CAPITULUS UNUS

336 7 0
                                    

Chapter One

Adela's POV

Napabalikwas ako nang bangon ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin tanging manipis na puting kamison lamang ang suot ko ni panloob wala. Paggising ko kanina lang ito na ang suot ko.

Teka!

Nagkakapagtakang hindi na ako nakatali. Minasdan ko ang kaliwang palad ko wala na itong sugat ni bahid ng peklat wala rin! Ano yon magic?

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Walang tao tanging mga nakasinding kandila lamang ang kasama ko sa loob ng madilim na Silid. Akmang bababa na ako ng mesa nang biglang may kumaluskos.

Natigilan ako.

Muli kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Nayakap ko ang sarili ko.   "M-may tao po ba diyan?"

Walang sumagot kasabay ng paghinto ng kaluskos. Umakma na naman akong bababa ng muli akong may narinig sa pagkakataon ito binalot ako ng takot merong naglalakad palapit sa akin na nasa madilim na pasilyo ng Silid!

"M-may tao po ba diyan?!"  Ulit kong tanong pero hindi ito sumagot man lang nagpatuloy lang ito sa paglakad. Pigil na pigil ko ang bawat paghinga ko pakiramdam ko para akong sinasakal sa takot.

Ilang saglit pa at tuluyang tumambad sa akin ang itsura nito hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hindi siya tao!

Kundi isang Demonyo!

Hindi ako nakagalaw ng muli itong humakbang palapit sa kinaroroonan ko pareho kaming titig na titig sa isa't-isa natatakot akong gumawa ng konting pagkakamali baka kung ano pang gawin ng Demonyong ito sa akin. Napalunok laway ako ng huminto ito sa mismong harapan ko.

Nakatingala ako habang nakayuko naman siya meron siyang sungay sa kaliwang bahagi ng ulo niya habang kulay puti naman ang buhok nitlya na medyo Abo. Bumaba ang tingin ko sa mga kaliwang braso nito na animo'y braso ng isang halimaw habang normal naman ang sa kabila. Maganda ang hubog ng pangangatawan nito meron ito nangangalit na abs na kinababaliwan ng mga Babae at ganun din ako kung hindi lang siya Demonyo ang kaso Demonyo nga siya!

Muling bumalik ang tingin ko sa mukha niya matangos ang ilong niya habang walang kapintasan ang angkin niyang itsura.

Tumulo ang mga luha ko.

Kilala ko kung sino siya— hindi ko akalaing magagawa akong ialay ni Papa sa isang tulad niya! Napailing ako.

Ngumisi ito saka pinahid ng malaki niyang kamay ang mga luha ko.   "Tu es expergiscimini."   (You're awake.)

Hindi ko siya maintindihan iba ang Lenggwaheng gamit niya. Umiling ako.  "P-please po h-hayaan nyo akong maka-alis."   Sige ang bagsak ng mga luha ko baka sakaling maawa siya sa akin.

"Pater tuus es tu satis."  (You're Father is right you are pretty.)  Ngumisi siya kaya kitang-kita ko ang mapuputi at matatalas nitong ipin. Yumuko siya at halos gapulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko kaya nakagat ko iyon nakaka-ilang na napakalapit niya sa akin.

"I labia tua."   (I like your lips.)  napaatras ako ng bigla na lamang niya akong hinalikan sa labi ko pilit nitong ipinapasok ang mainit nitong dila pero hindi ko siya hahayaang magtagumpay kaya lalo kong tinikom ang bibig ko dahilan para hilahin niya ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit non na sinamantala niya tuluyan nitong nasakop ang labi ko. Masarap siyang humalik normal lang naman yon dahil siya si Asmodeus ang Demonyo ng Pagnanasa at Kamunduhan napapikit ako bakit siya pa! Mas gugustuhin ko pa si Belphegor kesa sa malaswang Demonyo na ito!

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon