Chapter 14 - Unwanted

8 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw na umabot ng mga buwan, tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko. Namaster ko ang pagtatago, pag-iwas at pambabalewala. Mahirap sa lagay ko dahil alam ko sa sarili kong hindi ako nagiging tapat sa sarili ko at sa ibang tao. Pero alam ko hindi ito pang habambuhay. Magtatagpo rin kami. Kung kelan at saan, hindi ko alam.

Minsan may game kami, alam kong nanonood sya. Inspired talaga ako. Halos lahat ako ang pumuntos. Lahat ng tira walang sablay. Pa-impress talaga ako. Nganga lahat sila. Unstoppable daw ako. I have to do that. Kasi dalawang tao ang alam kong nakamasid sa akin. Yung isa hinihintay na magkamali ako. Pero I didn't gave her that priviledge. Mas ginalingan ko pa nga diba? Yung isa
Naman, nagbabakasakaling magkaharap kami. Kahit na maraming makakita, kakausapin nya ako kung papayagan ko.

Sa after game party magkasama sila ni Leah. Buong party nakapulupot si Leah sa kanya. At one time she kissed him on his lips, marking her territory. Halatang nagulat si Junii sa ginawi ni Leah. He actually reprimanded her. Halata sa galaw ng labi nya habang nagsasalita at expression ng face. Malayo ang pwesto ko sa kanila but ramdam ko ang galit ni Junii.

Paminsan minsan nahuhuli kong nakatingin si Junii sa akin. He tried to make eye contact but pinuputol ko agad. Wala akong lakas na tumanggi kung sakaling masukol nya ako somewhere. Na nangyari nga after kong pumunta sa restroom. Nagulat ako ng biglang may humila sa akin palabas ng venue papunta sa madilim na bahagi ng lugar na iyon. It was him, I know! Sa amoy pa lang ng pabango nya. He dragged me to the farthest spot na wala ng taong dumadaan. When he found a spot he took me in his arms. Ang higpit ng yakap nya sa akin. Hindi na halos ako makahinga. I wriggled but he just wouldn't budge. He keeps saying how he misses me.

"Jules oh God I miss you so much!"

Paulit-ulit. May paglalambing.

I stood there, frozen. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot akong baka may makakita sa amin dito. But then again, natutuwa rin ako dahil kahit paano naibsan ang pangungulila.

So I just gave in. Hindi ko na rin natiis.
I hugged him tightly. Magkadikit ng masyado ang mga katawan namin na kulang na lang maging isa na kami. I really missed him. Naiiyak na ako.

"Jules hindi ko na kaya. Ikaw ang gusto kong makasama."

Doon ako parang natauhan. Sabihin ng maarte pero di ko makakayang ako yung masaya pero may taong magdurusa. Hindi ako ganun pinalaki ng parents ko. Bigla akong kumawala sa pagkakayakap ko at umatras ng isang hakbang. Kita ko ang gulat sa mata ni Junii.

"Why Julianna? What's wrong? Aren't you happy that we see each other again?

"I ahhhh, ma-masaya ako-ko." Nabubulol ako sa kaba. " but we really can't do this Junii."

For the second time this evening, nakita kong lumungkot ang mukha niya. Napakagat ako sa aking labi.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin. Hindi ko nahulaan ang next move nya. It was the sweetest kiss so far. Ramdam namin ang pananabik sa isa't -isa. Wala na akong pake kung may makakita.

At nagdilang anghel ako!!!!

"Junii?? What's going on?? Jules???"

Nanigas ako sa pwesto ko. Palagay ko namumutla rin ako. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pintig nito.

"Leah let me explain. Dapat matagal ko ng sinabi sayo to eh." Alam ko ang pinupunto ni Junii dito.

"Junii no! Stop it! Don't say it please." Pagpigil ko sa kanya.

Sinugod ako ni Leah. Nahablot nya ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit. Narinig ko na ang boses nina Kuya Anton at Maya. Si Junii naman ay pilit na inilalayo si Leah sa akin. Pero hindi nya mahila. Mahigpit ang kapit sa buhok ko. Nagkagulo na sa pwesto namin dahil sa mga kasama naming nakiusyoso na rin.

"Malandi! Pokpok! Ahas! Mang-aagaw! Puta! Kaya pala panay ang tingin mo sa amin! Malandi ka! Bat di ka humanap ng ibang lalaki ha! Bakit fiance' ko ang nilalandi mo! You're so cheap! "

"Leah stop it! Sobra na yang bibig mo! Ikaw ang nagmumukhang cheap coz of what you're saying! Napakapalengkera mo talaga!"

"Hah! Are you her lawyer? Bakit mo sya dinidepensahan? Makakarating to sa parents natin Junii."

Gusto kong tumakbo pero hawak ni Junii ang kamay ko. I am crying silently pero hindi na ako makahinga ng ayos. Si Maya panay ang ayos sa buhok kong nagulo. Lahat sila nakikinig lang sa pagtatalo ng dalawa.

"Junii let me go. Uuwi na ako please?" Pakiusap ko. Pero mahigpit ang kapit nya sa akin. Takot na mawala ulit ako sa paningin nya.

"Jules just stay here. Tatapusin ko na ang dapat tapusin dito. Tama andito ang lahat para malaman na nila lahat. Hindi ka dapat maguilty dahil una walang relasyon kang masisira. Second I llike you. Ikaw ang gusto kong makasama."

Nakarinig ako ng singhap. Si Leah ba yun? O yung mga kasama namin? O ako? Ah basta kailangang makaalis na ako dito. Tiningnan ko si Maya. Nagsusumamo ang mata ko. Sana magets nya ang gusto kong mangyari.

Best friend ko talaga si Maya. Nakuha nya ang gusto kong sabihin. Niyakap nya ako kaya nabitiwan ako ni Junii. Bigla kaming nanakbong dalawa. Palayo sa eksenang hindi ko makakalimutan.

Narinig ko ang tawag ni Junii. Paglingon ko nakita kong pinipigilan sya ni Leah. May ibinulong si Leah at nakita kong napayuko na lng si Junii. Anong ibig sabihin nun? Suko na agad? Ang saklap naman. Yung prince kong nagtanggol sa akin, nagbago agad ang isip!

Sumapit ang October. Alam ko kasama sya sa naggraduate. Octoberian. Nakatapos na sya pero umpisa pa lang ng totoong laban. Tutok na sya sa business nila. Malamang super busy na si Junii para maalala pa ako.

Malapit na ang graduation namin. Malapit na ring lumuwas sina Mama at Papa. Yan ang pinaghahandaan ko ngayon. Excited na kaming lahat. Kami ni Maya at lahat ng aming kabatchmates, araw ng graduation na lang ang hinihintay.

Masaya sana kaso mo alam kong may kulang. May puwang. Minsan nakikita ko si Junii. Nakikipagbonding pa rin sya amin. Pero wala na yung kasabikan na nakikita ko dati sa kanya. Nahuhuli ko syang nakatingin pero bigla ding iiwas ang mata sa akin. Once I tried to talk to him. I cornered him pagkalabas nya ng restroom. I tried to grab his hands so we can go someplace quiet. But he wont hold my hand. Naging mailap ang mata nya. Parang takot sa kung ano o kanino. Just like that, I knew this is the end. Tapos na. Kaput. Ang ending ng love story kong from the start doomed na. May pinili na sya at hindi ako yun. May plano na sya at hindi ako kasama dun. Masakit. Umagos na naman yung sakit na dati kong naramdaman. Parang balon, nag-uumapaw na naman. Mapipigilan ko ba to? Pano kung mag overflow? Malulunod ako. Tiyak yun. May sasagip ba sa akin. Wala. Kasi yung taong alam kong magri-risk ng life nya for me, may iba ng pinoprotektahan.

Ang saklap ng buhay ko. Makakarecover pa ba ako nito??





IT'S YOU I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon