Kabanata 9

275 21 1
                                    

Kabanata 9

>>Isabelle POV<<

MAGKAHAWAK kamay kami ni Clarity na naglalakad sa kahabaan ng kalye kung saan nakakasabay namin ang ilang mamamayan na may kaniya-kaniyang pupuntahan. Masarap sa mata ang panoorin ang lahat, suot ang mga baro't saya, kamiso at pantalon, mga bata nagmamano sa mga matatatandang nakakasalubong, at mga dalaga't binata na masayang bumabati ng magandang araw sa kahit hindi nila kakilala.

Kung sa panahon namin gawin ang bagay na iyon ay baka bigyan ka ng mapanghusgang tingin, o 'di kaya'y sungitan ka.

Masayang mabuhay sa makalumang panahon, simple at normal lang ang lahat. Walang air pollution na sanhi ng mga sasakyan.

Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang kalabitin ako ni Clarity bago ako sinenyasan na nasa tapat na kami ng tindahan ng mga libro.

"Kitakits na lang tayo sissy, dadaan kami ni Mona sa patahian ni Doña Gloria,"

"Sige, daanan mo ako rito bago kayo umuwi,"

Napaharap ako sa maliit na tindahan ng mga libro. Masayang humakbang para pumasok. Hindi ko rin akalain na magagawa kong hindi ako makapagbasa ng libro sa isang linggong lumipas. Kaya buti na lang at naikwento ni Mona na may tindahan ng mga libro rito sa bayan ng San Juan.

Sa bungad pa lang ng pintuan ay nakita ko na ang mga librong maayos na nakalagay sa mga shelf. Pakiramdam ko ay nagmukhang aesthetic ang mga bagay sa loob. May nakita akong binatilyo na nakatungtong sa bangkito habang inaayos nito ang ilang libro sa pinakataas ng shelf.

"Magandang araw ho binibini, ano po'ng sainyo?" Magiliw akong binati ng binatilyo, nagawa pa nitong iwan ang ginagawa para harapin ako.

"Hmm... anong mga libro ang magagandang basahin? Bibili ako ng mga limang libro," nakangiti kong ipinakita ang sisidlan ng maraming salapi na ibinigay sa amin ni Don Mario nang magpaalam kami ni Clarity na nais naming mamasyal sa bayan. Masyadong spoiled si Don Mario pagdating sa amin.

"Ako po'y sundan niyo binibini," magiliw na saad nito at ginaya ako sa kabilang parte, sa mga mata niya ay nagniningning dahil makakabenta siya ngayon dahil sa dami kong bibilhin na libro. Kung tutuusin gusto ko sana bumili ng isang dosena kaso di na kaya ng budget ni Don Mario.

"Dito po namin nilalagay ang mga bagong luwas na libro na galing pa'ng Maynila," tumigil kami sa helera ng mga libro na malapit sa counter. May kinuha siyang libro at binuklat ito.

"Ito ay isa sa mga patok bilhin ng mga kabataan ngayon, bagong luwas lang ito noong isang linggo. Ang alamat ng mga sirena, sa katunayan ay natapos ko nang basahin ito nang libre. Nakakatuwa at kaibig-ibig ang bidang si Dyesebel——"

"Oppps! H'wag kang spoiler d'yan, Sige na bibihin ko na 'yan." Napangiti siyang tumango.

"Ito naman po ay kwento ni Sinagtala kung saan umibig siya sa isang dayuhan, maganda rin ito at dapat niyong basahin. Tiyak na kayo po ay kikiligin kay Gardo," natawa na lang akong kinuha rin iyon.

Sa kalagitnaan nang pagbibida niya sa 'kin ay may mga dalagang bagong dating, mukhang tulad ko ay bibili rin ng mga libro. Nagpaalam ang binatilyo at inasikaso ang dalawa.

Muli akong nagpatuloy maglakad sa kahabaan ng shelf para tumuklas pa ng mga mga librong pupukaw sa mata ko.

Ngunit hindi ko akalain na mapapatigil ako sa kinatatayuan. Pakiramdam ko ay nagliwanag ang buong paligid, sandaling tumigil ang ingay, at ngayon sa isang tao lang nakafocus ang mga mata ko.

When Present Meets The Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon