CAPITULUS QUATTOR

86 4 0
                                    

Chapter Four

Adela's POV

Binibilang ko ang mga baryang naipon ko ng makaramdam ako ng kakaiba parang may kung ano na hindi ko kayang ipaliwanag saka ko naisip si Asmodeus. Hinawakan ko ang Medalyon na nakasabit sa leeg ko mataman ko itong tinitigan hugis araw ito sabi ni Patrick kapag suot ko ito hindi ako mahahanap ni Asmodeus tingin ko gumana naman dahil hindi ko pa siya nakikita ni anino niya tiyak na galit na galit ang Demonyong yon ngayon. Hinding-hindi ako magpapakita sa kanya ayokong samahan siya sa Impyernong pinanggalingan niya!

Nagpatuloy ako sa pagbibilang ng bigla akong may naaninag na kung ano kaso malabo lang parang vision yon kitang-kita ko ang mga tao na nagkakagulo pilit nila akong inaabot mula sa tuktok ng kinakapitan kong mataas na punong kahoy sumisigaw daw ako pero walang dumating na saklolo hanggang sa makabitaw ako at nung malapit na akong makapitan ng mga nagkakagulong tao at may biglang humawak sa kamay ko saka ako hinila pataas sa takot ko binalingan ko ito ng tingin si—.

"Asmodeus!?"  nalaglag ang mga binibilang kong barya sa sahig dahilan para akong natauhan mula sa pagkatulala isa-isa kong pinulot ang mga barya habang iniisip ko kong ano ang bagay na nakita ko para akong nananaginip ng gising parang totoo ang lahat nakakatakot pero bakit nandoon ang Demonyong yon at niligtas niya ako? Aksidenteng napatingin ako sa lumang salamin pinagpapawisan pala ako, pinunasan ko ang noo ko saka ko mabilis na pinulot ang mga barya.

***

Asmodeus POV

Nabitawan ko ang hawak kong mga damit sabay lingon ko sa paligid. 

"Quare?"  (Why?)  Tanong sa akin ni Dominico.

“Parang narinig ko si Adela."

"Si Tiya? Naramdaman mo siya Tiyo?"  ngumiti siya.  "Kung ganon may pag-asang makita natin siya kahit may pwersang humaharang sa koneksyon nyong dalawa,"  hawak nito ang mga napiling damit para suotin ko bilang Mortal.   "Babayaran ko lang muna ito. Tiyo saan ka pupunta."

"Maglilibot lang ako,"  lumabas ako ng tindahan ng mga damit bakit ba kasi ang kumplekado ng pananamit ng mga Mortal kailangan ba talagang iba-iba kada araw ang isusuot.

Maraming tao sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Dominico at kabilin-bilinan niya na bawal daw akong gumamit ng enerhiya ko lalo at maraming makakakita siguradong matakot daw ang mga tao kaya tahimik lang akong naglakad-akad may ilang grupo din ng kababaihan ang nakasalubong ko tingin ko halos kaedaran lang sila ni Adela. Ano bang nangyayari hindi ko na naman nararamdaman pa ang presensya ng kabiyak ko.

May umagaw ng pansin ko isang Babae na nakatalikod at tumitingin ng pwede nitong bilhin mula sa tindahan ng pagkain. Minasdan ko muna ang kabuoan ng tindahan.  "Jollibee?"  kakatwang pangalan para sa isang kainan.

Malalaki ang bawat hakbang ko patungo sa Babae nagulat pa ito ng hawakan ko sa balikat ngunit agad ding nakabawi saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. 

"Hi, ang Pogi mo naman may kailangan ka ba?"  Sabay hawak ako nito sa kamay ko kaya nagsalubong ang mga kilay ko sino siya para hawakan ang gaya kong Maharlika!

"Sinong—."

"Tiyo Asmond!"  tawag sa akin ni Dominico nilingon ko ito hawak na nito ang mga pinamili.

"Pamangkin mo siya? Wow parang magka-edaran lang kayo at ang pogi nyo pareho!"  hindi nito maitago ang paghanga napakawalang kwentang nilalang kahawig lang ni Adela ang anyo nito kapag nakatalikod ngunit malayong-malayo siya sa inosenteng mukha ng kabiyak ko.  Tinalikuran ko ito saka ako humakbang palapit kay Dominico.

"Pogi! Anong number mo?"  habol nitong tanong.

"Kakainin ko ang puso ng Babaeng yan isang hawak pa niya sa braso ko magkakaalaman kami."  Bulong kong bkay Dominico napakamot na lamang ito sa batok.

My Sacred Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon