CAPITULUS TREDECIM

86 4 2
                                    

Chapter 13

Dominico’s POV

Yumanig ang lupang kinatatayuan ko siguradong merong nangyaring hindi maganda kay Tiyo Asmodeus. Nilingon ko ang paligid saka ako sumiksik sa ilalim ng hagdan at naglaho kasabay ng itim na usok.

“St*ltus!” (St*pid!) sigaw ni Tiyo Asmodeus na bumungad sa akin nakuhod ito sa loob ng selyo.

“Tiyo!?” agad akong lumapit sa kanya ngunit wala akong magawa dahil hindi ko kayang alisin ang selyo kung andito lang sana si Roseta kaso nagdadalang-tao siya kaya hindi pwedeng umasa na lang kami sa kanya.

Marahas akong nilingon ni Tiyo alam kong nilalabanan niya ang pagkaubos ng enerhiya niya mula sa selyo. Hinugot ko mula sa kawalan ang matalim kong espada kung hindi ko kayang burahin ang selyong nakabalot kay Tiyo pwes susubukan ko na lang itong basagin gamit ang espada ko!

Isang malakas wasiwas ang ginawa ko umilaw lamang ang selyo na nakapalibot kay Tiyo sa tingin ko mas lalo lang itong lumakas dahil sa ginawa ko mukhang humihigop ng enerhiya ang isang ito.

“ILLI ABDUXERUNT, EGO EIS NECAVI.”  (THEY ABDUCTED HER I WILL K*LLED THEM) sigaw ni Tiyo kahit hinang-hina na siya, ano ng gagawin ko?

“DAEMONIUM SIGNARE FASCINARE NON ABIIT.”  (SEALING DEMON ENCHANT BE GONE)  Sigaw ng pamilyar na boses— si Roseta! Lumapat ang kanang kamay nito sa nagliliwanag na selyo hanggang tuluyan mawasak at maglaho kasabay ng pagtayo ni Tiyo Asmodeus ang panunumbalik ng lakas niya bilang D3monyo.

“AAAAHHHH PAP*T*YIN KO SILA!”  dumadagundong na sigaw ni Tiyo Asmodeus sabay harap kay Roseta.

“Nakuha nila ang Tiya Adela mo.”  may himig pagsusumamo ang tinig nito.  “N-naisahan nila ako.”

“Magiging maayos ang lahat, Tiyo.”

“Paano? Hindi ko na marinig o maramdaman man lang si Adela magaling ang mga Babaylan na kasama nila baka kung ano ng ginawa nila sa kanila.”

“Kanila?”  Sabay naming turan ni Roseta.

Tumango si Tiyo. “Quare est gravida.” (She's pregnant.)

Nagkatinginan kami ni Roseta. 

“T-talaga po Tiyo?” paninigurado ko.

“Mga Taong-lobo ang nakasagupa ko pero hindi ko inaasahan na may kasama silang Babaylan. Pupug*tan ko sila sa oras na saktan nila si Adela.”. Nanginginig sa galit na sambit ni Tiyo.

“Siguradong mag-uunahan na ang ibang lahi para makuha si Tiya tiyak na sa mga oras na ito alam na nilang wala na sa pangangalaga natin ang pakay nila.”

“Sasama ako, Kuya.”

“Hindi pwede, malapit ka ng manganak.”  Tutol ko pero mapilit ang Pinsan ko.

“Kuya naman ako lang ang nakakatanggal ng selyo sa lahi natin at alam nilang yun lang ang kahinaan natin paano kung isa-isa nola kayong maselyuhan alalahanin mong si Papa, si Evo, ako, si Tiyo Asmodeus at ikaw lang ang andito sa ibabaw ng lupa swerte na kung makakalusot sa Tarangkahan sila Tiyo Lucifer hindi ba’t mahigpit sigang binawalan ni Bathala na hindi siya pwedeng makigulo dito sa Mundong ibabaw. Tayo-tayo lang ang naandito ngayon ko pa ba kayo iiwan ha paano kung mapuruhan nila kayo hindi ba’t hindi na ipinapanganak muli ang mga gaya natin? Magiging parte na lang kayo ng Alamat at ayaw kong mangyari yon! Gusto kong kumpleto tayo kabit ilang libong siglo pa ang dumaan kaya sana pumayag ka na Kuya.”

Hindi umimik si Tiyo.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.  “Anong sabi ni Evo?”

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng makulit kong Pinsan kahit pa magiging Ina na siya hindi pa rin nawawala ang kakulitan niya.  “Basta nasa likod lang daw niya ako at wag daw akong lalayo.”

