Chapter 9
Adela's POV
Ang sarap sa pakiramdam lalo at mahimbing ang tulog ko! Wow ang gaan-gaan ng katawan ko ngayon ah para akong nabawasan ng konting taba. Gumalaw ako at bumaling paharap sa likuran ko ng biglang dumulas ang kumot mula sa katawan ko. Medyo malamig ata? Wala namang aircon itong kwarto ni Dominico ah. Nagdilat ako ng isang mata ko aba at nakapatay naman ang elektrikpan ah kaso malamig sinubukan kong tumayo ng bigla akong may nasagi ng kamay ko. Natigilan ako saka ko iyon kinapa sa pagkakatanda ko dapat ako lang mag-isa dito sa kwartong tinutulugan ko, dahan-dahan ang ginawa kong pagkapa at sigurado akong tao ito este d3monyo! Bumaba ang mga mata ko sa katawan ko at jusko po! Bakit heaven agad ang nakita ko nasan ang saplot ko!
“Arayyy!” Daing ni Asmodeus ng mariin kong pisilin ang kanan niyang dibdib saka ko siya sinipa kaya lumagabog sa sahig ang bato-bato niyang katawan.
“Bakit andito ka! Saka anong ginawa mo sa akin!?” Sigaw ko sabay dampot sa kumot na nalaglag sa sahig.
“Adela naman eh—.”
“B@stos!” Sabay hagis ko sa kanya ng nadampot ko sa gilid ng kama.
Tumawa si Asmodeus saka ipinakita sa akin ang hawak niyang br@. “Sino kayang b@stos eh ikaw yung naghagis nito ah.”
Talagang nang-aasar siya ha!
“Lumabas ka ng kwarto ko!” Singhal ko
“Aba yan ang hindi pwede lalo at wala pa akong saplot baka may bisita si Dominico makita pa ang bagay na para sayo lamang.”
Tumawa pa talaga siya sa galit ko agad kong dinampot ang elektrikpan sabay hagis sa kanya ang kaso bigla naman siyang naglaho na parang nauupos na buhangin kaya tumama sa pader ang kawawang elektrikpan at nakabasag-basag tanging nanggigigil na sigaw lamang ang nagawa ko siguradong naisahan ako kagabi ng d3monyong yon sinamantala niya ang— biglang bumalik sa isipan ko ang mga eksena kagabi kung paano ko nilaklak ang isang bote ng alak na hawak ni Asmodeus kasunod na ang mga nakakawindang na tagpo naming dalawa na talaga namang nakakaasar! Naisahan nga ako ng d3monyong yon!
“Asmodeus wag na wag kang magpapakita sa akin dahil tatalup@n kita ng buhay! Nakakainis ka!”
***
Asmodeus POV
“Lagot ka Tiyo ano na naman ba kasing ginawa nyo kay Tiya.”
Umiling ako. “Wala akong ginagawa sa kanya ha. Makabintang ka wagas naman Dominico.”
“Eh kung wala eh bakit bigla kayong sumulpot diyan na wala man lang saplot sa katawan sige nga. Buti at hindi ako mahilig tumanggap ng bisita.” Natatawang turan ni Dominico habang nagtitimpla ng kape. “Magbihis na kaya kayo mahuhuli na po tayo sa trabaho tiyak mababawasan yung kikitain natin.”
“Oo na maliligo na.”
Napayuko na lamang si Dominico sabay iling ng taas noo akong naglakad patungong banyo.
“Tiyo ipapaalala ko lang ho sa inyo na nasa Mundo tayo ng mga Mortal ha kaya kung pwede tumino kayo kahit kaunti lang.”
Nilingon ko si Dominico ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
“Hoy! Asmodeus! Anong akala mo sa sarili mo ha sanggol!” Talagang galit siya e siya naman ang may pakana ng nangyari kagabi siya yung nang akit tapos ako ang lagot ang kumplekado talaga ng mga tao!
Naabot ni Adela ang walis tambo kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo baka mahampas pa ako kahihiyan yon lalo at nasa harap ni Dominico.
“Nasira ang elektrikpan ko! Kasalanan mo ‘yon!”. Kalampag niya sa pinto.
“Adela naman ikaw ang naghagis non tapos ako ang may kasalanan?” Sagot ko habang nakasandal sa pinto.
“Oo kasi bigla kang naglaho!”
“E tatamaan naman kasi ako kaya naglaho na lang ako. Ano ba Adela maliligo pa ako may trabaho pa kami ni Dominico—.”
“Palitan mo ang elektikpan ko kung ayaw mong ikaw ang paikutin mo mamayang gabi!”
“Sic!” (Yes!) sagot ko.
“Anong sabi mo?”
“W-wala ang sabi ko maganda ka—.”
“Asmodeus!” Tili ni Adela na sinabayan ng tawa ni Dominico mukhang aliw na aliw ang d3monyito ah.
“Oo. Oo na bibili talaga ako ng bago wag ka ng magalit.”
“Maganda ng malinaw. Bilisan mo diyan gagamit din ako ng banyo.”
“Oo.” Grabe naman ang tapang pala ng napangasawa ko nawawala pagiging Maharlika ko. Bakit ganun si Belphegor eh ayos naman si Monica bakit itong si Adela dinaig pa si Lucifer kung magalit talagang mamamalo. Makaligo na nga baka lalo pang magalit ang maliit kong Reyna.
Nag-iwan ako ng pera kay Adela para kung sakaling may nais siyang bilhin. Binilinan ko siya na wag magtatagal sa labas ng bahay dahil hindi iyon makakabuti sa sitwasyon niya lalo at may mga naghahabol sa kanya para lang makatikim ng kakarampot na dugo mula sa kanyang ugat.
***
Adela's POV
Nakakainip naman dito sa loob ng apartment ni Dominico. Pinatay ko ang tv saka ako nag-isip ng gagawin ko.
Alam ko na!
Tumayo ako at sinipat ang sarili sa salamin saka ko kinuha ang wallet ko at nilagay sa bulsa ng suot kong shorts na may kaiklian lamang. Humakbang na ako palabas ng apartment. Ako na lang ang bibili ng elektrikpan ko.
Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago ako tuluyang naglakad sa makitid na daan ng pababa ng gusaling kinalalagyan ng apartment Dominico.
Tinandaan ko ang bawat lugar para makakauwi ako ng maayos pagkatapos kong bumili ng kailangan ko.
Kasalukuyan akong nag-aabang ng dyip ng biglang may bumangga sa akin kaya nalaglag ang mga dala niyang mga libro.
“Ay sorry!” Saka ko siya tinulungan sa pagdampot ng mga nagkalat na libro sa sidewalk.
“Wala yon kasalanan ko din eh.” Kinuha niya lahat ng nakolekta kong libro saka niyakap ang mga iyon.
“Salamat uli.” Turan niya at naglakad palayo sa akin nahabol ko na lamang siya ng tingin. Maganda siya at mukhang anak mayaman pa nga ata kaso napakasimple lamang niya yung tipong sinaunang babae ang datingan.
Pumara na ako ng dyip na maghahatid sa akin sa pinakamalapit na Mall para bumili lang na pamalit sa sinira ni Asmodeus! Bahala na nakakaasar naman kasi ang isang yon eh tutal ako naman ang gagamit kaya ako ng masusunod ng style na gusto ko!
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...