CAPITULUS TRES

85 4 0
                                    

Chapter Three

Asmodeus POV

Isinama ako ni Dominico sa Maynila kung saan siya nagtatrabaho maraming tao lalo na mga kabataan at mga bata medyo nakaka-ilang lang sila akala mo ngayon lang nakakita ng tao— Teka! Baka alam nilang hindi ako tao. Baka nakalimutan ko na namang mag palit anyo!

Pasimple kong sinipat ang sarili ko sa salamin ng bintana at mukha naman akong tao ah. Ano kayang problema ng mga Mortal na 'to? Ang komplekado nila kung makatingin akala mo kakain ng buhay na Demonyo  e kung sila kayang kainin ko!

"Quos est iste locus?"   (What place is this?)  Bulong ko kay Dominico nawiwirduhan na kasi ako sa mga nakakasalubong namin panay ang tingin e magkakamukha naman kami o baka dahil kulay mais ang buhok naku dapat pala ginaya ko narin ang buhok nila Belphegor at itong si Dominico na kulay itim e bakit naman si Evo puti naman ang buhok ng isang yun ah.

"Homines vocaverunt hoc loco in Schola,"   (Humans called this place a School.)  mahinang sagot ni Dominico habang sige ang tango sa mga nakakasalubong namin ang iba pa nga e tinatapik-tapik na lang siya sa balikat hindi ba nila alam na isang Maharlika si Dominico na isa sa naghaharing Uri sa Lahi naming mga Demonyo ang.lakas ng loob nila ah! Sa akin nila gawin ko tiyak bubulusok sila sa kawalan!

"Schola?"  (School?)  ulit ko.

Tumango naman ito.

"Quid hic agimus?"   (What are we doing here?)  Nagtatakang tanong ko dahil ang akala ko ay tutulungan niya akong mahanap ang Asawa ko tapos heto kami ngayon at naglalakad lang dito sa pasilyo ng Paaralan. Ano kayang tulong ang gagawin nitong si Dominico? Napailing na lamang ako.

"Ad auxilium Vos adepto a officium,"  (To help you get a Job.)  nakangiti niyang sagot.

"Quid est?! Me? Princeps inferi ego sum Officium non ego!"  (What?! Me? I am a Prince of hell I don't need a Job!) mahinang angil ko saka ko siya kwenilyuhan kahit pa maraming tao sa paligid.

Ngumiti lang si Dominico na akala mo bata ang kinakausap.  "At tu in Motali es Mundo ac praesertim Avunculo  Uxorem tuam videre vis, si pecuniam non habeas, dura tibi erunt. Ita melius haven't jon,"  (But you're in a Mortal world and above all Uncle you want to see your Wife, if you don't have money things will go hard on you. So better have a job.)  mahabang paliwanag niya saka dahan-dahang inalis ang kamay ko sa kuwelyo ng damit niya.

Medyo may punto nga siya.  "Bene! Bene! Da mihi quod st*pri Officium!"  (Okay! Fine! Then give me that f*cking Job!)  sang-ayon ko na lamang dito.

Inayos niya ang damit saka muling ngumiti.   "Antequam Avunclus oblitus sum, Humanam libguan uti debes dun hic es. Nostis nos sicut unum ex illis agere."  (Before I forgot Uncle you need to use Human language while you're here. You know we're acting like one of them.)  kibit-balikat nito.

Pilit akong ngumisi.  "Okay. Siguraduhin mo lang na makukuha ko yang trabahong sinasabi mo ha kung hindi ipapalatigo kita kay Beelzebub."

Tumawa lang ng malakas si Dominico manang-mana talaga siya sa Ama niya! Nakaka-asar kung makatawa wagas na wagas!

"Siguraduhin mo lang na makukuha ko yang trabaho na sinasabi mo ha! Dahil kung hindi talagang lagot ka sa akin!"  gigil kong sambit.

"Oo naman po Tiyo Asmond makukuha nyo ang trabahong aaplayan nyo ngayon," nakakaloko itong ngumiti.

"Teka anong Tiyo Asmond? E Asmodeus ang pangalan ko niloloko mo na ba talaga ako Dominico,"  asar kong turan.

Huminto kami sa harap ng isang pinto na may nakasulat ng Principal's Office.  "Hindi ko po kayo niloloko Tiyo Asmond Dimagiba dahil yan ang magiging pangalan nyo bilang tao kaya dapat masanay na po kayo."

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon