Kabanata 4
>>Flory Mae Berdin POV<<
ISANG tadyak, dalawang pagsuntok ang ginawa ko sa huling natira bago ito tuluyang bumagsak sa sahig tulad ng mga kasamahan niya.Habol-habol ko ang hininga dahil sa pagod nang iduro ko ang limang kalalakihan na nangahas na humawak sa 'kin na ngayo'y knockout na. "Mga punye*toot* kayo pinagod niyo ako do'n ah," kapos hiningang sambit ko. Hindi makapaniwala ang mga taong nakapaligid sa 'kin dahil sa nasaksihan nila. Kita ang gulat na bumaha sa kanilang mukha.
Hindi pa ako nakakarecover sa mga nangyayari nang lumapit ang matandang lalaki. Puno ang pag-aalala sa mukha nito. Napaatras ako nang hawakan niya ako sa mga kamay.
"A-anak? A-ano ang nangyayari sa iyo—?"
Pagak akong natawa at tinabig ang matanda. Sa simbahan pa ako nito tinatawag na anak. Nilibot ko muli ang tingin sa mga nakapaligid sa akin. Mga mukhang hindi pamilyar, ang mga suot nila ay makaluma——naalala ko tuloy ang dula-dulaan namin no'ng highschool sa buwan ng wika. Kung saan ginanap namin ang kwento nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
Sa sobrang pagkalito at pagtataka ay hindi ko napigilan ang mapahilamos sa mukha. Malinaw pa sa ala-ala ko kung paano kami nilamon ng liwanag papasok sa libro.
"Kabaliwan to——nasaan ang mga kapatid ko? Pupuntahan ko sila," hindi pa man ako nakakahakbang para umalis na sa harapan nila nang muli akong pigilan ng matanda. Nangalit ang ngipin ko sa inis.
"Anak——ating pag-usapan ito——"
"Bitiwan mo ko! Hindi mo ko anak, pwede ba lumayo ka sa 'kin baka masapak kita!" Muli na sana akong hahakbang nang may pumigil na naman sa 'kin.
Isang seryosong awra ang tumapat sa mukha ko. Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamao ko dahilan para 'di na ako makapalag.
Siya ang lalaking nagbalak na halikan ako sa simbahan!
"Punye*toot* ka! Bitiwan mo ko bastos na lalaki ka!"
"Ganiyan mo ba itrato ang iyong asawa?" Naningkit ang kaniyang mata sa akin bago muling bumulong. “Walang respeto," pakiramdam ko umuusok na ako dahil sa matinding pagkainis. "Wala kang galang sa iyong ama at sa mga nakapaligid sa iyo. Hindi ko akalain na ang pinakasalan kong babae.... ganito pala ang ugali." Hindi ko alam kung bakit patuloy niya akong kinakausap nang pabulong. Halata rin sa hitsura niya ang pagtitimpi na tulad ko ay parang gusto ring sumigaw at magalit.
Isang pamatay na tingin ang ipinukol ko sa kaniya pero walang hiya hindi marunong masindak!
"Florida, a-anak, hindi ba't napag-usapan na natin ito. Ikaw ay pumayag na sa pagpapakasal——ngunit bakit ganito?" Napakunot ang noo kong binalingan nang tingin ang matanda.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo tanda, hindi ako ang anak mo! Punyet*toot ka hindi kita tatay!"
Ngunit laking gulat ko na lang nang bigla itong napahawak sa tapat ng puso hanggang sa unti-onti siyang bumagsak sa sahig.
Isang matinis na sigawan ang bumulabog sa loob ng sala dahil sa nangyari. Wala akong ibang nagawa kundi ang matulala sa matandang inatake sa puso.
Punyet*toot* kasalan ko ba?
>>Cara Mae Berdin POV<<
Who would have thought that the story you used to write in a notebook would suddenly come true?
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past(COMPLETED)
Ficção HistóricaENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...