Sabi ko na nga ba eh kahit kailan talaga ko konsintidor ang isang ‘yon hindi niya kayang bawalan ang Asawa niya akala ko pa naman astig siya dahil Anak siya ng Hari ng Impy3rno ayun pala it's a prank lang pala.

“Bakit ka umiiling Kuya?”

“Wala.” Sagot ko sabay baling kay Tiyo Asmodeus.  “Nakita nyo na po ba siya?”

“Wala kahit lupa hindi siya maramdaman.”

“Kung ganun magaling ang Babaylan nila! Di bale akong bahala sa kanila kahit anong galing nila kayang-kaya ko silang tapatan.”

Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng bukas na pintuan ng may narinig kaming ingay ng mga tao tiyak na magugulat sila kapag nakita nila kaming tatlo sa tunay naming anyo.

Biglang sumulpot si Evo mula sa kawalan sabay hawak ng mahigpit sa bewang ni Roseta bago nagpakawala ng apoy mula sa kanyang palad. 

“Susunugin ko na ang lugar na ito para walang bakas.” Hinggi niya ng pahintulot mula sa akin.

Tumango ako. “Sige.”

“Evo baka madamay yung mga inosente.”. Nag-aalalang turan ni Roseta.

Ngumiti si Evo.  “Kusang mawawala ang apoy sa oras na matupok na itong inuokupahan ni Dominico. Isa pa alam na namin kung saan nila dinala si Tiya.”

Agad na na uhayan ng loob si Tiyo Asmodeus.  “Talaga?”

“Opo. may dumaan kasing Anghel.”

Nagkatitigan kami ni Tiyo Asmodeus. Imposibleng si Arkanghel Michael ang tinutukoy niya kaya iisa lang ang nasa isipan ko kundi si Azazel ang pangahas na Anghel ni Bathala.

“Kung ganon tayo na!” Turan ni Roseta sabay kapit sa bewang ng Asawa.

Pinagbaga ni Evo ang apoy sa palad niya bago niya ito ibagsak sa sahig agad na na kumalat ang apoy. Malapit na angga boses kaya nagkanya-kanya na kaming naglaho para iwas aberya.

***

Hector's POV

Bumalik sa Isla ang grupo ng mga Lobo na inatasan ni Avok para kunin ang Asawa ng D3monyo. Nahabag ako sa lalagayan ng Babaeng bihag nakatali ang mga kamay ang paa niya at meron din siyang busal sa bibig kung ganon tama nga ang bulung-bulungan na isang malakas na enkantasyon lamang ang pwedeng makatalo sa lahi nila. Nap*tay kaya nila ang D3monyong Asawa ng Babaeng bihag?

“Ama.”  Hila ni Haunter sa kamay ko yumuko ako para salubungin ang tingin nito.  “N-natatakot po ako ang inggay-inggay po nila.”

“Masaya lang sila dahil bitbit na nila ang Babaeng pakay nila tiyak na magdadagsaan ang ibang lahi para sa dugo ng bihag.”

Bahagya akong lumuhod para magpantay ang mga tingin namin ng Anak ko.  “Haunter, tandaan mo ito magdadatingan dito ang ibang lahi at makikipag tagisan kami sa kanila ang gusto ko ay magtago ka lang wag ka lalabas o sasama sa iba maliban lang kay Belphegor.”

Nagigilid ang luha ng Anak ko alam kong natatakot siya sa maaaring mangyari.

“Mamam*tay ka ba Ama?”

Hinaplos ko ang magkabilang pisngi ni Haunter.  “Ipaglalaban ko ang tama, Anak. Gusto kong magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng bawat lahi at bilang Mandirigma tungkin kong lumaban hanggang kamat*yan.”

“Paano po ako, Ama?”

Isang masuyong halik sa noo ang ginawad ko sa kanya.  “Babalik ako sa tabi mo kung papalarin ako basta tatandaan mo lang ang bilin ko.”

Sunod-sunod ang pagtango ni Haunter.  “Di po ba D3monyo si Belphegor?”

“Oo.”

“Kung ganon bakit po ako sasama sa kanya kapag nawala po kayo?”

“Dahil alam kong aalagaan ka niya at ituturi ka niyang kanya gaya ng ginawa niya sa akin noong maulila ako sa Magulang ko.”

Isang mahigpit na yakap ang niya tinugon sa akin.  “Mahal kita Ama.”

“Mahal din kita Anak.”

Nakapag desisyon na ako kailangan kong itama ang lahat hindi pwede ang gustong mangyari ni Avok!

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon