CHAPTER 12- Confession

11 0 0
                                    

Junii POV:



Three weeks ago:


"I love you Julianne!" pagtatapat ko.



Alam ko nagulat si Jules sa sinabi ko. Maski naman ako nagulat din. Hindi ko akalain na ang mga katagang nasa sa isip ko lang ay naibulalas ko ng malakas. Hindi ko intensyong sabihin pero totoo sa loob ko ang kahulugan. Para sa akin 'hilaw' pa ang oras/panahon para magtapat ng saloobin ke Jules. Pero yaman din lamang at nasabi ko na, papangatawanan ko na ito at magdasal na huwag sanang matakot si Jules. Baka bigla na naman itong magdisappear...



Nanlaki ang mata ni Jules ng marinig nya ang sinabi ko. Hindi nya akalain na may ganun akong nararamdaman sa kanya.



'Ano kamo? nagbibiro ka ba?" sabi ni Jules.



" Hindi at kung ipapaulit mo sa akin yan ulit, ganun pa rin ang sasabihin ko. I love you, Jules. Ewan kung kelan nagstart. Baka nung party ni Maya. I don't know. Love at first sight? Baka. Basta ang alam ko ayaw kong mawala ka sa buhay ko Jules. Gusto ko lagi kitang nakikita. Nakakasama."

" Pero Junii alam mong hindi naman pwede eh. Huwag ka ng magstart ng bagay na hindi naman natin mapapangatawanan. Tayo lang ang mahihirapan, sa bandang huli masasaktan pa tayo."



Lumabas si Jules sa banyo. Dali- daling nagbihis at naghanda na para umalis.

Ayan na nga bang kinatatakutan ko, ang biglang pag-alis ni Jules at pagtaguan ako..



Dali- dali rin akong nagbihis. Naabutan ko siya sa salas na nagsusuot ng medyas.



"Honey, pwede ba tayong mag-usap muna bago ka umalis? Please? I want to clear things up with you. Please tell me what you want, what's on your mind, Ano bang set up ang nasa sa isip mo? Please Jules, honey tell me. Please let me understand kung bakit ayaw mong subukan? I-try natin Jules. I know it'll work out. I have a feeling na it'll work sa gusto nating mangyari."



Jules stood frozen. She was pressured to bits. I know, ramdam ko.


——————————————————-



Jules POV:



"Ano ba? Linsyak naman tong si Junii! Pinapahirapan pa ako! Ano bang magandang approach dito kay Junii? Ayaw kong makasakit ng damdamin ng iba. Hindi kakayanin ng konsensya ko yun. Hindi bale ng ako ang masaktan, mahirapan. Huwag lang ang iba, lalong lalo na kung ako ang dahilan." Yan ang mga katagang naglalaro sa isipan ni Jules.



"Junii I don't know how to say this but I...... I don't think it'll work. I don't think makakaya nating i-sustain ang magiging relasyon natin. I admit I really, really love you. Just like you said, it's the same for me. Love at first sight din yata ang tumama sa akin eh. I want to spend every single day with you. Gusto ko i-share sa iyo lahat ng mangyayari sa buhay ko. Gusto ko ikaw ang makasama ko habang buhay, sa hirap o ginhawa, sa lungkot o sa ligaya. But I realized na mahirap yung mangyari. Imposible dahil sa katayuan mo sa buhay. Junii ayaw kong makasagabal sa mga balakin mo. Ang dami mo pang mga planong dapat tuparin. Para sa sarili mo, sa pamilya mo, sa mga nagmamahal sa iyo. May obligasyon ka pang kailangan tuparin at alam kong hindi mo kailangan ng distractions para matupad mo lahat ng iyon."



"Jules bakit sagabal sa akin ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ba pwedeng maging isa kang inspirasyon para sa akin? Hindi ba pwedeng ikaw ang maging gabay ko para matupad ko ang mga pangarap ko? Ngayon lang nangyari sa akin ang magmahal ng ganito sa mabilis na panahon. At wala akong balak na tapusin agad ito dahil nagsilbi itong fuel na nagpagana sa akin para magtrabaho ng mahusay. "



Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Alam kong mababaw na dahilan ang mga sinabi ko at alam kong hindi ito kinakagat ni Junii. Tama naman talaga sya. Pwedeng magsilbing inspirasyon ang namamagitan sa amin. Hindi ko lang iyon maamin sa sarili ko.



Okay lang maging selfish. Para kay Junii at sa lahat ng bagay na nakakabit sa buhay nya. Kailangang may magsakripisyo at ako na iyon. Hindi kakayanin ng konsensya kongmagkandaloko-loko siya. Kailangan niyang magtagumpay para hindi masayang ang mga pinaghirapan niya.



"Kahit masakit sa akin ay lalayo ako para sa iyo," saloobin ko.



"Junii," tawag ko sa noo'y nakatungong si Junii.



"Uy. Ano ba? Tumingin ka nga sa akin, please?"



Hinawakan ko ang baba ni Junii at itinaas ang mukha paharap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. I kissed his lips tenderly, lovingly. I know it'll be the last time I'll be kissing this sweet lips. Napabuntung-hininga ako, malalim.



"Please Junii try to understand me. I know i'm being unreasonable here. Ako pa bang mag-iinarte dito? Ayaw ko lang makagulo sa inyo. Kung tayo talaga pagdating ng panahon, yayakapin ko yun ng buong puso Junii kasi alam ko sa puso ko na ikaw ang gusto kong makasama. Pero hindi pa ngayon yun, alam ko. Kaya magtiis muna tayo Junii. Gawin muna natin ang dapat nating gawin para sa sarili natin. Ako gagraduate muna ako tas magwowork. Ikaw, ipagpatuloy mo na at galingan ang naumpisahan mo. Magkikita pa rin tayo sa dulo Junii. Tayo pa rin sa finish line!"



Mahabang paliwanagan pero alam ko sa sarili kong hindi ito katanggap tanggap. Napakaunfair ko ke Junii. Ako ang pumipigil sa happiness naming dalawa.



Hayaan na lang muna. Yan ang naisip ko na solusyon . Lilipas din ang sakit. Kawawa naman si Junii. But I know he'll get over this madness when the time comes. Sana lang hindi ito maging dahilan ng galit ni Junii sa akin. Yun ang hindi ko kakayanin.



Naghanda na akong umalis. Ayaw kong lingunin si Junii. Kanina ko pa pinipigilang tumulo ang mga luhang nagbabadya ng kumawala. Ang sakit na na ng mga mata at lalamunan ko.



Malapit na ako sa pinto ng biglang magsalita si Junii.



"I know may pumipigil sayong mga bagay kaya nagagawa mo lahat ng ito. I have a hunch but I need to look it up a bit more. One thing you have to know and not to forget. Promise Jules it'll be 'us' in the end."



Mga katagang nanulas sa mga labi ni Junii. Parang gusto ko ng bawiin lahat ng mga sinabi ko.



Napapikit na lang ako habang lumalabas sa pinto. Parang ang bigat sa dibdib. Hindi ako sang- ayon sa kinalabasan pero papangatawanan ko lahat ng ito. Kahit masaktan ako, at least kaya ko. Alam kong kaya ko.

Para sa kanilang kinabukasang nakasulat na sa kanilang future. Arranged marriage. Kalaban kong alam kong sa una pa lang mahirap ng talunin.

IT'S YOU I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon