Nakakapagod pala.
Nagising na lang ako magkatabi na kami sa bed. I was on my side,nakatalikod sa katabi ko. Si Junii nakayakap sa bewang ko. Lakas ng hilik. Sa tapat pa ng tenga ko. Pero ayos lang. Kahit araw-araw ganyan ang lakas ng hilik nya, walang kaso saken...
Huwaw! parang future na ang nasa isip ko ha. hehehe....
He stirred in his sleep. mejo nagmumble pa. Hindi ko naintindihan. Basta 'sweet' ang last word. nyahaha ako kaya nasa dream nya?
Napansin ko ang oras. 4:30am.
Parang me kumakanta? Si Ne-yo. Hindi ba sya napapagod sa pagkanta ng 'Because of You'?? Kanina ko pa sya naririnig. Tapos mawawala,then start ulit...
Ay wait! Ringtone ko yun eh! Hala me natawag sa aken!! Tatayo sana ako kaso pinigilan ako ni Junii.
"Don't answer it." aniya. Sabay yakap sa bewang ko. Pilit kong inalis yung braso nya but hindi natinag. He just wouldn't let go.
"Wait baka si Maya yan. hindi ako nakapagpaalam kagabi."-ako.
"Mamaya mo na lang kausapin,maiintindihan ka nun," he said.
Just then he started to caress my inner thigh again......
*****
Nakupo. Napagod na ako talaga.
Ang haba.........
.
.
ng staying powers ni Junii.
Inuming Cobra Energy drink ata ang dumadaloy sa ugat nya. Hindi napapagod. Kapag sinabing "again???" ,
Hindi ka na makakasagot, kasi nagstart na sya ulit sa next round.
Hay, ang sarap lang isipin na si Junii ang kasama ko ngayon. Nakakataba ng puso at nakakaganda ng itsura! hahahaa
Akalain mo yun? Ang pinapangarap ng mga girls na nakakakilalala sa kanya, eto katabi ko ngayon sa kama! San ka pa? Ang swerte ko naman. Siguro may nagawa akong good deed nung past life ko kaya nagtatamasa ako ng walang humpay na swerte ngayon.
Ni sa panaginip hindi ko ito napaghandaan. Unang pagtatagpo namin at umabot kami sa ganitong sitwasyon.
Si Junii, magandang lalaki, edukado, matipuno, masayahin, magaling daw makisama sabi ni Maya. Ni minsan hindi pinagtagpo ang aming mga landas. Alam kong andyan siya, nage-exist, one of Kuya Anton's friends, nakikita ko sya, lagi namang sa malayuan, at sa tagal ng pagkakakilala ko kina Maya at Anton, walang pagkakataon na kami'y magkakilala ng personal. Lagi syang busy. Sa school at sa pag-aaral ng business nila.
During Maya's party, that was the first time I laid my eyes on him. Matignan siya ng malapitan. And boy, what a beautiful sight!!
And I guess, ang Fate, pinaglaruan kaming dalawa...bigtime!!!
But then again, I have to face the realities. Hindi pangmatagalan ang fairy tale ko. Panandaliang kasiyahan lang ang lahat. Marami akong dapat ikonsidera sa sitwasyong sinuungan ko. May dapat akong alalahanin, higit sa sarili ko, kundi ang sitwasyon ni Junii. Importanteng huwag siyang magkaroon ng alalahanin tungkol sa akin. Baka din may masaktan akong tao. On his part. Sa akin, wala. Pero sa kanya, alam ko meron. That's what I am worried about. Alam ko at kilala ko kung sino. Kaya kahit may kurot sa puso, I have to give way.
I can manage, I think. Yup! Kaya ko ito. Kakayanin para mawala ang guilt feelings na nararamdaman ko dahil lang sa temporary insanity na naranasan ko. At sa padalos - dalos na decisiong pumasok sa utak ko.
I hope I can get through this. Para happy ang lahat, happy si Junii, at ako??? magiging masaya ba ako sa naiisip kong way out sa situation na ito?
*
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomansaStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...