Kabanata 14
>>Flory POV<<
"ILANG oras pa ang sasayangin mo bago ka lumabas?"
"Ay punye*toot*!" Napahawak ako sa tapat ng puso dahil sa gulat. Inis na dinuro ko siya na nasa bungad ng pintuan. "Walang hiya ka! Kumatok ka naman. Aatakehin ako sa puso sa 'yo!"
"Ilang ulit ko na sinabi sa iyo. Ayusin mo ang iyong pananalita," nakahalukipkip nitong saad. Mautoridad sa tindig, ang tapang makatingin.
"Hindi ko ibig na ako'y minumura,"dagdag pa niya. Umismid ako at muling inayos ang damit na binubutunes ko sa likod ngunit nahihirapan ako ikabit yon.
"N-nagmura ba ko? Hindi ko alam, ang sabi ko payneta. Nawawala kasi ang payneta ko," palusot ko at lihim na natawa.
"Kainis naman to! Ba't ang hirap isukat. Punye——haays! Payneta! Nasaan ang payneta ko?" Nakagat ko ang labi dahil muntik na naman dumulas sa bibig ko ang word na hate na hate niya. Haays!
"Bakit ba ayaw mo ko payagan magsuot ng amerikana? Mas komportable ako doon eh!" Inis na saad ko nang lingonin ko siya. Nakahalukikip pa rin siya sa tapat ng pintuan.
"Hindi ka lalaki para magsuot ng gano'n," kumuyom lang ang kamao ko sa inis. Kahit kailan hindi pa ako na under ng kahit sino. "Talikod ka nga," saad nito at nagsimulang lumapit.
"Ano naman?"
Hindi na niya ako hinintay at siya na mismo ang nagpatalikod sa 'kin mula sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay niyang kinabit ang pansara sa likod ko na kanina ko pa pinoproblema.
Natahimik ako hanggang sa matapos niya. Nakaramdam ako ng kaba at awkward dahil sa ginawa niya. Maliit na bagay lang 'yon Flory!
Napasinghap ako sa gulat nang ipaharap niya muli ako sa kaniya. Nakahawak siya sa balikat ko , nakatitig sa 'kin. Parang may pumasok na ideya sa utak ko kapag ganito na kalapit ang lalaki.
Hindi ako mahilig manood ng drama pero aware naman ako sa mga ganitong da moves! Sa taranta ko bigla ko siyang nasuntok sa panga. "Ouch!" Hiyaw ko habang hinimas ang kamay na pinang suntok ko sa kaniya.
Napaatras lang siya sa ginawa ko. Imbes na siya ang masktan ako pa ang napuruhan. Nakakunot noo siyang nakatingin sa 'kin. Hinihimas ang panga na para bang nag-aalis lang ng alikabok sa mukha.
"Bakit ka nanununtok na naman?"
"Bakit kasi sobrang lapit mo!"
"Anong problema mo do'n?"
"Balak mo ba akong hagkan ha!"
Kumunot muli ang noo nito. "Bakit ikaw ba ay babae?" Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Aba! Sarap niyang tadtarin ng mura!
"Payneta——! Payneta talaga! Nasaan ang payneta ko?" Tinalikuran ko na lang siya at nagkunwaring hinahanap ang payneta sa sahig.
Sarap ingod-ngod ng Heneral na 'to! Payneta talaga!
INANGAT ko ang suot na filipiniana. Labag man sa loob kong suotin ito dahil sa nakakaireta sa sobrang haba nito at kati rin sa katawan. Wala akong magawa. Sarap talaga ipapatay ni Santiago!
Sinamaan ko ng tingin ang Punye*toot* na komportableng nakaupo sa loob ng kalesa. May hawak na diyaryo at nagbabasa.
"Bakit? Nais mo pa bang alalayan kita papasok?"
Padabog na pumasok ako sa kalesa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Umusog ka!"
"Kung ayaw mo akong makatabi, maaari ka namang bumaba at maglakad na lang," nagawa niya pang ilahad ang kamay para pababain ako.
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past(COMPLETED)
Fiksi SejarahENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...