Now Playing: TEARS ALWAYS WIN - Alicia Keys
"This lips are missing you............"
"BWISEEEEEETTTTT!!!!!" sabay bato ng unan.
Ako yan. Buryong na sa buhay! Ganito pala ang feeling ng madaming regrets sa buhay.
Ang daming sana....
Sana hindi ako tumakas..
Sana nagstay na lang ako kahit na abutin pa ako ng taghukom sa house nya....
Sana hindi ko sya tinaguan...
Kung nagpakatotoo lang sana ako...
E di sana hindi ako nagsesenti ngayon.
"Arrggghhh!!"
Andito ako sa room ko. Hindi ako pumasok.1 week ng masama ang pakiramdam ko. Alam ko naman ang dahilan nito. At alam ko rin ang solusyon. Isa lang ang gamot ko dito. Kaso yung gamot ko, 2 months ko ng hindi nakikita. Andyan lang sya sa malapit pero parang napakalayo ng agwat namin. So near and yet so far. Hmpp!
Sya kaya kumusta na?
Masaya kaya sya?
(intro ng "A thousand Miles ni Vanessa Carlton)
tan-tanan-tanan-tan-tanantanan-tan-tanan-tanan ( hehehehe parangtanga lang.pero aminin kinanta nyo naman.)
Ringtone ko yan. Someone's calling me. Baka si Maya. Inat-inat akong tumayo mula sa kama.
"Hmm dahu to? unregistered number" kausap ko sa sarili ko.
Nacurious ako kaya.....
"Hello?" garalgal boses ko.
"Jules? Oh my God, thank you Jules! Sinagot mo na din!"
Pamilyar na boses. Hinding - hindi ko to makakalimutan..
Hindi ako makagsalita. A lump formed in my throat.
"Jules alam ko naririnig mo ako. Please let's talk. I wanna hear your voice."
Tama ba rinig ko? Me pagmamakaawa sa boses nya?
"Hi"
Hindi na ko nakatiis. Major goosebumps! Parang maiihi din ako.
Sa sobrang kaba.
"Oh my God Jules please wag mong ibaba please. Thank you. Let's talk. Kahit ano. Nothing heavy. Basta marinig ko lang boses mo."
I sighed. " Adik ka talaga. Anong sasabihin ko? Kaw dapat magkwento. Musta buhay-buhay? "
"ahh okay na ako now na nakausap na kita. Akala ko hindi mo na naman ako kakausapin. You know kahit na madaming trabaho dito, parang bored pa rin ako. Ang tagal- tagal ng takbo ng oras. " Ganado syang magkwento, alam ko. He's trying to warm me up.
"ay naku konting tiis lang. Saan ka ba now? Parang maingay sa background", ani ko.
I am trying hard din to talk calmly. Pero deep inside parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.
"Andito ako sa Cebu, meeting future clients."
He sighed. I knew me gusto syang sabihin but pinipigilan nyang ibulalas. He opted for a less stressful topic. Kung ano-ano lang. Basta magkarinigan kami ng boses.
Ako din ayaw kong pag-usapan 'yun' lalo sa phone lang. But I know time will come at magkakausap kami about it. Alam ko hindi habambuhay na makakatakas ako.
"Ay ngapala Jules. May favor ako sayo. Please I'll be returning home on Saturday. Baka naman pwedeng pakisundo mo ako sa terminal 3. Please? Pretty?"
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomanceStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...