Chapter 11
Avok’s POV
“Sigurado ka bang siya ang Babaeng hinahanap ngayon ng mga Bampira?”
“Opo, Pinuno sigurado po akong soya ang Babaeng ‘yon umaalingasaw po ang kakaibang halimuyak ng kanyang dugo.” turan ng isa sa mga nasasakupan ko bilang Pinuno ng Kawan ng Abo.
“At anong klaseng halimuyak iyon, Anya?”
Lalong tumaas ang magkabilang gilid ng bibig nito saka nanlilisik ang mga mata sa gigil. “Napakabango niya Pinuno nakakahibang ang amoy niya lalo sa malapitan napakaganda niyang Mortal kaya hindi nakapagtataka na naging sunod-sunuran sa kanya ang isa sa Monarkiya ng Impyerno.”
Ngumisi ako. “Si Asmodeus ba ang tinutukoy mo?”
Tumango ito. “Siya nga po, Pinuno.”
“At ano naman ang tungkol sa D3monyo na ‘yon?” Tanong habang kampanteng nakaupo sa trono ko konti na lang at kapag napasakamay ko na ang Babaeng iyon ay tinitiyak kong titingalain ako ng bawat Lahi at mangingibabaw kaming mga Taong-lobo! Tapos na ang paghahari-harian ng mga D3monyong ‘yon! Sasairin ko ang huling patak ng dugo ng Babaeng Mortal at likipunin ko ang Lahi ng Asawa niya!
“Namuhay po siya bilang tao.”
Bahagya akong napaliyad sa narinig ko. “Talaga?”
“Opo.”
“Kung ganon mahal ng Asmodeus na iyon ang Asawa niya pwes maganda pala kung makuha natin ang Mortal para mapasunod natin ang isang ‘yon para siya na lamang ang uutusan kong umubos sa mga kalahi niya at habang ginagawa niya iyon ako naman unti-unti kong sasairin ang Babaeng ‘yon at wala akong ititira at katatakutan ako biglang Pinuno ng mga Taong-lobo! Kaya dapat magbunyi tayo dahil malapit na ang araw ng pag-angat natin! Gusto kong makuha ang Babaeng Mortal!”
“Masusunod po, Pinuno!” Sigaw ng mga Mandirigmang Lobo maliban kay Hector na mataman lang na nakikinig sa talumpati ko bilang nakatataas sa lahat.
Ngumisi ako sa kinatatakutang Mandirigma ng buong Kawan ngunit sinagot lamang niya ako ng isang iling bago tuluyang tumalikod kasama ng Anak niyang si Haunter.
***
Haunter’s POV
“Anak. Tandaan mo lagi ito na hindi kalaban ang mga D3monyo mga nilalang din sila ni Bathala nagkataon lang na hinamon nila ang kakayahan ng Lumikha kaya naparusahan sila gaya natin meron din silang puso nagmamahal at nasasaktan din sila.” Pag-uumpisa ni Ama ng karating kami sa aming Kubo.
“Bata pa ako ng mawala ang Lolo at Lola mo dahil sa isang Digmaan nilipon kami ng mga Sinaunang Tao at natalo sa labanan wala akong ibang malapitan nagpalaboy-laboy ako hanggang makilala ko si Belphegor ang D3monyong nagbigay sa akin ng mauuwian na tahanan at naglagay ng pagkain sa kumakalam kong sikmura tinuruan niya akong bumasa at sumulat ganun din sa pakikidigma naging pangalawang Ama ko siya sa poder niya ako nag Binata hanggang mapabilanh ako sa Kawan ng Abo at doon ko nakilala ang iyong Ina siya ang pinakamaganda sa lahat ginawa siyang premyo sa tagisan ng lakas at galing ng mga kapwa ko Lobo, sumali ako at naging katunggali ko si Avok natalo ko sita at naiuwi ko ang iyong Ina naging masaya kami kahit hindi nagtagal ang pagsasama namin.”
“Nam*tay po si Ina?”
“Oo dahil sa sakit.” Mapait na ngumiti si Ama. “Pero iniwanan naman niya ako ng buhay na alaala at ikaw ‘yon Haunter ang nag-iisa kong kayaman ipagtanggol at aalagaan kita gaya ng ginawa ng mga Magulang ko sa akin at gaya din ng ginawa ni Belphegor kahit hindi kami magka-uri nagawa niya akong linusan ng awa niya.”
