CAPITULUS DUO

99 3 0
                                    

Chapter Two

Adela's POV

Mabilis ang biyahe paano walang trapik dahil nasa probinsya pa ang truck na sinasakyan ko maganda ito para makakarating agad ako sa Maynila. Medyo kabado ako first time kong luluwas at sabi nila marami daw manloloko sa siyudad kahit naman dito sa Leyte meron ding gamon mukhang talamak na talaga ang mga walang konsensya ngayon.

Kumalam ang sikmura ko.

Hala! Wala nga pala akong baon na tubig o kahit tinapay man lang nagugutom na ako. Hinalungkat ko isa-isa ang mga basyo ng gulay panigurado naman ako na may saging man lang dito na pwedeng kainin at hindi ako nagkamali meron nga kaso wala naman akong tubig. Okay na 'to kesa wala panigurado ko naman na hihinto ito sa mga kainan kapag nagutom na si Manong Driver sasalisi na lang ako ng bili. Sana nga magutom na din sila gaya ko uhaw na uhaw na ako eh.

Hapon na at nag-aagaw na ang dilim ng huminto ang truck sa Gasolinahan saka bumaba ang mga sakay nito pinakiramdaman ko muna kung nakalayo na sila Manong Driver at ang kasama niya bago ako pumuslit pababa ng truck. Buti at may tindahan sa gilid ng Gasolinahan bumili ako ng ilang piraso bote ng mineral water at mga biskwit saka tinapay. Bumalik din ako agad ng truck baka kasi maiwan ako mahirap na hindi ko pa naman alam itong Lugar na ito tumatakas nga ako sa Demonyo tapos mapapahamak lang pala ako kung sakaling naligaw ako.

Halos kalahating oras din ang inantay ko bago muling bumalik sina Manong Driver at ang kasama nito. Umandar ng muli ang truck. Ipinatong ko ang mga braso ko sa mga tuhod ko saka ko inunan ang ulo ko iidlip muna ako.

Nagising ako na para akong dinuduyan. Sumilip ako mula sa tinataguan kong espasyo sa likod ng truck nasa barko na kami ibig sabihin nakatawid na kami! Mamaya nasa Maynila na ako!

Bumalik akong muli mula sa pinagtataguan ko ang sarap sa pakiramdam na malaya na ako mula sa Demonyong yon!

***

Patrick's POV

"Sigurado ka ba Patrick?”  Tanong ni Lolo.

"Opo,"  sagot ko habang nakayuko upang magbigay galang sa aming Maestro.

"Kung ganon nagtagumpay si Adriano Montreal at ang kaisa-isa niyang Anak ang ginawa niyang Alay,"   huminto si Lolo upang ubusin ang laman ng hawak niyang kopita.    "Nasaan na ngayon ang Asawa ng Demonyo?"

"Papunta na po siya ng Maynila doon po siya tutuloy sa lumang bahay natin sa Maynila."

"Magaling, Apo. Wag mong ihihiwalay sa paningin mo ang Babaeng yon. Isa pa nagt@lik na ba sila ng Demonyong napangasawa niya?"

"Opo,"  nag-angat ako ng tingin kitang-kita ko ang pag kasabik ni Lolo sa sinagot ko.

"Bantayan mo siyang mabuti Apo. Demonyo ang Asawa niya at higit silang malakas kumpara sa Uri natin na nabubuhay sa dugo ng mga tao, espesyal ang dugo ng Babaeng yon lalo na ang dugo ng magiging Anak nila kung sakaling magbuntis siya."

"Anak? Bakit po pati ang walang muwang na sanggol e nadamay?"   Alam ko kung ano kami pero hindi ko gustong nananakit kami ng mga walang laban.

"Dahil Anak siya ng dalawang Lahi. Isang Mortal at isang Monarkiya ng Impyerno gaya ni Belphegor na may Anak na kalahating tao at kalahating Demonyo kaso may tagapagbantay ito na isa ding Cambion si Dominico na marami ng ipinanalong laban kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na malapitan si Roseta peri sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong aangat tayong mga Bampira nakuha mo ba ang gusto kong mangyari, Apo.

Marahan lamang akong tumango.  "Hindi ko naman po sigurado kung buntis si Miss Adela pero kung saka-sakali ngang nagdadalang tao siya wag po kayong mag-alala ako na pong bahala sa kanya."

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon