Prologue

35.2K 303 25
                                    

FIRST PERSON'S POV

Malamig na hangin ang yumakap sakin sa gabing madilim. Tumakas na naman ako. Tumakas sa itinuturing kong kulungan at tumakas sa reyalidad. Kelan ba ako hihinto kakatakbo? Nakakapagod.

Hindi na ako nag sayang ng oras na balutin pa ang nanlalamig na katawan at hinayaan nalang ito. Ang tunog nang paghampas ng tubig at ang simoy sa hangin ang nagpapagaan ng loob ko. Alas dose na nang umaga ngunit nandito parin ako sa dalampasigan.

Tumayo ako at nag pagpag ng damit. Nakahinga naman na ako ng ilang oras kaya sa tingin ko ay kaya ko ng bumalik.


Mabilis ang naging byahe ko dahil halos wala na halos nagmamaneho sa daan. Napansin kong patay na ang ilaw ng bahay kaya hindi ko na kinakailangang dumaan pa sa bintana.


May susi naman akong dala kaya nabuksan ko ang pintuan. Mabigat sa pakiramdam. Hindi ito ang tahanan na gusto ko. Hindi ito ang itinuring kong tahanan.


Tinignan ko ang malaking family picture na bubungad sa kung sino mang papasok ng pinto. Family picture na wala ako. Anong klaseng family picture yan? Katawa.


Naisip kong tumaas na at tumungo sa guest room. Yes, sa guest room ang kwarto ko. Iba na kasi ang nagmamay-ari ng kwarto ko.


Hindi na ako nagpalit at basta nalang humiga sa kama. Feeling ko drained na drained ang buong katawan ko.


It's already three in the morning and i still can't sleep kahit na ramdam kong pagod ako. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang itsura ng pamilya kong masayang nagtatawanan habang kumukuha ng litrato para gawing 'family picture.'


Nandoon ako. I am there standing infront of them but still didn't make it to be a part of that stupid family picture. Pero hindi ako nag salita. Sanay na kasi ako.


I've been living like this for years already. Pero sa nag daang taon na ganito ang sistema namin nasanay lang akong manahimik. Hindi ko magawang masanay na maging manhid sa sakit. Everyday i feel like there's a knife stabbing my heart over and over again.


Tears started rolling down my cheeks. Heto na naman ako! Those unforgettable memories starting to gambled in my head.  Why does the world have to be unfair to me?


***

DISCLAIMER:

This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

This story is unedited. Typographical and grammatical errors. Please bear with me.


WARNING:

This story contains offensive languages or foul words. Has a sensitive topic like violence, drugs, r@ped, depression, blood and any sensitive dark issues in society. I want to apply those topics here to enlighten everyone mostly us millennials about those issue today. I want to entertain and also open your mind about those issues while reading this story.


DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME!

HAPPY READING!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon