"Maya! How' s Junii?"
"Oh I thought hindi ka na magtatanong about him. Bakit mukhang sabik ka sa info?"
"Masama bang magtanong?" Napasimangot ako.
"Well he's okay on the outside but I don't know on the inside. Sabi ni Kuya he' s always angry sa school. Laging mainit ulo kapag nasa office sila. Tapos lagi daw nagji-gym after ng office hours."
Naawa naman ako.
Sabi ni Kuya Anton hinintay daw ako sa parking lot ng school ng 5hours. Naman! Kikiligin ba ako? Parang ang sarap sa tenga.
But I have to be true here. It will not work. Ayaw kong makasira, ayaw kong maging kontrabida.
Sa simula pa lang, wala ng pag-asa. Dapat hindi na nagsimula, kasi wala namang magiging ending.
————
Habang papasok ako sa school may nakasalubong ako...
"Excuse me, ikaw ba si Julianne?" sabi ng sopistikadang babaeng nakasalubong ko.
Sa gulat ko sa pagbanggit niya ng name ko, napamura ako ng mahina.
"shit"
Tinaasan nya ako ng kilay sabay sabing "Are you always this rude?"
"I'm sorry Mam. Hindi ko po sadya. Nagulat lang po ako ng marinig ko ang name ko." Pagpapakumbaba ko.
" Ako po si Julianne. May kailangan po ba kayo sa akin?"
"Ah ikaw pala." sabay tingin sa akin mula ulo hanggang sa paa. Para ba akong pinipintahan.
Eh sino kaya ito? Ang sosyal ng hitsura, mula ulo hanggang paa naghuhumiyaw ang karangyaan.
"Ako ang mommy ni Leah. Alam mo na siguro kung sino si Leah. O kailangan ko pang ipaliwanag sayo?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang saklap naman. Talaga palang wala akong laban dito.
"Alam kong may pagtingin ka kay Junii. At sinasabi ko sa iyo ngayon na putulin mo na kung anumang ugnayan mayroon kayo. Pampalipas ka lang nya ng oras. May kaunting misunderstanding sila ngayon ng anak ko kaya naghahanap si Junii ng mapaglilibangan. At ikaw ang easy target nya. Hah! At nagpatarget ka naman!"
Ang lakas ng tawa nya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng napapadaan sa gawi namin.
Para akong nanliliit sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Magsasalita ba ako? Baka lumabas na bastos ako. Kung tatahimik naman ako baka pagsisihan ko balang araw na hindi ko pinagtanggol ang sarili ko.
Ang hirap naman. Gusto ko ng umalis sa eksenang ito. Pero paano ba? Eh mukhang hindi pa siya tapos maglitanya.
"Alam ko ang uri mo. Naghahanap ng mayaman para may pangtuition! At ano ang kapalit? Kapag tinawagan ni Junii, sugod ka agad kahit saang lupalop pa yan? Iha kung ako sayo magtrabaho ka ng malinis para naman kapag nakagraduate ka, may mukha kang maihaharap sa mga magulang mo."
That does it!!! Isama ba ang parents ko dito?
"Excuse lang po Mam. Mali po kayo ng nasagap na chismis. Nag-aaral po ako sa tulong ng kapatid at parents ko. Hindi po ako pokpok na nagpapagamit para may pambayad ng tuition. Hindi ko po alam ang estado ng relasyon ng anak nyo at ni Junii. Magkaibigan lang po kami ni Junii at hindi ko po maaaring ilayo ang sarili ko sa kanya kasi po iisa lang po ang circle of friends namin kaya magkikita't magkikita pa rin po kami, sa ayaw at sa gusto nyo."
Taas noo ko ring litanya sa kanya. Aba sobra namang unfair yung sinabi nya. Kung hindi matanda ito baka sinapak ko na to eh.
"Wala kang modo!!"
"Eh depende po sa kausap ko."
Nanlalaki na ang mata nya. "kung ayaw mong maiskandalo at mapatalsik dito sa school nyo lubayan mo na si Junii. Hindi kayo bagay! Wag ka ng mangarap na magiging kayo! Sila ni Leah ang magpapakasal. Matagal na yang napag-usapan ng dalawang pamilya kaya pwede ba wag ka ng makigulo!"
