Chapter 8
Asmodeus POV
Walang tigil ang atungal ko sa tuktok ng Kastilyo ko ito ang unang beses na may Babaeng naglakas loob na saktan ako! Hindi ko kayang gumanti kahit madali lang siyang tirisin na parang insekto namumukod tangi si Adela sa tuwing kaharap ko siya nalulusaw ang pagiging Demonyo ko ang kaso masyado siyang marahas pagdating sa akin samantalang kay Dominico napakalambing niya!
“ADELAAA!” Sigaw ko.
“Vide quis rugiens.” (Look who's roaring.)
Nilingon ko kung sino ang panira ng sandali ng paghihinagpis ko. “Lucifer.”
Tumawa ang kinikilala naming Hari akala mo naman swerte sa buhay pag-ibig kung makatawa e parang pare-pareho lang kaming tatlo ni Beelzebub ng sitwasyon ah.
“Quid tu hic? Ubiest uxor tua? (Why are you here? Where is your wife?”). Nakakalokong tanong ni Lucifer.
“Quae non vis esse hic.” (She doesn't want to be here.) maikling sagot ko.
Tumango lamang si Lucifer saka nilapag sa mesa ang hawak na bote ng alak bilang regalo daw sa akin dahil natali na daw ako.
“Bene mortalis mulier tam difficilis ad cognoscendam fortunam est uxor tua melius eam ut Reginam tractabit.” (Well mortal women are so difficult to understand goodluck she's your wife, better treat her like a Queen.)
Napangisi ako sa huling tinuran niya. “Ero. Gratias.” (I will. Thanks.)
Aakma ng patalikod si Lucifer para maglaho kasabay ng nagngangalit niyang apoy ng muli niya akong lingonin. “Antequam oblitus sum cor non indueres vestem decentem induere nec linteum circa lumbos tuos ligatum.” (Before I forgot why don't you get some decent clothes to wear and not a towel tied up around your waist.)
Talagang humagalpak pa ng tawa ang Demonyo bago tuluyang maglaho sa paningin ko napamewang ako saka ko napansin na nakatapis nga lang pala ako ng tuwalya paano ba naman masyadong matapang ang mapangasawa ko para siyang maliit na Dragon saka ang lakas niyang humataw sapul na sapul ako parang balewala ata pagiging makapangyarihan ko sa Babaeng yon ah! Teke nga nakakalalame na siya dapat ako ang masusunod dahil ako si Asmodeus ang Demonyo ng K@munduha@n at P@gn@n@s@, tama dapat ipaalam ko sa kanya na ako dapat ang masusunod at hindi siya dahil nagmula ako sa uri na mas higit kesa sa gaya niyang Mortal!
Buo na ang desisyon ko babalik ako sa Apartment ni Dominico humakbang ako palapit sa mesa kung saan nilapag ni Lucifer ang regalo niyang alak kinuha ko iyon saka ako naglaho kasabay ng gintong buhangin. Humanda ka sa akin Adela.
***
Adela's POV
Nakakaasar naman bakit ganito lahat ng binili ng isang ‘yun naku kung meron lang akong ibang damit hindi ako magsusuot ng ganitong pantulog! Buti na lang at may washing machine si Dominico parang totoong tao na siya kung umasta siguro matagal na siya dito sa ibabaw ng lupa kasi si Asmodeus talagang pang ilalim lang siya ng lupa kasi bagay siya doon kala mo kung sinong gwapo e halimaw naman maganda lang talaga hubog ng katawan niya kasi nga Demonyo siya!
Inayos ko ang baging laba kong pantulog grabeh kaloka talagang ganito lahat ang pantulog ko iba-iba lang ng disenyo pero iisang kulay lang at pula pa talaga nagmukha tuloy akong sumasayaw sa club. Hinawakan ko na ang doorknob at kinabig para buksan ang pinto wala naman si Dominico at lalong wala ang Tiyuhin niyang Demonyo kaya kahit hindi ko na siguro takpan ng tuwalya ang katawan ko ayos lang isa pa mainit din kasi dito sa Maynila ibang-iba sa Probinsya na makakalanghap ka pa ng sariwang hangin.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kaso naputol sa ere ang paghinga ko ng mabungaran ko si Asmodeus na nakatayo at nakaharap sa direksyon ng banyo habang may hawak na bote ng alak, napalunok laway ako nakita ko na naman ang makasalanan niyang katawanan.
“Bagong ligo ka na, Asawa ko. Ummm nakalimutan mo ata na naririnig ko ang iniisip mo.” Bahagya pa siyang tumawa saka humakbang palapit sa akin ni hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko nanatili lamang akong nakatitig sa gwapo niyang mukha.