Nauunawaan kong lahat ng sinasabi ni Ama parang nagpapahiwatig siya. “Ama mahal ko po kayo. Wag nyo po akong iiwan gaya ni Ina.”
Kinabig ako ni Ama upang yakapin. “Hindi tayo Imortal kaya darating at darating tayo sa punto na kailangan nating lisanin ang Mundong kinamulatan natin para magbigay daan sa panibagong buhay na isisilang.”
Niyakap ko ng mahigpit si Ama. “Mahal na mahal ko po kayo.”
Isang masuyong halik sa noo ang tinugon ni Ama sa tinuran ko. “Balang araw magiging Binata ka at kikilalanin ka din bilang isang kinatatakutang Mandirigma dahil mula ka sa Lahi ng mga sinaunang Mandirigma taglay natin ang lakas na higit pa sa lakas ng mga Pinuno, basta tandaan mo lang lage ang mga payo ko ang gusto ko lang ay lumaki ka sa Mundong walang Digmaan at pantay-pantay ang lahat gaya ng mung paano tayo nilikha ni Bathala.”
“Opo Ama hindi ko po kakalimutan lahat ng bilin n’yo.”
***
Belphegor’s POV
Umihip ang malakas na hangin meron itong binubulong mukhang magkakaroon ng kaguluhan.
“Evo.”
Mula sa kawalan ay sumulpot ito kasabay ng nangangalit na apoy saka yumuko bilang tanda ng paggalang.
“Avunculus.” (Uncle.) turan nito.
“Tolle eas ad Pandemonium.” (Take them to Pandemonium.) Sambit ko habang nakatanaw sa malawak na lupain na minsan kong naging tahanan dito sa Mundo ng mga Mortal. Mahigpit na bilin ni Bathala na wag kaming gagawa ng gulo dahil ipagbabawal na niya na mamuhay kami kasama ng mga Tao kaso ang gulo mismo ang lumalapit sa amin kahit nananahimik na kami at sa pagkakataong ito mukhang halos lahat ng mga nilalang na namumuhay sa dilim ay interesado sa iisang tao lamang at iyon ay si Adela ang kabiyak ni Asmodeus.
“Etiam, Avunculus.”. (Yes, Uncle.) Ramdam kong alam na rin ni Evo ang mangyayari.
“Paratos esse Bellum.” (Be ready War is coming.) babala ko.
“Sic.” (Yes.) Saka siya muling naglaho sa saliw ng nangangalit na apoy ng Impyerno.
Mukhang nakilangan ko na din ihanda ang sandata ko marami na naman akong babawi*n ng buhay magagampanan ko na naman ang pagigi kong D3monyo.
***
Asmodeus POV
Iba ang pakiramdam ko kaya nag-undertime ako at gaya ng mga normal na tao ay gumamit ako ng tinatawag nilang transportasyon sumakay ako sa dyip at nagbayad na parang normal na tao gaya ng iba kahit na gusto maglaho sa kawalan ay hindi pwede dahil nasa gitna na ako ng mga tao na tahimik na nakaupo konting tiis lang at siguradong mamaya nasa bahay na rin ako.
Pumikit ako at nakiramdam sa paligid. Rinig na rinig ko ang mga iniisip ni Adela kaya hindi ko maiwasang mapangiti mukhang naghahanda na siya para magluto ng panghapunan may marinig akong kumatok— sinong kakatok?
Napamulat ako nga mga mata ko ng hindi ko na marinig si Adela!
“St*lt*s st*rc*re!” (Stup*d sh*t!) angil ko hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na ikinagulat ng mga tao na kasamang kong nakasakay sa dyip.
Nagpalit-anyo ako bilang isang D3monyo.
“Adela!!!” Sigaw ko saka ako naglaho na parang nauupos na buhangin. Humanda sila sa oras na maabutan ko sila!
“D3MONYO!!!!” huling salitang narinig bago ako tuluyang maglaho sa kawalan. Talagang kinatatakutan nila kami kahit wala naman kaming ginagawang masama gusto lang naman naming mamuhay kasama ang mga Mortal na bumihag sa panlasa namin bilang mga Lalaki.
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...