"Maya!!!!!!!"
Sigaw ko sa cp. Kakainis at nakakahiya! Alam ko na agad. Ang dali talagang basahin nitong si Maya!
"Jules, bestie, girl, sis! Sorry! Kasi si Kuya Anton eh, sabi nya hulihin ka daw namin."
Napapikit ako. Nagpipigil na mapasigaw ng todo.
"Anong akala nyong magkuya sa akin? Kriminal? Bakit nyo naman ako huhulihin?"
Narinig ko ang hagalpak na tawa ng dalawang lalaki. Alam ko kung sino yun. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Nakuuuu ewan ko sa inyong tatlo! Pag nakita ko kayo dito, kukurutin ko mga singit nyo! Promise ko yan sa inyo!! GRRRRRR!"
Asar na asar talaga ako. Pero sa totoo lang, nahihiya talaga ako. Mahirap mahuli na nag-aasssume. Baka wala naman talaga kay Junii. Ako lang talaga ang nag-iisip ng kakaiba.
"Ahh aherm. aherm. Jules? Si Junii to. Sorry talaga. It's my fault."
"Huy Pare ano kaba? Jules, Anton here. Ako may pakana nito. Wag kang magalit sa kanila. I'm just being pilyo here. Really sorry okay? Bawi ako sa iyo kapag nasa Manila na kami. "
I sighed deeply. Pinarinig ko talaga sa kanila yun.
"Ahhm Jules? Still there?" Si Junii yun.
"Yep still here."
"About dun sa question mo. Wal....."
"It's okay." Putol ko sa sasabihin nya.
"No,no,no you have to know the answer, Jules."
"Okay na nga diba? Don't hurt yourself explaining. Hindi na ako interesado sa sagot."
"But Jules...."
"Stop it Junii. I said okay na. Sige na babye na sa inyo. Bye Maya. Text na lang pag nasa Manila ka na. "
Binaba ko na yung cp. Hindi na ako mapakali. It's just obvious na interesado ako kay Junii. Paano na yung drama kong 'no strings attached'?
At saka baka kung anong isipin nya. Kasi nagtanong ako about sa kanila ni Leah.
Nakakahiya. Baka kung anong isipin ni Junii.
Mao-obvious ba akong interesado ako sa kanya??
Ah bahala na. Iiwas na lang ulit ako. Bumalik na naman yung awkwardness.
Paano ko na naman haharapin nito si Junii? Nawala na yung tapang ko.
———————
Saturday.
Araw ng pagbabalik ni Junii. I know he's expecting me sa terminal 3.Pero hindi ko sya sinipot. I kept myself busy. Kunwari nagresearch ako. Well, talagang nagpunta akong library. Nagadvance reading na lang.
Wala na yung tapang ko nung nakaraang araw. Tskk. Akala ko mareresolve ko na ito. Napurnada pa.
Naramdaman kong nagvavibrate ang cp ko tanda ng may tumatawag.
Lumabas ako ng library para masagot.
"Yup?" It's Maya.
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomansaStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...