Chapter 15
Adela's POV
Muling ang lalaki meron na siya bitbit na isang platong pagkain at isang pitsel na tubig naagaw ang pansin ko ng kasama niyang bata.
“Anak ko nga pala si Haunter.” pakilala nito sa batang lalaki na mag hawak ng plastik na baso.
Mukha silang mababait kaya nabawasan ng kaunti ang takot at kaba na nararamdaman ko. Lumapit ang Lalaki para ibigay sa akin ng maayos ang hawak na pagkain.
“Kumain ka para lumakas kayong dalawa.”
Maang akong napatitig sa kanya.
Ngumiti ito. “Naaamoy ko ang supling ng Demonyo sa sinapupunan mo wag kang mag-alala dahil parating na sila para kunin ka.”
Tumulo ang mga luha ko ng marinig ang huling tinuran nito darating na daw si Asmodeus para kunin ako.
“Kumain ka na muna iiwanan ko lang dito si Haunter para may kasama ka mukhang bukod sa mga sasagip sayo ay may mga bisita kami alam na nilang nakuha ka na namin.”
Binalingan nito ang Anak. “Kapag nagkagulo na magtago ka wag na wag mong kalimutan ang bilin ko sayo, Haunter.”
Sunod-sunod na tango ang sinagot ng batang lalaki. Tumalikod na ito at sinara ang kamalig na kinalalagyan naming dalawa ng Anak niya.
***
Asmodeus POV
“Ano ‘yun?” turo nito sa ibang direksyon ng karagatan, milya ang layo nito ngunit malinaw naming nakikita ang kabuuan nito isang malaking isla sa gitna ng karagatan ng may makabagong istruktura ang nakatayo roon ngunit hindi naman iyon ang islang pakay namin.
“Nasa West Philippines Sea tayo, Anak. Ang nakikita mong isla ay ang islang itinayo ng Bansang Chin@.” paliwanag ni Belphegor.
“Tinayo? E kung West Philippines Sea pa po pala iyon eh bakit may isla doon ang ibang Bansa?”. muling tanong ni Roseta.
“Dahil nananakop sila ng Teritoryo ng iba inaangkin nila ang pag-aari ng iba e mahigit ilang siglo na iyan na nakatitulo sa Pilipinas.”. sagot ni Dominico.
“Paano mo nalaman Kuya?”
“Talagang tinanong mo pa talaga sa akin yan ha may problema ba tayo sa edad?”
Nagtawanan naman sina Evo at Belphegor naging makulit si Roseta habang nagbubuntis na kabaliktaran ni Adela na ubod ng tapang at sungit.
“Oo, katatanong ko nga lang diba.”
Himagalpak na naman ng tawa si Evo siguro ganito lagi siyang kapag nangungulit si Roseta.
“Hay naku, Demonyo po ako at wala akong kamatayan kahit yang may hawak sayo ngayon alam ang Kasaysayan ng pinag-aagawang Teritoryo na iyan.”
“Ganon ba, Kuya. Diba sa Pilipinas yan? Pilipino ako diba kasi sa Pilipinas ako pinanganak at ganun din si Mama.”. patuloy lang ni Roseta.
“At anong pinupunto mo Anak?” singit ni Belphegor sa usapan.
“Hindi po ba tayo tutulong sa Bansang sinilangan namin ni Mama?”
Umiling si Belphegor. “Hindi tayo dapat makialam sa kung ano ang problema ng mga Mortal narito lamang tayo dahil sa ilang mga rason hindi natin dapat saklawan ang hindi natin laban.”
“Tama si Tiyo!” sang-ayon ni Dominico.
Napailing na lamang ako ng tingalain ni Roseta si Evo mula sa likuran niya halatang humihingi siya ng resbak mula sa Asawa pero isang masuyong halik lang sa noo ang binigay nito.

BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
FantastiquePROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...