"Salamat po sa malasakit pero dapat si Junii po ang kausapin nyo. Hindi po ako ang dapat na binibigyan nyo ng threat. Nagkamali po kayo ng tao na haharassin. Dapat po si Junii ang pagbantaan nyong wag ng tumingin sa iba."
Aambaan nya na ako ng sampal kung hindi lang dumating si Joey, isa sa mga friends nina Junii at Kuya Anton.
"Jules? Ayos kalang ba? May problema ba?"
"Ay naku Joey nanjan ka pala. Tara na sa library. madami pa tayong gagawin. Sige po Manang mauuna na po kami sa inyo. Ingat sa pag-uwi."
Kumaway pa ako sa nanay ni Leah. Bwiset na yan, kung di lang talaga matanda pinatulan ko na sana.
Hila-hila ko si Joey na umalis sa lugar na iyon. Nang nasa malayo na kami saka pa lang sya nagtanong.
"da who?"
"Wala un. Impakta na me anak na impaktita!Wag mo na lang ikwento kahit kanino ha. Wag ka ng magtanong, ililibre na lang kita ng snacks"
"okay madali naman akong kausap eh. Jollibee tayo ha."
Hayun na nga, wala na akong magawa.
Yan ang rason ko kung bakit tinanggihan ko si Junii. Masakit talaga sa akin. Hanggang ngayon nasa isip at sa dibdib ko pa rin ang sakit. Hindi na yata ako makakarecover. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Mahirap kapag puso na ang kalaban.
Dapat ko bang sabihin ang napag-usapan namin ng biyenan nyang hilaw? Baka naman lumabas na nagsusumbong ako. Gusto ko si Junii. Gustong - gusto. Walang bahid ng pag-aalinlangan. Lalo pa at may nangyari sa amin. Dapat ko bang igiit yun sa kanya? Baka naman lumabas na naghahabol ako. Kasi unang- una, wala kaming relasyon ni Junii nung mangyari yun. At may Leah na sya.
Ouch talaga. Hirap naman.
Kailangan ko na bang magconfide kay Maya? I'm sure she'll understand.
Ganun nga ang ginawa ko at she was mad. Taliwas sa inaasahan kong pag-intindi ni Maya, sermon pa ang inabot ko sa kanya.
"What??!!! Me ganyang eksena?? Kelan yan? Alam ni Junii??"
"Hindi nya alam. Kahapon yan sa gate ng school. Wala namang sigawan, basta kinausap nya lang ako. ganun."
"At anong reaksyon mo? Baka tumango- tango ka lang. Kilala kita Jules tahimik ka lang pag ganyang eksena na."
"E sabi ko naman dapat si Junii ang kinakausap nya hindi ako. Saka wala naman kaming relasyon kaya wala akong dapat na ikatakot. Pero Maya sabi sa akin ng Mother ni Leah arranged marriage na pala silang dalawa. "
Pigil ang emosyon ko habang sinasabi ko iyon. Poker faced. Ayaw kong mahalata ni Maya na nasasaktan ako. Hindi biro ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"I heard that rumor before but it died down immediately. Kasi hindi naman napapag-usapan kapag magkakasama kami. But wait kung true yan bakit nakita kong may kasamang iba si Leah sa cinema 2 weeks ago? Tino- two time kaya nya si Junii?? ay ewan bahala sila jan. Basta ikaw Jules konting ingat okay. Pag-isipan mo kung sasabihin mo yan kay Junii. But I guess you should tell him. para hindi na maulit yung eksena nyo ng nanay ni Leah. baka next time gulo na abutin mo dun."
"Yah yun din iniisip ko. Maybe I should tell him. Kaya lang ayaw kong makigulo sa kanila. Di ko kakayanin kapag pati sina mama at papa madamay pa dito."
Hindi ko din nasabi kay Junii sa takot na lumaki pa ang gulo. Nagparaya na nga lang ako eh, kahit masakit sa akin. Unfair kay Junii but I have to do that para matahimik na sila. Mas nauna sila kaysa sa akin. Talagang may right silang magalit dahil may nanggugulo.
Ayaw ko namang mabansagang kabit-chi. kahit na hindi pa sila kasal. Malamang itakwil na ako ng pamilya ko nun.
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomanceStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...