Sunday....
Lunch time na. Nagluluto ng food namin si Junii. Kanina ko pa sya pinapanood.
And what a sight!
He knows his way around the kitchen. Another pogi points! Along with good looks,given na yan eh, magaling din sya sa household chores, gentle, pasensyoso. Kaya naman sa halos 2 days kong pagstay dito sa house nya unti-unti kong nakilala ang dating iniilusyon ko lang at ng maraming girls na nakakakilala sa kanya.
Yup. You read it right. Kasi isa sya sa most eligible bachelor sa circle of friends namin. Sa lahat ng nakakakilala sa kanya, he is one hell of a good catch. Ang daming chicks na umaaligid, nagpaparamdam, nagpapapansin.
Kaya nga alanganin ako dito eh. Milagro talaga ang nangyari sa amin. Hindi ko naisip na may 'mangyayari' sa amin. Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko. Paano ko ba ito haharapin?
Hays, 2 days. Ayaw akong pauwiin. Bahala na si Batman sa akin. Inenjoy ko na talaga ang pagstay ko dito. Halos hindi kami maghiwalay ni Junii. Sabay sa lahat ng bagay. Paulit-ulit pinaramdam nya saken na babaeng-babae ako, sya nagbukas sa isip ko ng mga bagay na dati sa libro at internet ko lang nalaman. Sarap sa pakiramdam.
Si Junii ang "una". Napakagentle, Ayaw nyang mawala ako sa paningin nya. He sees to it na comfortable naman ako. Which I actually felt. Talagang buhay reyna ako dito.
Nakakahiya nga. Biniro ko nga sya: "Junii baka masanay ako nito. hahanap-hanapin ko na."
Then he replied, " Ok lang Jules. Basta ikaw, lahat gagawin ko, maging masaya ka lang."
*blankstare
Nakupo! Anong isasagot ko? E di oo na lang. Nagi-guilty na ko talaga.
-----
" Junii, maliligo lang ako ha. Matagal pa naman ata yan.." Sabi ko.
"Mejo, but bilisan mo ha. masarap to pag mainit." Excited na syang ipatikim ang niluluto nya.
Nakakita ako ng chance para makapuslit. Imbis na tumuloy sa banyo sa taas, bitbit ang bag at sapatos ko, nagtip toe ako palabas ng bahay nya.
Hindi nya narinig ang pag-ingit ng pinto dahil na rin sa sinadya kong ilakas ang volume ng tv sa kusina.
Pagkalabas ko ng gate, walang lingon likod na tumakbo ako palayo kay Junii.
Palagay ko, nagtagumpay ako sa pagtakas pero sa likod ng isip ko alam kong may panghihinayang akong nararamdaman.
Sana lang malampasan ko kung anuman ang kalalabasan ng encounter namin ni Junii. Maging normal pa rin sana ang everyday existence ko dahil alam ko sa sarili ko, malaking bahagi ng pagkatao ko ang malulungkot sa naging desisiyon kong ito.
I know it is not gonna be smooth. So I am ready-ing myself for a one hell of a bumpy ride, that is my life after Junii.
Pagkadating ko sa house, tinext ko agad si Junii. Alam ko makakasakit ako ng feelings. Siguro. Lakas lang ng loob. Hehehe
I thanked him for the good times and wonderful memories. I will treasure them for the rest of my life. Yan ang sigurado!
----------
Kringggg!!!!
"hello Kuya Anton. Wazzup?"
"Hoy Juliana, matanong nga kita? Ano bang ginawa mo sa kaibigan ko? Bakit matamlay to these past few days? "
"Why Kuya? San ba kayo?" kinakabahan kong tanong.
"Andito kami sa videoke room. Birthday ni Darren, remember? yung friend namin? Kaso mo etong isang to panay emote dito. Wala na daw saysay ang buhay nya! Ginayuma mo to Juliana noh?"
Napaawang ang bibig ko sa narinig. True ba yun o niloloko ako ni Kuya Anton?
"Eh Kuya ano ka ba naman. Alam mo namang mula nung party ni Maya hindi na kami nagkita. Baka naman ibang babae me gawa nyan. Hindi ako. Imposibleng ako!"
Narinig kong paggibik ni Kuya Anton kahit na malakas ang music sa background.
"Hoy Jules, kung hindi ikaw ang me sala, bakit name mo ang binabanggit ng mokong nato?"
"Kuya imposible yang sinasabi mo. It's not me, I'm sure, it's not me."
After ng pagtakas ko halos 3weeks ago, ang dami kong nababalitaan. Komo unti-unti na syang nakikilala dahil lumalawak na ang kanyang connections, dahil sa uri ng business nila, madaming mga babae ang nakakasalamuha nya.
Sabi ni Maya every week iba- iba ang kadate. Oh well, I'm sure nakalimutan na ako nun.
Kahit masakit sa akin, kahit na sinisiksik ko sa isip kong hindi kami pwede, may kaunti pa rin sa utak kong nagpupumilit na maari pa ring mangyari ang gustong-gusto ng puso ko.
Ahhh. wait.....
What? Did I just said na "kami"? Pwedeng maging kami?
Ohno! Malaking problema yan. Yup. Hindi ako magkukunwaring ayaw ko sa kanya. After what happened to us, may ideang pumasok sa isip ko, na pinalaki ng malikot kong pag-iisip, balang araw kaming dalawa ang magkasama for life.
I know it's absurd to think about it. Napakalayo ng agwat namin. Kahit na meron kaming parehong grupo ng mga kaibigan, walang pagkakataon na nagkasama kami sa isang okasyon or sa isang party. Hindi talaga nagtagpo ang landas naming dalawa. Aware ako sa presence nya. It's just that hindi nagkrus ang landas namin. Until nung party ni Maya. And besides, alam ko may gf sya.
"Jules, ganito na lang. Kakausapin ko muna si Junii bukas. Baka need na nya ng kausap. Pansin ko kasi lagi syang balisa. Ang dami nya na daw mali kanina sa opisina. Sabi nya asar na ang mga ka-officemates nya sa kanya. Nasasayang ang oras. Lapit na din ang presentation/ defense nya kaya dapat pagbutihan. Dapat wala ng distractions..."
Thesis na lang pala ang kailangan ni Junii para magkadiploma sya. Then he can work full time sa business nila.
"Ok Kuya. Just don't tell him about me. I'm sure naman nakalimutan na ako nyan. Sabi ko nga sayo, hindi na kami nagkita nyan."
---------
After ng conversation namin ni Kuya Anton, I realized na hindi lang pala ako ang naapektuhan sa ginawa kong pag-iwas at pagtago. Akala ko nagtagumpay ako. After ng pagtakbo ko palayo sa bahay ni Junii, I've come up with the decision na hindi na dapat kami magkita. It was a wise decision for me. Para na din sa ikakatahimik ni Junii. Because I know he will feel burdened which I vowed not to let it happen.
Nobody's at fault sa 'nangyari' sa amin. It was consensual agreement. Kaya naman pareho kaming nagenjoy.
But yung after effects for both of us ang hindi namin napaghandaan. Kaya nga I've decided na for both of us. We should not meet again.
Para sa akin, it was a wise decision. For Junii's sake. Para sa ikatatahimik ng buhay nya.
I just hope that it will be the same for me. Sana nga maging matahimik at bumalik sa normal ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomanceStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...