito tanghali nagigising hindi tulad sa panahon namin na halos gigising siya kapag nakaluto na ng lunch si Nanay Hilda. Sabagay wala pa palang kdrama sa panahong 'to.

"Nais ho kasi niya Ate Belle, matapos agad ang damit na susuotin niya sa kaniyang kaarawan. Kaya kahit kay aga pa ay ito ang kaniyang pinagkakaabalahan."

"Syempre sissy kailangan paghandaan ang nalalapit na birthday ko, dapat ako ang pinaka-pretty, and stunning that day," tumingala pa ito na animo'y na-iimagine na niya ang sarili sa araw na 'yon. Sa makalawang araw na ang kaarawan ng toong Clarita Galaciano, at itong si Clarity talagang pinangatawanan ang pagiging Clarita.

"OMP! Ubos na ang sinulid, wala na ba tayong extra d'yan Mona?"

"Naku, iyan na ang huli señorita. Pero maaari po akong magtungo sa bayan para bumili ng maraming sinulid,"

Sumilay ang ngiti sa labi ko, "sasamahan na kita, gusto ko rin makita ang hitsura ng bayan sa panahong 'to. Sama ka Clar?"

"Alright, magbibihis lang ako." Mabilis nitong inilagay ang tinatahi sa kama at nagtungo sa aparador para kumuha ng susuotin. Napatingin naman ako sa suot ko, hindi pa nga pala ako nakakahilamos man lang.

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon