Si Maya, bff ko since Elementary kami. Birthday nya ngayun kaya andito ako sa house nila. 3pm pa lang pero nagpunta na ako. Para sana makatulong kahit konti sa preparations. Pero andami na palang nag-aasist ke Tita Tita, mommy nya. Magrelax na lang daw ako sa lanai . Andun daw si Tito Tony, me kakwentuhan ng bisita. Wala pa ang celebrant, me biniling ingredients para sa salad. Kasama nya si Kuya Anton. From the kitchen lakad lang ng konti makikita na ang lanai. Sumilip ako sa glass door. Andun nga si Tito Tony. Parang sobrang immersed sa conversation with someone. Syempre me nakalatag ng alak sa mesa. Pati pulutan. Nakatalikod saken yung guy na kakwentuhan nya. Wow, ang broad ng shoulders! Yung hair parang color brown? Di ko masyadong mawari but hindi sya black. Nakaslouch sya maupo pero alam ko matangkad sya. Nakalatag lang naman yung binti sa gilid ng mesa. Endless! Ang haba kasi hehehe.
“ Oi, Jules iha!” narinig kong me tumawag ng name ko. Natigil tuloy ako sa pagmumuni- muni sa mahabang legs.
“Tito!“ kumaway ako.
“Come here iha.” He said.
Nakalingon na sa akin yung mamang long –legged. Lumapit ako sa kanila. Nako-conscious ako kasi nakatingin si long-legged. Parang familiar sya saken.
Humalik ako sa cheek ni Tito Tony at p-in-at nya yung ulo ko, just like old times, kapag nagpupunta ako dito sa kanila. Ganyan ang pagbati nya sa mga friends ng anak nya.
“How are you iha? Musta ang parents mo? Tagal mong hindi nagawi dito ha.” He said.
“Okay naman po. Busy sa school projects. Sina Mama at Papa baka lumuwas next month.”
Nasa Batangas ang parents ko. Caretaker sila ng bahay ng isang mayamang Chinese na nakilala ni Papa dito sa Manila. Kaya ako naiwan dito sa Manila. Nagrerent ng isang apartment malapit sa school. Yung brother ko, si Kuya Gino sa Canada nagwowork bilang I.T. sa isang company dun.
“Ah talaga? Aba sabihin mo ke Papa mo magse-session kami dito sa bahay ha.” Sabi ni Tito.
Session-- inuman,tagayan,barikan,kampayan! Dyan sila magkasundo ni Papa.
“Naku Tito parang hindi naman kayo nag-uusap ni Papa. Nababasa ko kaya ang usapan nyo sa facebook!” hirit ko.
“Ay ngapala. Sorry Junii. Nakalimutan ko anjan ka pala. Si Jules yan, bestfriend ni Maya. Mari Julianne Sarmiento. Iha, eto naman si Junii. Robert Josh Macaraeg Jr. Tropa naman ni Kuya Anton mo. San nga ba kayo nagkakilala ni Anton?”
"Sa Taekwondo club po nung gr.2." si Junii.
"Eto namang si Jules, volleyball player. Pambato ng school nila yan." Pagbibida ni Tito saken.
“Hello! Nice meeting you. Isa ka sa tinetrain nina Anton diba? Isa sa varsity player. Kasama ka nina Anton at Leah diba?" ani ni Junii sabay lahad ng kamay.
Huwaw! Sabi ko na nga ba eh. Si Junii to eh. Ang mailap na friend ni Kuya Anton. Ang lamig ng boses! Deep baritone voice. Nagshake hands kami. Ang lambot ng kamay. Saka ang smooth.Nahiya naman ako sa kamay ko. Pagsisisihan ko pa atang naglalaro ako ng volleyball.
“Hi! Same here.” Mejo pacute ko. Aba’t ayaw bitawan ang kamay ko! Nakatitig lang sya sa eyes ko. Namalik-mata? Ahehehe bakit?
“Oi kayong dalawa wag masyadong obvious na nalove at first sight kayo. Mauumay ako nyan. Mahaba pa ang araw. Inuman muna tayo.” Si Tito nang-aasar.
Namula ako. Pati si Junii. Pati ears nya mapula. Hehehe. Naupo ako sa katabing silya. Inurong nya yung inuupuan nya para mejo nakaharap sya saken. Binigyan ako ni Tito Tony ng baso. At yun na ang start ng mahabang kwentuhan namin.
