CAPITULUS DECEM

53 2 1
                                    

Chapter 10

Adela's POV

Saglit lang ang biyahe ko parang kalahating oras lang at andito na ako sa Avante Mall aba maraming tao talaga dito sa Maynila kumpara sa probinsya ah hindi naman siguro mahirap bumili sa lugar na ito mukhang lahat naman eh naseserbisyuhan nila ng tama kaya pumasok na ako sa loob para makabili na ng kailangan ko.

Naglakad-lakad ako hanggang marating ko ang BeYou Appliances shop mula sa labas ng salamin nilang pader ay namili ako ng maganda-gandang elektrikpan.

“Ma’am pwede ho kayong pumasok sa loob para mas makita nyo po ng maayos yung mga model po ng mga appliances namin.”

Napaatras ako ng isang hakbang saka ko tinitigan ang Babaeng nagsalita para kasing may kakaiba sa kanya o baka ako lang. Bigla ko tuloy naisip si Asmodeus. Nakaramdam ako ng takot sa babaeng kausap ko bakit parang biglang naging kakaiba ang lahat hindi naman siya mukhang halimaw gaya ng D3monyong ‘yon pero bakit kinakabahan ako?

Muling itong ngumiti.  “Ma’am? Ayos lang po ba kayo? Gusto nyo po bang dalhin ko kayo ngayon sa clinic? Namumutla ho kasi kayo eh.”

Gusto kong magsalita pero naunahan na ako ng kaba kaya tulala lamang akong nakatitig sa kanya nilingon ko ang paligid matao naman at mukha namang normal ang lahat kaso mabigat ang pakiramdam ko nahihirapan na rin akong huminga.

Humakbang pasulong ang Babaeng mag-aalok sa akin na pumasok sa tindahan nila para makapili ako ng gusto kong bilhin, ako lang ba dahil biglang nag-iba saglit ang itsura nito nanlilisik ang mga mata nito kaya muli akong napaatras baka hindi siya tao gaya ni Asmodeus!

“Nakapili ka na ba ng gusto mo, Asawa ko.”

“A-Asmodeus?” Nagmamadali akong humakbang palapit sa kanya sabay kapit ko sa braso niya saka lamang ako nakahinga ng maluwag hindi gaya kanina na parang nauubusan ako ng hangin sa baga ko.

Marahang humarap sa amin ang Babae ngunit para na itong maamong tupa ng makita ang Lalaking kasama ko. Kilala ba niya ang D3monyong katabi ko?

“Non tatam cum Uxore mea moneo te delebo cognationem tuam.” (Don't mess with my Wife, I warn you I will erase your clan.)

Nakakatakot ang boses ni Asmodeus ng muli siyang magsalita ng lenggwahe na hindi ko maintindihan.

Tinitigan ako ng Babae at muli siyang ngumiti bago bumaling kay Asmodeus.  “Non potes me reprehendere Uxorem tuam bene olet.”  (You can't blame me, your Wife smells good. I can smell her blood. She's one of a kind.)

Nagpakawala ng hangin si Asmodeus saka nagsalita.  “Tu me provocas?”  (Are you challenging me?)

Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa?

Humakbang palapit sa amin ang Babae wala na ang nakakatakot niyang Aura parang biglang nalusaw ng sumulpot si Asmodeus sa eksena.

“No utique non suminpr comparare tibi celsitudinem tuam.”  (No of course not I am no match compared to you, your Highness.)

Muli niya akong tinapunan ng tingin.  “Modo dicas tuam Uxorem pulchram tuam manee in loco tuo, quis vocat  creaturas ut me ad sorbendum sui sanguinis.” (Just tell your beautiful Wife to stay in your place because she's inviting creatures like me to take a sip of her blood.)

Saka ito nakakalokong ngumiti sa akin.  “Ma’am ang gwapo naman po pala ng Mister nyo baka po gusto nyo ng pumasok sa loob para makapili na kayo ng bibilhin nyong kung anuman iyon.”

Sinundan ko na lamang ito ng tingin ng magsimula na itong maglakad papasok sa tindahan nila.

“Sa susunod ayokong lumalabas ka ng Apartment ni Dominico sinabihan na kita diba na ako ng bibili pag-uwi ko minsan nilalagay sa ayos ang katigasan ng ulo. Asawa kita kaya tungkulin kong pangalagaan ka pero kung ibang Babae ka lang hindi kita poprotektahan.”  Natahimik ako sa tinuran ni Asmodeus para akong napahiya sa sarili ko.

