CAPITULUS SEX"

158 3 4
                                    

Chapter Six

Adela's POV

Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto. Saglit akong natigilan pano prenoproseso pa ng utak ko ang mga bagay-bagay hanggang sa napagtanto kong nakikitira nga pala ako ngayon. Agad akong bumangon at tumayo para buksan ang pinto.

Natigilan ang kumakatok ng mabungaran ako. Si Asmodeus at mukhang bihis na bihis siya. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya nakasuot siya ng Maroon na Polo shirt at Black pants na bumagay sa kanya dahil kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito.

"Tapos ka na bang suriin ako, Adela."  Sambit nito.

"Ha? Hindi ah! Nagulat lang kasi ako sa suot mo hindi ko akalaing nagsusuot ng ganyan ang mga Demonyo diba pang tao lang yan."  Katwiran ko.

Ngumiti siya.  "Magtatrabaho ako para mabuhay kita."  Sinserong saad nito medyo makaramdam ako ng konsensya sa paraan ko ng pagsasalita habang kausap siyam.

"P-para mabuhay mo ako?"  Ulit ko habang nakatitig sa kulay asul niyang mga mata.

"Oo. Ayaw mong sumama sa akin sa Kastilyo ko diba kaya ako na lang ang sasama sayo dito sa Mundo nyo kaya kailangan kong magtrabaho para mabuhay kita dito ka lang sa bahay wag kang lalabas antayin mo lang ang pag-uwi ko."  Yumuko siya saka ako hinalikan sa pisngi sa halip na sa mga labi ko.

Muli siyang ngumiti ng magtama na naman ang mga mata namin.  "Ayokong magalit ka kaya sapat na sa akin na magawaran ka ng halik kahit sa pisngi lang."

"Ha!"  Sabay hawak ko sa ulo ko.  "Teka! Diba sinabihan na kita na ayokong binabasa mo ang nasa isip ko! N-nakakainis ka na!"

Tumawa lang siya saka tumalikod ng tawagin na siya ni Dominico para umalis doon ko nakita ang nakasulat sa likuran ng suot nitong Polo shirts UTILITY STAFF ano— paanong ang Isang Mataas na Uri ng Demonyo na gaya niya ay pumayag na maging tagalinis lang ng mga Mortal. Seryoso ba talaga siya sa akin bilang Asawa niya?

Kinuha ni Asmodeus ang Backpack bag na nakapatong sa ibabaw ng may kalakihang sofa saka iyon isinukbit sa magkabila niyang balikat sinong mag-aakalang hindi sila mga tao. Muli akong nilingon ni Asmodeus bago lumabas ng pinto.

"May niluto akong Almusal para sayo tinakpan ko sa ibabaw ng mesa. Uuwe din ako agad pagkatapos ng trabaho ko."  Kinabig na nito ang pinto para isara.

Tahimik lang akong nakatulala parang hindi siya ang Demonyong kumuha ng pagkabirhen ko nung nakaraang araw lang. Ipinagluto daw niya ako ng almusal, marunong pala siyang magluto. Lalo lang tuloy akong nakaramdam ng hiya tinakasan ko siya dahil ayokong tanggapin ang Ritwal ng pag-iisang dibdib naming dalawa pero nasaan ako ngayon nasa poder ng dalawang Demonyo at alaga pa nila ako hindi gaya kay Patrick na mabait lang dahil may kailangan, bigla kong naalala ang Babae sa panaginip ko na pinapahanap niya ang Anak niyang Lalaki ng Babaeng naka-isang dibdib ng Demonyo dahil sa espesyal na dugo tingin ko ako ang kailangan nila kaya siguro naging mabait siya sa akin ng gabing yon. Kung Demonyo sina Asmodeus at Dominico ano naman sila Patrick ganun din ang mga taong nakapaligid sa Luma nilang Bahay.

Kumalam ang sikmura ko kaya tinungo ko ang mesa at inalis ang takip na nakaibabaw sa isang plato agad na sumalubong ang mabangong amoy ng Longganisa na may Sunny side up na itlog at kanin napangiti ako medyo kinilig ako sa the moves ng Mister ko— asus e totoo naman na Asawa ko na siya ah! Kumuha ako ng kutsara at tinidor sa lagayan ng pinggan saka ako umupo sa upuan at nagsimulang kumain. Unang subo pa lang talagang masarap na! Anong oras kaya sila uuwe? Saka saan kaya sila nagtatrabaho?

***

Asmodeus POV

"Mukhang masaya ka Tiyo.”  Pasin sa akin ni Dominico.

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon