" Hi, Jules! pwede bang mag-apply? As your bf?" anang classmate ko.
Asus! Mga tinamaan ng magaling. Nagstart na naman tong mga 'to. Aga-agang mambwisit. Kakapasok ko pa lang sa room, me magpapahaging na agad. Hindi ko sya pinansin, tuloy lang ang lakad papunta sa upuan ko. Pero dun sa table ko may box. Me note. When I read it galing sa class president. Kung pwede daw kaming sabay maglunch. Hayst! Everyday, ganyan ang eksena. Hindi naman ako kagandahan. Bakit kaya ako pinag-aagawan?? nyahaha.
What Maya always said makes sense.
"Kasi popular ka. Kaw ba naman ang star player eh."
Hindi ako sang- ayon dun. Buwenas lang ako lagi kapag may game.
Nagstart akong maglaro ng volleyball nung high school para magbawas ng timbang. Timing namang yun ang P.E.namin. Nagustuhan ko na sya kaya pinagpatuloy ko na. Tapos daming pounds ang nawala sakin.
Si Kuya Anton ang isa sa coaches namin nung college. Mas senior sya kaya kinuhang trainor /conditioning coach namin. Kaya lagi kaming magkasama sa practices. Minsan kasama nya mga ka-tropa nya sa practice. Mga player naman sila ng basketball.
Kasabay namin silang nagdi-drill, kaya naging ka-close din sila ng buong team. Bonus pang ang popogi at ang ganda ng katawan nilang lahat.
Ang pagiging close ng dalawang grupo ay umabot hanggang sa labas ng school. May okasyon man o wala, basta't may pagkakataon, nagjajamming kami.
Si Maya ang aming muse. Saling-pusa kasi hindi naman sya player. At may iba pang kasama na din ang grupo. Mga tropa nina Kuya Anton sa course na kinukuha din nila.
Kapag me okasyon sa house nina Maya lagi ng invited ang grupo. Naging ka-close na rin ng grupo ang parents nina Maya at Anton.
I remember one time, bday ni Tita Tita. I saw a guy. Visitor daw sya ni Kuya Anton. Friend way back nung elementary. Ang puti nya. Chinito. Pula ng lips. Mejo wavy ang hair. Maganda ang hubog ng katawan na bumagay sa kanyang taas. I overheard them saying na he's being groomed daw na next na tagapamahala ng family business. Kaya pala. He's so poised. Lahat ng galaw parang monitored.
Hay, I want sana to meet him. Ang gwapo gwapo nya eh from a distance.Lalo siguro sa malapitan. Kaya all throughout the party, nakasulyap lang ako sa kanya lagi. Nakapwesto lang sya sa table nina Kuya Anton. Tatayo lang kapag magc-cr ata. Hindi sya nakihalubilo sa ibang kakilala nila sa party. Pero tumatango at ngumingiti naman kapag may bumabati.
Sad to say, I didin't get the chance to meet him hanggang sa umalis na kami. He's so aloof, parang loner. Parang stalker lang tuloy ang peg ko. Tamang obserba lang sa kanya.
Hay, maybe next time??
----------
During one of our games, nanood syempre ang buong grupo bilang support sa team. Ang ganda ng game ko that day. Ewan, inspired ata. Kasi before the game, I overheard Kuya Anton saying that Junii will be watching the game.
Whatttt??
OMG! Kailangan magpakitang gilas ako! Na sya ko ngang ginawa. Unstoppable ako all throughout the game!
Only to find out that he came to watch the game para support sa isang ka-teammate ko, si Leah.
All of my hard work during the game, na washed out ng makita ko siyang hinalikan si Leah. Bagsak ang balikat, yuko ang ulo, I weaved my way silently sa locker room.
hayyy, that's life!! Minsang magpacute, sablay pa! Akala ko ako ang tinitignan nya kanina sa court, yun pala iba.
Kuntodo chest out,stomach in, butt out pa naman ako dun!
Hahabol lang ako ng bola, kembot to the max pa ako!
But still, crush ko pa rin sya. Ang pogi kasi kaya. Yaan mo na nga.
Napasali na tuloy ako sa statistics: mga girls na may crush sa kanya!!
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomanceStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...