Kabanata 10

280 22 0
                                    

Kabanata 10

>>Clarity POV<<

"MAGANDANG araw Doña Gloria, bibili po ulit kami ng mga——sampo'ng dipa ng tela"

Kasalukuyang may sinusukatan si Doña Gloria nang pumasok kami sa kaniyang patahian. Napupuno ang loob ng iba't ibang uri ng mga tela, mga iba't ibang uri ng damit, trahe de boda, mga baro't saya, kamiso at pantalon.

May katandaan na si Doña Gloria na sa tingin ko ay nasa mid 50s. Sikat siya dito sa bayan bilang magaling na mananahi ng mga damit. Madalas akong pumunta rito para bumili sa kaniya ng mga tela na ginagawa kong sariling damit. Mahirap magtahi ng mano-mano pero sa tagal ko nang ginagawa nakasanayan ko na lang.

"Oh kayo pala hija, akala ko kung sino na," mula sa pagmamasid ko sa mga nakadispaly na baro't saya ay nilingon ko ang matanda. Nakayuko ito habang inaayos ang salamin sa mata para mas malinaw akong makita. "Napapadalas ang pagpunta niyo rito, ah. Ako'y naging interesado tuloy na makita ang mga damit na iyong tinahi."

Napangiti ako at pasimpleng hinawi ang ilang hibla sa tainga, balak ko na sanang tugonan ang sinabi niya nang mapawi iyon ng kung sino. Nagtataka akong napatingin kay Genesis na siya palang sinusukatan ni Doña Gloria. Seryoso itong nakamasid sa 'kin habang ang mga braso ay nasa dibdib.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ako no?" Sa pagiging seryoso nitong tingin ay biglang napakunot, napatingin siya sa hintuturo kong nakaduro sa kaniya, at muling tumingin sa akin. Nagtataka naman na nagpabalik-balik ang tingin ng matanda sa amin. Wala naman kibo si Mona sa tabi ko.

"Ako?" Inosenteng saad nito, bumaling pa sa kaliwa't kanan para kumpirmahin na siya ba ang tinutukoy ko. Nang dumako muli ang tingin niya sa 'kin ay bigla siyang napatawa, puno ng pang-uuyam. "Nakita mo naman na mas nauna akong dumating sa iyo rito. Baka ikaw mismo ang sumusunod sa akin,"

"Wow! Sobrang kapal talaga ng face mo! Bakit naman kita susundan, aber?" Inilagay ko rin ang mga braso ko sa dibdib at masungit siyang tiningnan. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!

"Dahil patay na patay ka sa 'kin," napaawang bibig ko sa narinig sa kaniya. Nakangisi ito, confident na talagang sigurado siya sa sinabi. Kapal!

Bago pa man ako makapagprotesta ay sumingit na si Doña Gloria.

"Halika rito binibining Clarita, ipapakita ko sa 'yo ang iba't ibang uri ng tela." Hindi na ako nakapalag, samantalang habang akay-akay ako ng matanda ay nakabaling pa rin ang tingin ko sa makapal ang mukha. Inirapan ko siya para iparating na hindi pa ako tapos sa kaniya.

"Ano ho ba ang ginagawa ng lalaking niyan rito, Doña Gloria?" Hindi ko napigilang itanong. Gusto kong isipin na sinusundan niya talaga ako para inisin. Madalas ko siyang makita sa tuwing nagpupunta ako ng bayan kasama si Mona.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng mga tao sa tuwing pumupunta rito?" Imbes na sagot tanong rin ang binato niya sa 'kin. Nagkatinginan naman kami ni Mona, may pagkapilosopo rin pala ang matanda.

"Ah, nagpapatahi?——wow! Ikakasal na ho ang lalaking iyon?" Gulat kong tanong, nagawa ko pang ituro ang direksiyon ni Genesis, iyon ang unang pumasok sa isip ko.

Naibaba ko na lang ang hintuturo dahil sa naging reaksyon ng matanda. Tinawanan ako.

"Hindi hija, nagpasukat si Señor Genesis para sa susuotin niyang amerikana, may dadaluhan raw siyang importanteng okasyon,"

"Ano bang kulay ng tela ang iyong gusto?" Muling tanong nito, tinuro ko ang kulay pula na gagawin kong kurtina sa nalalapit na birthday celebration.

HINDI na namin naabutan si Genesis sa loob ng patahian nang makalabas kami. Yakap-yakap ko ang nakatuping tela na binili namin habang binabaktas ang kalye papuntang tindahan ng mga libro.

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon