Chapter 15 - Congrats

4 0 0
                                    

Graduation.

Naks! Dressed to kill si Papa at Mama. Excited silang dalawa. Napa "yesss" pa si Papa nung binigay ko yung programme at mabasa nya yung name ko sa list of graduates.

Yesss! Ako na ang tatawagin next.

"Julianne Saavedra Sarmiento"

Habang naglalakad ako paakyat sa stage, naririnig ko ang sigawan nila. Si Papa, si Kuya Anton, yung Papa nya at iba ko pang mga friends. Naiiyak ako. Nagbunga ang lahat ng paghihirap namin nina Papa, Mama at Kuya.

Sa dami ng aming mga sacrifices, nawala lahat yun nung tumuntong ako sa stage at tanggapin ang aking diploma.

After ng ceremony at walang katapusan picturan, nagyaya ang parents ni Maya sa kanilang bahay para sa isang salo-salo. Eto na talaga ang plano. Para sa mahabang kwentuhan dahil matagal ng hindi sila nagkita. Naging reunion din ito ng dalawang pamilya.

Bago ako sumakay sa van, napansin ko syang lumalapit. Nanginig ang binti ko. Eto ang unang pagkakataong mag-uusap kami after ng nangyari yung 'eksena'.

"Hi, Julianne. Congrats. This is for you."

Sabay abot ng flowers at maliit na box.

Nangingimi kong kinuha ang gift nya at nagpasalamat.

"Thanks Junii. Long time no see. You look good."

Ano ba yan Julianna. Napaghahalatang sabik???

"I miss you!"

Si Junii talaga panira ng moment. Baka himatayin ako sa mga salita nya. Miss nya daw ako?? Narinig kaya nina Mama?

"Ahhhh ehhhh pu pupupuntatata kaba kina Maya? I heard invited ang buong tropa nyo ah."

Di naman halata nagbuckle ako.

*

Sa house na nina Maya kami nagkakitaan lahat. Kompleto ang tropa. Dumating din pati si Junii. Si Kuya lang ang wala. Sa isang araw pa siya makakauwi.

Nagsaya ang lahat. Kainan. Inuman. Kwentuhan. Kantahan. Parang wala ng bukas kung magsaya. Pilit akong nakihalubilo sa kanila kahit na medyo naiilang ako.

Oo. Naiilang ako. Awkward lang. Si Junii kasi. Bawat kilos ko nakasunod ng tingin. Bawat salita ko nakatuon ang pansin. Baka may makahalata sa pinaggagawa nya. Lalo akong kinabahan nung hindi na sya nakatiis at kinorner ako sa may bandang kusina.

"Jules!"

Sa sobrang gulat ko, muntik na akong madulas. Mabuti't naalalayan nya ako agad.

"Ingat lang. Ok ka lang ba? You looked pale? Pagod ka na ba? You want something?"

"No no no. I'm okay. Nagulat lang ako. I ahh didn't know you're here. Really, I'm okay. And also thanks sa gift mo. I like the flowers."

"You're welcome. You like what's inside the box?"

Ay oo nga pala. May small box palang kasama yun. Hinalughog ko ang bag ko at nakita ko yun box. I showed it to him. Pinakitang hindi ko pa na-open. Balak kong sa room ko na lang buksan. Para suspense sana.

"Can you open it now? I wanna see how you look on it."

Pinagbigyan ko sya. I unwrapped it. Sa harap ng red box ay ang brand kung saan nya nabili ito. It looks expensive at nahiya akong buksan yung box.

He grabbed the box from my hand and open it for me to see what's inside. He took it out of the box. Nanlaki ang mga mata ko when I saw the heart shaped pendant dangling from his grip. It was beautiful. Kumikinang sa harap ko. Yung hugis pusong palawit, parang nanunukso.

"You like it? Pasensya ka na wala kasi akong time na maghanap ng iba." Kakamot- kamot ng ulo nyang sabi.

"Ano ka ba? Ang ganda kaya. Nakakahiya naman sayo. Nag abala ka pa."

He grabbed both ends ng kwintas at sinenyasan nya akong tumalikod sa kanya. Sinuot nya sa akin yun. Ramdam ko ang bigat ng hinga nya sa likod ko. Pati ang init na lumalabas sa kanyang katawan.

Ano  na ba ito?! Anong klaseng pakiramdam ba itong lumulukob sa akin? Ganito ko na sya ka-miss at konting pagkakalapit lang namin, super react na agad lahat ng senses ko.

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ito ang tamang oras para sa kalokohan ko. Mamaya ko na lang iisipin yun kapag mag-isa na lang ako. For now...

"Wow thank  you Junii. Ang ganda talaga."

"You're welcome. I'm happy you liked it."

"Hoy kayong dalawa dyan. Anong pinagmimitingan nyo dyan? Nagpaplano na kayo kung panong magtanan? hahahahaha"

Si Tito Tony, nang-aasar na naman. Pero bigla syang sumeryoso.

"Alam nyo guys malalaki na kayo. Dapat alam nyo na ang gusto nyo sa buhay. Nasa tamang edad na kayo para magdesisyon ng ayon sa kaligayahan nyo. Alam ko ang hirap ng pinagdaanan nyong dalawa. I think it's high time to think about yourselves. Is it worth the risk? Do you guys are ready to cross the bridge? Are you willing to defy the odds? Kung saan kayo happy todo-todo ang support ko sa inyo. Just do it!!"

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pinapahiwatig ni Tito Tony. He wants us to be together.

Mataman akong tinitignan ni Junii. I know dina-digest nya ang mga sinabi ni Tito Tony.

"Ok ka lang?

Tumango ako. Nakangiti. Handa sa kung anuman ang maaring sabihin nya.

Tumingin sya sa paligid bago humakbang palapit sa akin. Inabot nya ang kamay ko at pinisil.

" Just wait a bit more Jules. If you could just wait. Aayusin ko lang ang mga dapat ayusin then we could be happy na. Forever. I promise!"

"Junii just stop. Ok? I know you're trying very hard right now. Ang dami mo pang obligations na dapat unahin. Mag enjoy na muna tayo ngayon. Wala munang dramahan. I know anjan ka lang sa paligid and I am grateful that you're still thinking about me. Junii yung feelings ko sayo hindi pa rin nagbabago."

There! I said it! Out in the open. Nganga si Junii. He can't believe that I said it.

Wala na ring atrasan. I just laid out my cards out in the open. But alam ko hindi pa rin ito maglalayag sa ngayon.
"Junii, I think we just have to wait. Ang dami pa nating gagawin na dapat iprioritized. Yun lang ang wish ko. I am willing to wait. Kung tayo talaga, pasasaan ba't sasaya rin tayo. Pero sa ngayon hindi natin hawak ang happiness natin. Maybe yung inaasam nating kaligayahan hindi pa matutupad sa ngayon."

He just stared at me. Matiim. Nananatya.

"Yan ba talaga ang gusto mong gawin? Ha? We can be together but we have to be careful. Yan sana ang gusto ko. We don't have to be apart. We just have to be careful."

I get what he wants to say. Magiging kami but patago. Because... Leah.

Kaya ko ba yun? Do I have to take the risk? Sasaya ba ako ng ganun? But then...

"Ayusin mo muna ang issues mo. I am willing to wait,Junii."

There. That's my answer.

Nagulat si Junii. He stepped back a little. Sadness is in his eyes. Then, he turned his back on me. Alam ko masama ang loob nya. Bagsak ang puso ko. Gusto kong humabol. Pero nagpigil ako. Tama. Tama lang ang desisiyon ko. I have to do this para sa katahimikan ng lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT'S YOU I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon