CHAPTER 10- Found Yah part2

25 0 0
                                    

Wala kaming imikan habang nasa daan. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Nag-aalangan akong magsimula. Sinusulyapan ko na lang ang mukha nya. Tinatantya ang expression.

"Baka mabura naman mukha ko," sabay lingon sa akin, nakangiti.

Nagblush lang naman ako. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Nag no comment na lang ako.

Dinala ako ni Junii sa house nya. Hindi na ako nagulat.

Kabado talaga ako habang papasok kami sa loob. Madilim ang buong kabahayan. Nangangapa ako sa paglalakad sa salas ng maramdaman ko ang kamay ni Junii. He gave me a back hug. Ang higpit. Ramdam ko ang pagkamiss namin sa isa't-isa. Medyo teary-eyed ako. Hindi ganito ang ine-expect kong magiging reaction ko once na magkita kami ulit. Naka-attention lahat ng senses ko. Sobrang ninanamnam ang bawat seconds na kayakap ko sya. Minememorize ang lahat ng pwedeng ma-feel, ma-smell,makita. .

One thing is for sure: I really really miss this man! Buong -buo. Malaking Check. Walang bawian.

"I miss you Julianne. All those days na hindi kita nakita, nayakap, it was just like hell. Hindi ako makaconcentrate sa trabaho. What the hell happened to me? Huh? Alam ko ikaw lang makakasagot nyan."

"Junii, I'm sorry kung ganyan na-feel mo. Pareho lang naman tayo. I admit nagsisisi ako na nagtago ako, imbes kausapin ka, lumayo ako."

Hinarap nya ako. Our gazes met, ang tagal. Magkalapit na ang bodies namin. Ramdam ko ang tension...

Hindi na ako nakatiis, I took the initiative. I kissed him on his lips. Wala ng kiyeme, wala ng pagpapakipot.

He responded with gusto! Making up for the lost time. The kiss was deep but sweet. Our tongues collided. I started to feel the heat, down from my toes up to my hair. I miss this feeling. Grabe lang naiiyak na ko sa kaba.

Palagay ko later na ang paliwanagan. Kasi when he led me to his room, I know hindi pagkukwentuhan ng mga bagay-bagay ang gagawin namin dun!

------------------------------

Sa ikalawang pagkikita, we did it again. Hindi na kami nakapagpigil pareho. Kita sa bawat kilos namin ang pananabik sa isa't-isa. Wala ng pakialam sa kahahantungan ng aming ginagawa. Lalo sa parte ko. In short bumigay na ako ng todo ke Junii. Bakit pa mag-aalinlangan? Bakit pa maglilihim? Itodo na para sa kaligayahan. Bahala na si Batman bukas. Sa bawat problemang dadating, me solusyong nakakabit. Ako na bahalang mag-isip ng tamang solusyon kung meron mang problemang dadating.

Alam ko, kabado si Junii. Takot. Hindi nya alam kung paano kikilos sa harap ko. Ramdam kong takot syang magkaroon na naman ng ako ng dahilan para tumakas. I'm sure hindi na nya kakayanin yun. Sa nakalipas na halos 2 buwang hindi kami magkasama, narealized kong habambuhay na akong nakakabit ke Junii. Hindi ko na ito maiiwan. Bahala na din si Batman sa kahahantungan namin bukas. Basta ang mahalaga siguro ke Junii ngayon ay mapalagay ang loob ko sa kanya.

But above all this, there is still one issue na talagang nagpapagulo sa utak ko. Paano si Leah? Isusumpa ako ng mga ninuno ko kapag nang- agaw ako ng boyfriend. Iisang lugar lang ang iniikutan namin ni Leah, hindi ata magandang mag-iiwasan kami lagi kung susundin ko ang gusto ko.

IT'S YOU I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon