Chapter Five
Adela's POV
Umakyat agad ako sa kwartong tinutulugan ko pagkatapos kong tulungang magligpit si Patrick medyo na-ilang ako sa kanya kanina ko lang siya natitigan ng malapitan iba ang aura niya mukha siyang ibang tao.
Kinuha ko ang Backpack bag ko saka ko iyon isinabit sa balikat ko.
Buti at nilagyan ko ng dobol lock ang pinto nung dumating ako dito. Bakit parang may kakaiba sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon? Ramdam ko ang panginginig ng Katawan ko para akong nakakulong sa hawla o baka pakiramdam ko lang.
Napatalon ako ng bigla may kumatok sa pinto ng kwarto napahawak ako sa bibig ko ni hindi ako gumawa ng ingay para kunwari ay tulog na ako natatakot na ako kay Patrick! Kung totoo nga ang mga nakita ko kanina ibig sabihin magagaya ako sa tagasilbing nakita ko!? Alam ni Patrick na nagniig kami ni Asmodeus dahil naidaldal ko iyon sa kanya. Napapikit ako ng lumakas ang katok nito sa pinto.
"Gising ka pa ba Miss Adela?" Mahina pero nakakatakot ang timbre ng boses niya. Hindi ko siya sinagot. May narinig pa akong ibang boses bukod sa kanya ibig bang sabihin may kasama siyang iba, mukhang may pinag-uusapan sila pero hindi ko gaanong marinig.
Muling umingay ang pinto ng kwarto ko. "Miss Adela buksan mo ang pinto." Inulit uli nito ang malakas na pagkalabog sa pintuan.
Napahawak ako sa Medalyon na nakasabit sa leeg ko naalala ko bigla si Asmodeus. Sana totoong mahanap niya ako kapag tinanggal ko na ang Medalyon. Natatakot na ako! Paano kung totoo nga lahat ang mga nakita ko sa panaginip ko? Hindi naman ako dating ganito sa pagkakatanda ko simula ng may nangyari sa amin nag-umpisa akong makakita ng mga wirdong bagay!
Bahala na!
"Asmodeus!" Sigaw ko ng tuluyan ko ng maalis ang Medalyon sa leeg ko kasabay ng pwersahang pagwasak ni Patrick sa pinto!
***
Asmodeus POV
"ADELA!" Malinaw kong narinig ang tawag niya sa pangalan ko. Lumapit ako sa bintana ng tinutuluyang kwarto ni Dominico.
"Tiyo? Ayos lang ba kayo?"
Nilingon ko siya. "Kailangan ako ngayon ni Adela."
At naglaho na parang nauupos na buhangin. Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso ni Adela siguradong may kinatatakutan siya! Humanda sila sa oras na galawin nila ang pag-aari ko!
***Adela's POV
"WAG KANG LUMAPIT SA AKIN PATRICK!" Sigaw ko sabay angat ko sa ere ng kamay ko na may hawak ng Medalyon. Napaatras si Patrick ganon din ang mga kasama niya.
"Miss Adela bakit mo hinubad ang Medalyon akala ko ba—."
"Wag ka sabing lalapit sa akin! Ano ba talaga kayo!" Angil ko.
"Magaling Apo tingin ko hindi na talaga darating ang Demonyong yon para sa saklolo ng Babaeng yan!" Nakangising saad ng matandang Lalake na nakasuot ng kulay Itim na damit na biglang sumulpot na lang mula sa kung saan.
Napaatras ako at natumba ng tuluyan sa ibabaw ng kama. Agad akong nilapitan ng dalawang kasama nila Patrick subalit natigilan ang mga ito nang biglang may buhangin na lumitaw mula sa kawalan hanggang sa unti-unti itong nabuo napaiyak ako ng makita kung sino ang dumating. Si Asmodeus! Dumating siya para sa akin kahit na tinakasan ko siya.
Nakatalikod sa direksyon ko ang bulto ng bagong dating na nilalang.
"Hominen St*lte!" (You St*pid Human!) Hasik nito sa mababang boses. Umatras sila Patrick. "Sino kayo sa tingin nyo para hawakan ang Asawa ko!"
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...