Naglakad kami papasok sa tindahan saka pumili si Asmodeus ng dalawang elektrik pan para daw may extra pa sakaling masira uli siya na rin ang nagbayad ng mga iyon saka niya ako sinamahan bumiyahe pauwi.

Tahimik lang ako hanggang makapasok kami ng Apartment ni Dominico. Nilapag lang ni Asmodeus ang mga binili namin nagbilin lang siya na wag na wag na daw akong lalabas bago siya tuluyang naglaho na parang nauupos na buhangin sa dalampasigan.

Tinabi ko ang isang kahon habang binuksan mo naman ang isa saka ko matiyagang inasembol habang sige ang iyak ko nasaktan ako sa sinabi kanina ni Asmodeus na kung hindi daw niya ako Asawa lamang sa malamang na pababayan niya ako ang sama talaga ng ugali niya bakit ginusto ko ba itong sitwasyon ko ngayon, hindi naman eh. Sige ang iyak ko kaya hindi ko na natapos ang paggawa sa bago kong elektrik pan naging abala kasi ako kakapahid ng mga luha ko.

“Wag ka ng umiyak.”

“B-bakit ka bumalik?”

“Umiiyak ka eh diba naririnig kita—.”

“Umalis ka na hindi kita kailangan! Akala mo kung sino ka makapagsalita sa akin!”  Tumayo ako saka ko siya hinarap.  “Bakit ginusto ko bang maging Asawa mo ha! Una sa lahat hindi ko pinangarap na makapangasawa ng gaya mo dahil hindi ka tao isa kang D3monyo ikaw at ang mga kalahi mo ang mga sinumpang nilalang ng Diyos! Tahimik ang buhay ko dati diba! Pero dahil sa ritwal ng pag-aalay ng Papa ko nagkagulo-gulo na eh! Nasira ang kinabukasan ko! Sinira mo ang pagkatao ko sinamantala mo ang lahat! Tapos akala mo kung sino kang magsalita sa akin pwes hindi kita kailangan! Kahit kailan hindi ko ito ginusto! Ikaw lang at si Papa ang may gusto nito!”

“Adela.”

“Wag mo akong hahawakan D3monyo ka! Ayoko sayo! Gustong ko yung buhay ko dati na walang gaya mo! Sana mawala ka na lang kayo ng mga kauri mo!”  Angil ko ng tabigin ko ang kamay niya.

“Nakatadhana ang lahat ng mga nangyayari kaya—.”

“Kaya ano ha, Asmodeus? Dapat sumabay na lang ba ako sa agos ha. Galit ako sayo dahil sinira mo ang kinabukasan mo kinuha mo ang bagay na mahalaga sa akin bilang Babae tapos ikukulong mo lang ako dito!”

Bumuntong-hininga si Asmodeus bago gumanti sa mga sinabi kong.  “Pwede bang babaan mo ang tono mo inaamo na nga kita pero nagmamatigas ka pa rin! Ako si Asmodeus at kahit kailan hindi pa ako yumuko sa isang Babae per—.”

Isang malakas na sampal ang magpatigil kay Asmodeus sa lakas non tumagimid ang mukha niya maging ang palad ko namanhid sa sakit.  “Isang malaking pagkakamali na dumating sa buhay ko Asmodeus. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito.”

Sabay takbo ko papasok ng kwarto bahala siya ayoko na siyang kausap at lalong ayoko na siyang makita pa! Galit ako sa kanya!

“Adela naman pwede ba nating pag-usapan ito? Hindi mo naman kasi ako pinatapos e ang sabi ko hindi nga ako yumuko sa isang Babae p-pero syempre pagdating sayo kahit luhod gagawin ko. Adela hindi ko sinasadya— ngayon lang kasi ako nagkaroon ng Asawa kaya ganito ako ano bali pinag-aaralan ko pa king paanong maging mabuting Asawa para sayo kahit ayaw mo sa akin saka pwede bang wag mo lang damdamin yung mga sinabi ko kanina sa Mall ano kasi hindi naman kasi ganun ang gusto kong sabihin talaga sayo eh. Paki-usap kausapin mo ako.”

“Tantanan mo na lang ako please lang!”

“Sige kung yan ang gusto mo.”

Hindi ki na nga narinig pa si Asmodeus tingin ko umalis na siya o baka bumalik na siya sa trabaho niya masmabutinna yung ganon kesa naandito siya sa bahay lagi lang kaming mag-aaway.

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon