Kabanata 3

542 35 9
                                    

Kabanata 3

>>Isabelle Mae Berdin POV<<

"MAAARI mo nang halikan ang iyong asawa!"

Malakas na anunsiyo ang nagpadilat sa mga mata ko na sinabayan ng sigaw at masigabong palakpakan. Nagtaka ako sa tumambad sa paningin, napagtanto ang sariling nakatayo sa helera ng mga upuan ng mga babaeng nakasuot ng magagarang baro't saya, pumapalakpak ang mga ito at isinisigaw ang salitang 'mabuhay ang bagong kasal'

Para akong masisiraan ng bait sa mga nakikita, gulong-gulo ang isip, hindi matarok ng utak kung bakit maging ako ay nakasuot rin ng naaayon sa suot nila, at kung bakit nakasuot ako ngayon ng damit na tulad ng isang Maria Clara!

Ang mas ikinagulat ko ang makita ang taong nasa harapan ng altar ng simbahan na siyang kinakasal. Napatakip ako ng bibig sa pagkagulat sa mga nangyayari. Nakasuot si Ate Flory ng isang trahe de boda at belo, sa harap nito ang isang matangkad na lalaki na sinimulan nang hawakan ang kaniyang pisngi.

Napigil ko ang sariling paghinga dahil sigurado na ako sa sunod na gagawin ni ate sa lalaking mapusok na humawak sa kaniyang mukha. Napasinghap ang lahat sa gulat at nagsimulang mag-ingay dahil sa hindi inasahang eksena.

Nakaluhod na ngayon ang lalaki habang nakahawak sa pagkalalaki nito na siyang iniinda matapos siyang tuhurin ng kapatid ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo, sumasakit ang ulo ko, hanggang sa biglang nandilim ang lahat sa paningin kasabay no'n ang nakakayanig na sigawan dulot ng aking pagbagsak.

"OHMYOPPA! I cannot! I cannot! What's happening to us ba? Why—how did we entered inside the book? Ohmy mababaliw ako, really!"

"Can you please lower your voices, or it's better you shut up."

"I cannot! Hindi ko mapigilan sissy, if I don't talk too much pakiramdam ko I'm going to be crazy, OMP talaga!"

Nagising ako dahil sa boses na pinangungunahan ni Clarity. Namalayan ang sariling nakahiga sa malambot na kama, may malamig rin na hangin na tumatama sa mukha ko na kagagawan pala ni Cara na marahan ang pagpaypay sa buring-abaniko.

"Sinong hindi masisiraan ng ulo? Sa mga oras na ito ay nasa loob tayo ng isang book! Ang malaking katanungan, paano tayo nakapasok sa isang libro? Paano na tayo makakalabas!" Hindi mapakali ang palakad-lakad na si Clarity na patuloy sa pagbubunganga, tulad ko'y nakasuot rin sila ng mga baro't saya,

Napabalikwas ako nang bangon na ikinagitla nila. Ang silid na kinaroroonan namin ay gawa sa kahoy, maging ang mga gamit ay mga makaluma. Pakiramdam ko ay nasa bahay kami ni Lola Grasya kung saan mahilig ito mangolekta ng mga gamit na antique.

"Ate Belle! Thanks to God you awake!" Naipasok ko ang hintuturo sa tainga dahil pakiramdam ko'y nabutas ang eardrums ko. Parehong nakatingin na sa akin ang dalawa.

"Nasaan si Ate Flory?" Agad kong tanong, susundan ko pa sana ang sasabihin nang sumingit ulit si Clarity. "OMP sissy! If you saw lang what happened kanina, nagwala si Ate Flory mismo sa loob ng church. She punch the guy who tried to kiss her, nagkagulo then suddenly a man with a big belly approached. Siya ang umawat kay ate, and you know what? He said siya daw ang ama natin! I cannot!"

Napahawak ako sa ulo dahil sa bilis nitong magkwenro, ang lakas pa ng boses na akala mo'y nagbabalita ng tsismis. Ang tinatanong ko lang naman ay kung nasaan si ate dahil kahit hindi na niya detalyado ikwento ang nangyari kanina ay nagkakaroon na ako ng ideya dahil kilala namin ang panganay naming kapatid. Nanununtok ng lalaki kapag may nagawa itong hindi kaaya-aya sa kaniya.

Ang kasabihan na mangtrip na ang lalaki sa bakla, h'wag lang sa tomboy na may kamaong panlalaki.

"N-nasaan tayo?" Umalis ako sa kama, tumayo para silipin ang labas ng bintana. Nasa second floor pala kami, mula rito natatanaw sa labas ang malawak na palayan, at malawak na ilog sa kabilang parte.

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon