Adela's POV
Ang ingay ng paligid lahat halos sila tuwang-tuwa ng makita ako ni hindi ko magawang tumakbo dahil nakatali ang mga paa ko ganun din ang kamay ko tanging pag-iyak lamang ang kaya kong gawin sa ngayon, ilang beses ko ring tinatawag si Asmodeus sa isipan ko ngunit walang sagot o baka may kinalaman dito ang nakabalot sa akin na telang mag nakasulat na hindi ko maintindihan kung para saan.
Napasigaw ako ng hatakin ako ng isa sa kanila palabas ng truck hawak nito ang paa ko para lamang akong sako ng bigas kung hatakin nito. Malapit na ako sa pintuan kaya mariin akong napapikit tiyak na mahuhulog ako.
“Ako na.” rinig kong turan ng malaking boses sabay angil nito kaya nagmulat ako ng mga mata ko naroon silang dalawa sa paanan ko di hamak na mas matangkad ang bagong dating na lalaki kesa sa may hawak ng nakatali kong mga paa. Tinitigan muna siya nito bago binitiwan ang paa ko.
Napadaing ako sa sakit ng pagtama ng paa ko sa kanto pinto ng truck.
“Ayos ka lang ba, Miss?”
Umiling ako. “M-Manong tulungan nyo po ako mukhang pap*rayin pi nila ako eh.”
Bahagya itong ngumiti saka ako binuhat hindi gaya ng iba mukha siyang mabait kaya hindi ako gaanong nanlaban pa saka kanina pa ako nakatali nauuhaw at nagugutom na rin ako.
“Pasensya ka na sa mga kauri ko hindi ka nila dapat ginaganito nananahimik ang lahi ng Asawa mo pero talagang mapilit ibang lahi na mahigitan sila.” Yumuko siya habang kalong niya ako. “Wag kang mag-alala alam kong darating sila para sayo.”
“M-Manong n-natatakot po ako s-sabi nila sasairin nila ang dugo ko at kakainin nila ang pinagbubuntis ko.” mahinang turan ko.
“Babantayan kita hanggang makuha ka nila.”
“B-bakit po ang bait nyo sa akin kahit Asawa ako ni Asmodeus?”
“Dahil wala ka namang kasalanan kahit ang mga kalahi ng Asawa mo, ang mga gaya kong nilalang sa dilim ang naghangad ng bagay na hihigit pa kay Bathala at nadamay ka lang may Anak din ako gusto kong mamuhay siya sa Mundong walang digmaan.”
Maingat niya akong nilapag sa loob ng isang Kubo saka niya itinali sa kamay ko ang lubid. “O yan hinabaan ko talaga ang lubid para pwede kang humiga sandali.lang at kukuha ako ng pagkain at tubig para sayo siguradong nagugutom ka na.”
Hindi na ako nagpasalamat dahil alam kong anumang oras siguradong babawian nila ako ng buhay.
“Asmodeus… nasaan ka na…”
***
Asmodeus POV
“Azazel!” saad ko ng makita itong kausap ni Belphegor.
Ngumiti pa talaga sa akin ang lokong Anghel.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Wow ganyan ba trumati ng tao este nilalang na gustong tumulong sa inyo.”
Hinugot ko mula sa kawalan ang matalim king espada at tinutok iyon sa Anghel na nakalutang ngayon sa harapan ko. “Anong kapalit ng pagtulong mo?”
Kumindat pa ito kay Roseta kaya agad na itinago ito ni Evo sa likuran niya sabay hagpak ng tawa ni Azazel.
“Wala naman. Ummm gusto ko lang ng Babae gaya nyo masama ba iyon?”
Nagkatinginan kaming lima. Seryoso ba siya.
Tumawa si Belphegor. “Nakikipag matigas na kay Bathala dahil lang sa Babae?”
“E ano naman kung yun nga ang dahilan ko? Lalaki din ako gaya nyo at bawal gaya namin ang umibig e kaso sabihin na lang natin na nahihiwagaan ako sa salitang ‘pag-ibig’ gaya mo Belphegor aking kaibigan sinong mag-aakala na magkakaroon ka ng isang perpektong Cambion mula sa isang Babaeng Mortal diba at si Dominico nakita niya ang kapalad niya na isang din Mortal at syempre si Asmodeus na hinahanap ngayon kung nasaan ang Asawa niya—.”
Hindi na ako nakapagpigil pa at dinikit ko sa lalamunan ng madaldal na Anghel ang dulo ng matalim kong espada. Biglang nagbago ang aura nito.
“Talaga ba Asmodeus gusto mo akong kalabanin baka nabibigla ka lang o baka nga gusto mo akong subukan.” ngisi nito.
Biglang lumamig ang paligid. Naalarma si Evo kaya agad niyang pinagliyab ang alab niya. Hindi ako tuminag kahit alam ko sa sarili ko kung gaano kalakas si Azazel.
“Gusto mo ba talaga, Anghel ni Bathala?” Nagpalit-anyo si Belphegor biglang Demonyo. “Hindi kita uurungan. Uunahin kitang lagutan ng hininga bago ang mga hinahanap naming mga Lobo.”
Nilingon ito ni Azazel saka niya kinumpas ang kamay at muling bumalik sa dati ang lahat nawala ang nagyeyelong paligid, ganun lalakas ang isang ito kaya isa siya sa kinatatakutan sa Langit.
“Biro lang Belphegor.” bawi ni Azazel.
“Nasaan ang Asawa ko?”
Muli niya akong nilingon sabay turo sa gitna ng dagat. “Hindi nyo siya maamoy o maramdaman man lang diba dahil nababalutan siya ng engkantasyon pero dahil hindi ako Anghel malinaw mo siyang naaamoy at naaamoy ko sa kanya ang dugo mo Asmodeus kaya nalaman kong Asawa mo siya at gusto ko din ng isang Asawa kaya bumaba ako dito para makahanap man lang. O sige aalis na ako diretsuhin nyo lang ang direksyon na tinuro ko may makikita kayong Isla sa gitna ng dagat at mukha nagdadatingan na pati ibang lahi mukhang pag-aawayan nila ang dugo ng Asawa ng isang Demonyo.
Lumipad na palayo si Azazel hindi sila naglalaho gaya naming mga Demonyo sadyang mabilis lang sila kapag masa ere na.
“Paratus es?” (Are you ready?) tanong ni Belphegor.
“Sic.” (Yes.) sagot ko saka kami lumipad sa direksyon na sinabi ni Azazel. Naaamoy ang ibang lahi naroon na naman ang mga Bampira.
“Mukhang marami sila!” sigaw ni Roseta.
“Basta sa likod lang kita aking Roseta walang makakalapit sayo kahit isa sa kanila!” turan ni Evo habang yakap ang Asawa mas mabilis kasi kaming lumipad kumpara kay Roseta. Ewan pero mukhang naiinggit ako ah kailan ko kaya maisasama sa paglipad ang Misis ko? Mas madalas kasi na nakakatikim ako sa kanya ng kahoy ng tambo o kaya kawali mismo kesa ang lambingin niya ako pero kahit ano pang gawin niya sa akin Asawa ko pa rin siya at pap@t@y ako para sa kanya.
Uubusin ko sila!
"ANTAYIN MO AKO ADELA!!!"
BINABASA MO ANG
My Sacred Love Affair
ParanormalPROLOGUE "BITAWAN NYO AKO!" sigaw ko habang sige ang piglas ko. "ISUSUMBONG KO KAYO KAY PAPA!" pero nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagtali sa paa at kamay ko sa ibabaw ng malapad na mesa na may naka-ukit na Bituin. Tanging liwana...