Huminto si Asmodeus sa harapan ko kaya kita ko ang pagkakaiba ng height naming dalawa saktong hanggang dibdib niya lamang ako. Walang gustong bumawi ng tingin sa aming dalawa. Gumalaw ang mga kamay ni Asmodeus para buksan ang bitbit na bote ng alak saka niya iyon tinungga habang nakatitig pa rin sa akin nanuyo ang lalamunan ko sa paraan ng paglagok niya ng alak para kasing nauuhaw din ako o baka iba na ito unti-unti ako nakaramdam ng pag-iinit ng katawan, nagulat pa siya ng kunin ko mula sa kamay niya ang hawak na alak saka ko iyon nilagok medyo matapang ang isang ito ah pero ayos lang dahil may katamisan naman pala ngumisi si Asmodeus saka niya kinuha ang bote marahan siyang yumuko kaya hinayaan kong umawang ang mga labi ko kaso hindi niya ako hinalikan!
“Tapos ka na bang gumamit ng banyo medyo sumakit na kasi ang pantog ko kakapigil sa ihi ko ang tagal mo kasi sa loob. Bagay nga pala sayo ang suot mo nakakatakam kang tikm@n.” Bulong niya sa tainga ko saka siya humakbang papasok na banyo at sinara ang pinto sa inis ko nasipa ko ng malakas ang ilalim ng pintuan kaya bumukas iyon natutop ko tuloy ng mga kamay ko ang mata ko ng masilayan ko ang little Asmodeus niya pero hindi naman little ‘yun eh kundi dambuhala!
“Ano ba ‘yan Adela naman umiihi ako oh!” Hasik ni Asmodeus na hindi magkandatuto kung paano tatakpan ang sarili.
“S-sorry! Hindi ko sinasadya a-ano kasi tini-testing ko lang kung gaano katibay itong pinto he he he marupok naman pala eh kaya sige maiwan na kita diyan!”. Katwiran ko sabay takbo papasok ng kwarto.
Nilock ko agad ang pintuan ng kwarto ko nilagyan ko pa ito ng harang para sure na hindi niya iyon mabubuksan saka ako humuga sa kama ang kaso hindi ako makatulog dahil nawala ang antok ko! Ang init na nga dito sa Maynila heto at para akong sinisilaban siguro dahil din dun sa alak na ininom ko saka bakit ganon parang nagiging ibang tao ako sa tuwing kaharap ko ang Demonyo na ‘yon— no way hindi pwedeng attracted ako sa kanya pero nag-iinit talaga ang katawan ko! Lilipas din ito. Tumayo ako saka ko binuhay ang electricfan inisteady ko lang iyon sa akin at nilagay ko pa sa number 3 para malakas ang hangin saka ako muling humiga naka-ilang balikwas na ako pero talagang kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Bumangon ako at nag-isip tingin ko talagang hinahanap ng katawan ko ang Demonyong ‘yon!
No choice kundi ang kausapin ko na lang siya magdamag.
Isa-isa kong inalis ang mga nilagay kong harang sa pinto saka ko iyon binuksan napaatras ako ng tumambad sa akin ang topless na katawan ni Asmodeus napakaperpekto niya napalunok laway ako sabay haplos sa namimintog niyang abs.
Napasinghap si Asmodeus kaya tumingala ako at gaya kanina nanatili lamang siyang nakatitig sa akin wala aiyang imik ni hindi siya tumutol ng galugarin na ng mga kamay ko ang itaas na bahagi ng katawan niya.
“A-ang init-init ng pakiramdam ko.” Usal ko.
Humakbang papasok ng kwarto si Asmodeus kahit ako nagtaka sa sarili ko dahil hinayaan ko lamang siyang makapasok ng ganun-ganon na lamang saka siya umupo sa dulo ng kama at tahimik na inaantay ang paglapit ko.
Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit kay Asmodeus talagang nahihiwagaan ako sa nangyayari sa akin ngayon dapat galit ako sa kanya pero bakit hinahanap-hanap ko siya o baka ginagamitan niya ako ng mahika kaso ayon sa mga nabasa ko hindi naman sila marunong ng mga mahika o kulam pero sila ang pinakamakapangyarihan na nilalang ni Bathala dahil mga dati silang Anghel posible kayang may natitirang bait pa rin itong isang ito.
Narating ko ang kinauupuan ni Asmodeus tumawid sa ere ang mga kamay niya para hawakan ang mga kamay ko at pareho iyong dinala sa mga labi niya at hinagkan.
“Wag kang matakot sa akin Adela. Ikaw ang Reyna ko sabihin mo lang kung anong gusto mo at ibibigay ko sayo.” Turan ni Asmodeus sa pagitan ng paghalik sa kamay ko.
Wala naman akong ibang gusto sa mga oras na ito e kundi isang bagay lang ang kaso nakakahiyang sa akin mismo manggaling iyon.
Tumigil siga sa paghalik sa mga kamay ko saka ako tiningala. “Ako ang Hari sa Kastilyo ko ngunit alipin mo ako, Asawa ko. Magsabi ka lang at gagawin ko.”
Napakagat-labi ako sa tinuran niya kusang gumalaw ang mga kamay ko na hawak niya saka ko hinaplos ang magkabila niyang pisngi. Para na akong sasabog sa init ng katawan mo kaya wala na akong hiya-hiya pa. “A-ang init ng katawan ko Asmodeus.”
Ngumisi siya saka ako kinabig paupo sa kandungan niya at muling naglapat ang mga labi namin…
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...