Nalasing,nakatulog, nagising na ulit si Tito Tony, nagkukwentuhan pa rin kami ni Junii. Mga simpleng topic lang naman. Buhay-buhay. Ko at nya. Eto talagang wiwi lang ang pahinga ng kwentuhan! Patagal ng patagal, ramdam ko parang matagal ko na syang kakilala.
Nung dumating nga si Maya, dinedma ko talaga sya. Well beso-beso rin. Pati si Kuya Anton na dating paborito kong kakwentuhan kapag nagpupunta ako dito, nadedma ko dahil ke Junii. Pero nung mahalata nilang mas interested kami ni Junii sa isa't-isa, hinayaan na lang nila kami sa lanai.
7pm nagdatingan na ang visitors. Ang ganda ng garden,maliwanag. Nakisama ang weather huh! Come as you are naman ang party kaya everybody’s in their best dresses. Si Maya stand-out sa lahat. Kahit anong idamit , mukhang model. Kahit basahan kayang gawing parang signature designer’s clothes! Umapaw ang foods at drinks. Lahat nag-enjoy. Lahat umuwing nakangiti. Pero kami ni Junii nakabuo ng sarili naming mundo. Ang weird lang talaga. Pwede pala yun? Love at first sight ba ito?
Kanina sa party, me nangungulit sa aking guy. Schoolmate namin ni Maya. Nung makita nya ako sa lanai hindi na nya ako tinigilan. Kahit pinakilala ko si Junii na companion ko sa party , di pa rin natinag. Naasar na tuloy si Junii, nagpakilalang boyfriend ko. Sabay hawak sa kamay ko. I was shocked and excited. Kakakilig kasi!
Since then, hindi na nya binitawan yung hands ko. Kapag pupunta akong CR, nakasunod din sya. And that’s when ‘that sweet kiss’ happened.
“Wait lang ha, mag-cr lang ako,” I said. Pero sumunod pa rin sya. Sa 2nd floor ako nag-cr. Kasunod ko sya sa hagdan. I did my business sa c r. Natagalan ako kasi mejo lasing nako. Naggurgle ako. Then I washed my face.
Hindi ko namalayang pumasok pala si Junii sa loob. Nagulat ako when he gave me a back hug. I saw his reflection sa mirror. I knew that he’s waiting for my violent reaction. Nagkatitigan kami and BOOM! Namalayan ko na lang we were kissing deeply.
Ewan kung pano o sino nagstart. Basta ang sarap ng feeling ko ngayon! This is my first time to be kissed passionately. Bonggang-bongga! Dedma ang paligid. Junii was holding me tightly. His right hand is holding my head,yung left sa likod ng bewang. So 'nowhere to run' ang peg ko.
“Hmm Junii, wait baka me kumatok!” ako po yun. Super effort na nagsalita.
“Wala yan, ako bahala.” Sabi nya hoarsely. Ayaw paawat ah. I pushed him lightly. Matigas ang pagkakayakap. But then he took a step back. Buti naman.
“ahh la-la-labas na tayo.ba-ba-baka hinahanap na ako ni Ma-maya.” I said nervously.
Sumunod naman sya. Lumabas na kami sa c r. Palinga-linga. While holding my hand we went downstairs. Kinuha nya lang yung bags namin then he led me outside the house, sa lugar where he parked his car. Madilim dun. Ang daming puno. That’s when he grabbed me again and took my lips for another sweet deep kiss. Grabe lang, hindi ako makahinga! Naghiwalay lang kami when we heard voices approaching.
‘Let’s get out of here.” He said. “Let’s go somewhere else. I want to be with you alone.”
Medyo ang sarap pakinggan. Pero naglalaban sa isip ko ang ‘tama o mali’.
Medyo nawala na ang lasing ko. Kaya alam ko na ginagawa ko. But the call of wild adventure,napakalakas ng hatak sa akin. Nawawala na ang good reasonings ko.
“Lord,patawad but I want to be with him.”
Pikit-mata, sumama ako kay Junii!
The hell, I feel so wild!!
And naughty!!
Kinakabahan man, looking forward pa rin ako sa mangyayari.
Eto na ba yun? This is it na ba?
BINABASA MO ANG
IT'S YOU I LOVE
RomanceStory of two people who got caught in a very "tight" situation. Love at first sight? Posible. Complicated nga lang. Paano nga ba maaayos to? Forever na kasi ang nasa sa puso nila. Hahanapin na lang ang tamang daan para sa happy ending na inaasam. P...