Kabanata 24

196 13 0
                                    

Kabanata 24

NANGINGIBABAW ang ingay na pinapangunahan ni Belle sa mga nakakaaliw nitong mga biro at kwento. Agad namang sumesegunda si Clarity kapag natitigil si Belle sa pagsasalita. Nasa hapag silang lahat, sina Don Yno, Doña Esther at ang tatlo nitong anak pwera lang kay Exodus na nasa Europa pa rin. Nasa hapag rin si Mona habang katabi nito ang anak na mas piniling subuan ito kaysa ang makisali sa usapan, sa tabi rin ng anak niya ang asawang si Genesis, tahimik ngunit kanina pa niya in-oobserbahan si Clarity.

Kasalukuyan silang kumakain ng panghapunan, isang simpleng handaang pampamilya dahil nagkumpleto sila kahit papaano.

"Nakakalungkot lang sapagkat wala ang aking bunso, halos tatlong taon na rin ang ipinamalagi niya sa Europa," mula sa nakakaaliw na kwentuhan kanina ay napalitan ito ng lungkot sa himig ni Doña Esther nang bigla itong magsalita.

"Ina, huwag mong masyadong alalahanin si Exodus siya naman ay uuwi sa katapusan ng taon. Alam mo na, masama sa kalusugan ang labis na pag-aalala." Mabobosesan ang diin sa salita ni Genesis. Sabay na napatikhim ang dalawa nitong kapatid dahil sa huli niyang sinabi.

"Tama si Genesis, ina, huwag kang masyadong mag-alala at baka magaya ka sa anak mo na tuwing gabi ay umiiyak dahil lang sa...." Hindi na tinapos ni Solomon ang kaniyang sasabihin. Nagkaroon tuloy ng sandaling katahimikan, kahit ang pagsubo at tunog ng mga kubyertos ay natahimik.

Pare-pareho nilang alam kung paano nasawi sa pag-ibig si Genesis kahit ang totoo ay wala naman talagang namagitan sa kanila ni Clarity. Dahil sa katahimikan, pakiramdam ni Mona ay hindi siya kasali sa pamilya ng kaniyang asawa. Pakiramdam niya sa sarili ay isa pa rin siyang katulong na hindi maaaring makisali sa usapan ng amo. Palihim na nagngingitian sina Belle at Flory para inisin ang kapatid, si Cara naman ay parang wala lang sa kaniya ang lahat, tahimik lang itong nakikimasid sa lahat. Sa mga tingin ni Clarity ay para kang masusunog.

"Dahil palagi niyang naiisip si Binibining Clarita kahit sa pagtulog."

"Santiago!" may pagbabanta sa boses ni Genesis dahil sa tinuran ng kapatid.

"Bakit? Ayaw mo bang malaman niya na nagkasakit ka dahil sa pagkawala niya?"

"Bakit? Nais mo rin bang malaman ni Binibining Florida kung bakit ka naputulan ng isang paa?" Natahimik ang kaninang nakangiting si Santiago. Nagbibiro lang siya ngunit mukhang napikon si Genesis.

"Puny—— bakit naman ako nasali diyan?"

"Mygosh! Excuse me lang po magccr——magbabanyo lang po ako saglit. Mona! Samahan mo ako."

"Ho?" Wala nang nagawa si Mona nang hilain na siya ni Clarity, sa pag-alis ng dalawa ay nakatuon parin ang paningin ni Genesis sa direksiyong tinahak ng mga ito.

"Maaari na ba tayo tumuloy sa pagkain?" Kalmadong saad ni Don Yno na hindi na komportable dahil sa kakaibang hangin hatid ng paligid.

"Ah, opo! Sarap pa naman ng luto ni Doña Eather!"

"Isabela, kailan mo ba ako anak matututunang tawagin bilang ina? Ikaw ay nakakatampo na. Nakalimutan niyo na bang ako ang nag-alaga sa inyo ng mga bata pa kayo?"

"Ahh—— pasensya na po. Nakakailang lang po kasi na tawagin kayong ina. Hindi pa naman po kami kasal ng anak niyo. Hindi pa nga po umaamin. Charot!"

Napatikhim si Solomon dahil sa tinuran ni Belle. Sa tingin niya ay hindi talaga biro ang sinasabi nito. Napatayo siya tuloy kaya lahat ng mata sa kaniya naman nakatingin.

"Ikaw ba ay pupunta rin sa palikuran?" Inosenteng tanong ni Santiago.

"Ama, ina. Paumanhin, ako po ay magpapaalam na. May lakad po pala ako ngayong gabi. Ako ay nagmamadali at baka ako ay mahuli."

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon