Chapter 7
Asmodeus POV
“Pewde bang dumaan na muna tayo sa pamilihan ng mga gamit na pwede kay Tiya Adela mo?”
Nahinto sa paghakbang si Dominico saka ako nilingon at bahagyang bumungisngis.
“O bakit? May problema ba sa sinabi ko ha, Bata?”
Umuling siya sabay tawa ng mahina at muking naglakad. “Wala naman po Tiyo. Sige meron pong malapit na Supermarket sa Apartment natin eh kaso wala pa naman kayong sahod ah.”
Muli niya akong nilingon saka bumaba sa hawak ko ang nanlalaki niyang mga mata. “Hala Tiyo bakit may dala kayong ginto?”
Ngumisi ako. “Wala naman kasi akong gaya ng sinasabi mo na pera diba kaya heto pumuslit muna ako kanina sa Kastilyo ko para kumuha ng ilang piraso.”
“Tiyo naman eh.” Aba at namgamot pa sa batok ang isang ito ah. “Diba sabi ko naman po na wag kayong gagamit ng kahit anong mahika o kapangyarihan nyo kaso nasa labas po tayo ng Pandemonium eh.”
“Bakit Dominico masama ba kung gusto kong ibili ng mga gamit ang Tiya Adela mo? Isa akong Mahar—.” Naputol ang pagsasalita ko ng biglang takpan ni Dominico ang bibig ko.
“Tiyo ang ingay nyo— Arayyy!” Daing niya sabay tanggal ng kamay sa bibig ko.
“Masakit ba ha Dominico? Kailan mo pa natutunan na basta na lamang takpan ang bibig ko na isang—.”
“Isusumbong ko ho kayo kay Tiya Adela mamaya pag-uwi kinagat nyo ako.” Iiling-iling niyang sambit.
Medyo nawala ako sa sakita ko ah paano mukhang magpapakampi ang isang ito sa Asawa ko at sa lagay naming dalawa ngayon mukhang tagilid ako dahil ayaw niya sa akin paniguradong kakampihan niya agad ang Dominico na ito.
“Ehem! Pagpasensyahan mo na ako masyado lang akong natuwa sa inasal mo kung pwede lang wag mo ng sabihin pa sa Tiya mo na kinagat kita baka lalo lang siyang matakot sa akin baka isipin pa niyang kakainin ko din ang puso niya gaya ng iba— pero pwede ko din naman siyang kainin sa ibang paraan nga lang.”
“Hay naku! Tiyo naman ang bibig nyo kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan eh!”
“O di ititikom ko na nga. Tara na at ibibili ko pa ng mga pangangailangan ang Asawa ko.”
Hahakbang na sana ako ng muli akong pigilan ni Dominico.
“Tiyo kailangan po munang maging pera yang hawak niyong ginto bagonnyo yan ibili ng kung anu-ano malulugi po kayo kung yan mismo ang ibibigay nyobg kabayaran eh.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Binibiro mo ba ako? Kaya kong payanigin ang lupa pero hindi ko kayang gawing pera itong ginto at alam mo yan. Kailan pa naging magikero ang isang gaya natin ha.”
“Hay naku Tiyo marami ka pang dapat malaman tungkol sa bago mong Mundo kaya tara may alam akong lugar na mapapalitan yan bilang pera kahit hindi nagamit ng mahika.” Sabay hila niya sa braso ko kaya binawi ko iyon saka ako umayos ng paglalakad tinatawanan pa ako ng Dominico na ito ah!
***
Dominico's POV
“Ang dami naman ata nito?” Hindi makapaniwalang saad ni Tiyo.
“Kasi po yan pa ang katumbas na halaga ng dala niyong ginto.”
“Talaga? E ang liit na piraso lang non ah.”
“Mataas po kasi ang halaga ng ginto sa Mundo ng mga Mortal. O yan marami na kayong pera tara na sa Supermarket. Sasakay po muna tayo sa dyip tapos baba tayo sa mismong babaan tapos lalakarin na lang po natin kasi walking distant na lang po iyon sa Apartment natin.”
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...